"Hoy. Jessie, okay ka lang ba talaga? Mukhang hindi eh. Wag ka nalang kaya pumasok mamaya sa Cafe? Sasabihin ko nalang kay sir."
"Okay nga lang kasi ako Carly. Wag na. Magtratrabaho parin ako mamaya."
"Kung iniisip mo ang sweldo mo, wag ka--"
"Napag-usapan na natin toh diba? Tinulungan mo na nga akong makapasok sa Cafe niyo eh. Baka sabihin pa nila na ginagamit kita."
"Kasi naman Jess. Baka mas lumala lang yang lagnat mo! Tignan mo oh! Ang putla putla mo. Baka matakot sayo mga costumer. Tapos hindi ka pa uminom ng gamot. Ayaw mo namang magpabili. Hmp." Pinagkrus niya yung kamay niya at sumimangot.
At oo. Hindi pa ako uminom ng gamot. Wala na palang laman yung cabinet kagabi. Nakalimutan ko na nagkasakit nga pala si Courtney last week kaya nubos yung gamot na binili ko.
Hindi ko naman maatim na bumili ng gamot. Wala na akong ekstrang pera para bumili ng kahit ano. At lalong ayaw ko ng utang na loob sa iba.
Humingi lang talaga ako ng tulong kay Carly kasi walang wala na ako at kailangan ko ng trabaho.
Isa akong barista sa Libook Cafe. Yung Cafe nila Carly. Kung hindi dahil sa kanya hindi talaga ako makakapasok sa trabahong toh, lalo na't wala pa akong experience sa pagiging barista.
Buti nalang at natutunan ko din ng maayos. Pinagtrain nila ako. Ng isang araw lang. Hindi naman ako masyadong nahirapan kasi isa sa mga hilig ko ay ang pagbabasa at paggawa ng kape.
"O sige na nga. Basta. Sasama ako sayo mamaya. Lezz go to our last period na at ng makaalis na tayo sa school."
Hinatak ako ni Carly sa kamay at dahil sa biglaang paghatak niya may natabig akong tao na may dalang inumin.
Sh*t. Just great. I hate attention but look what I've got right now. At hatak hatak parin ako ni Carly. Hindi niya napansin ang nangyayari.
"B*tch. Wag mo kong talikuran nalang basta!"
Ay. Ptcha. Masakit sa buhok ha. Pwede namang kamay eh. Bat buhok ko pa? Ptk. Not my hair.
Naramdaman kong binitiwan na ni Carly yung kamay ko at humarap na din sa babaeng natabig ko.
"Ano!? Hindi kamanlang hihingi ng paumanhin? Ha! Bastos!"
Hinigit niya pa ang buhok ko palapit sa kanya. At hinila hila niya pa gamit ang dalawa niyang kamay. Fvck. Wag ngayon. Pls. Masama ang pakiramdam ko.
"Don't make me lose my temper. Madami akong ginagawa na mas importante kaysa makipag-away sa taong walang delikadesa. Paumanhin po kung natabig ko yung iniinum mo. Sinakop mo kasi buong daanan. At ang buhok ko, will you please?"
Magsosorry sana ako ng mahinahon pero wag na pala.
Binitawan niya yung buhok ko pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.
"JESSIEEEEEEEEEEE!!"
BINABASA MO ANG
The Gap Between
Cerita PendekI never wanted someone to enter my life--no, I never let anyone enter my life... But He did.