Chapter 1
Cyber Friends? Sa unang banggit nito sure ako'ng ito ang una nyong maiisip:
-Masama
-B.I. (Bad influence)
-Di mapagkakatiwalaan
-Mga japeyks
-Mga nangrarape, nanghohold-up, nangkikidnap, magnanakaw, ect.
-Mangloloko
Oh, totoo naman diba? Lalo na't trending pa sa TV news ang mga balitang di kanais nais ng dahil sa 'meet-up' nito. Mga textmates, facebook friends, twitter at kung anu-ano pa'ng social networking sites.
Maski makipagkaibigan ka lang pwede ka nang mapahamak. Any time. Isang click lang nyan sa internet, sirang sira ka na. Isang comment, isang post, isang like, isang tweet. Syempre, ano pa ba ang magiging tingin ng iba sayo pag may cyber friends ka? Malamang ang pinakasikat na diaogue eh, "Nako, mag-ingat ka! Sa panahon ngayon, wala ng ligtas at mapapagkatiwalaan!"
Maraming bad comments and remarks nang dahil nga sa usap-usapang masamang naidudulot nito sa iba. Well, I can't blame them. Totoo naman kasi, they can hurt you. Maybe physically, emotionally and spiritually. Alam nating lahat and we are truly and fully aware what a 'cyber friend' can do and cause you. Diba? Kahit na sabihin nating panatag ang loob natin at comportable pa kayo sa isa't isa, may halo paring pangamba. Eh nakilala mo lang sa internet yun eh. Yung iba pa walang picture. Mamaya killer pala yun. Kasi sa mundong "cyberly" maraming peke.
Yet, many people took the risk and let themselves enjoy kahit na alam nating bawal. "Masarap gawin ang bawal" ika nga. Di ako nag-aagree jan. Basta. Feel ko lang sabihin.
Cyber friends palang, marami ng voilent reactions, paano pa kaya kung Cyber Love na? Oh, nakakatawa man, pero alam nating may ganyan. Yung tipo'ng hindi pa sila nagkikita o nagkakausap ng personal, eh daig pa ang magshota na 2 years nang mag-on dahil sa kalandian. Sorry for the term but I'm sure you get point. Yung tipong kakakilala mo palang sa kanya last last week (cyberly) pero kung makapag-"i love you" eh parang legal. Yung tipong kakasimula nyo palang pero ang lagi nya'ng linya "I can't live without you."
Kung natatawa ka, sige, aaminin ko'ng kahit ako napapatawa ng kaunti. Kung tinatamaan ka, makinig ka.
Sa internet, kaunti lang ang tao'ng matino. Tsaka, curious lang. Bakit? Bakit ka tinatamaan? Lokohan lang ba o totoo na?
Cyber Love: -Loving a person or individual with what they acted and what they are when talking to you without knowing them personally but cyberly; (in which you do not care what others may think of you)
-"Naglolokohan lang kayo"
-"Sus, peke lang yan"
-"HAHA! Nako, ang desperate mo na talaga"
-"Pustahan, one week lang tatagal yan."
-"Mahal daw. Weh di'nga?"
-"Lakas ng trip mo, 'dre"
At alam nating madami pa. Syempre, Sino nga ba'ng makakalagpas sa pangangaral at sermon ng nakatatanda?
-"Hindi ka mahal nyan. Hiwalayan mo na!"
-"Jusko, ang mga kabataan nga naman ngayon. Pati mga robot jino-jowa na."
-"Ano'ng klase'ng bagay yan?"
Malamang grounded ka pa nyan. Baka ipadala ka pa sa mental at sabihing may topak ka.
Ewan ko kung matatawa ka ba dahil napagkamalan ng lola mo na robot lang yun o magalit dahil grounded ka na nga napagkamalan ka pa'ng may sayad.
Gaano nga ba katagal ang inaabot nyo? One week? Two weeks? Baka naman may tumagal ng three years?
Hindi natin alam.
Ikaw, naranasan mo na ba?
Kung Oo, Kamusta? Bad experience ba? Wala na nga ata'ng totoo lalo na sa mundo'ng peke.
Kung Hindi, gusto nyo malaman kung ano'ng feeling? Ganto nalang, wag mo nang gawin o itesting okay? Take it from the news, parents and friends. Mapanganip. Siguro ito yung "Sa una masaya, pero pag tumagal nakakasawa." Bakit? Mukha ba ako'ng bitter? Hindi naman. Ayoko nga ma-experience. Nakakatakot.
Pero may tanong ako. Paano pag ang first love mo eh nakilala mo lang cyberly?
Malamang pinagtatawanan nyo na ako ngayon. Ganda'ng joke ano?
Pero yun ang totoong tanong. Ano'ng gagawin mo? Sabi nga nila, "First love will always be special"
Special? Eh paano pag hindi mo pa nakikita?
Kani-kanina lang, iniinsulto ko ang cyber love. Pero katulad nga ng sabi ko, Hindi natin alam.
Meron yung mga, matagal na sila'ng magkakilala. Yung tipo'ng childhood friends/ bestfriends turned lovers ba, na nagkasawaan at nauwi sa hiwalayan. Pero kilala'ng kilala na nila isa't isa, kaya lang. Wala eh. Hindi nagwork-out.
Meron yung mga love at first sight. Hindi yung una'ng unang pagkakita eh mahal agad ah? Ano yun? Nakakita lang ng gwapo/ maganda, mahal agad? Kelan pa tumibok ang mukha? What I mean by 'first sight' eh mga one week palang magkakilala, nagkadevelopan, naging masaya ng magkasama, hindi nagkasawaan, at tumanda ng nagmamahalan. Dinaig pa nila yung matagal ng magkakilala.
Same goes in cyber love (I guess), mostly bad comments and remarks ang natatanggap nyo, pero hindi natin alam, kayo pa ang end game.
Kaya nga, nung una ko'ng naramdaman yun. Yung unang pumasok sa isipan ko eh ang mga bad remarks (katulad kanina). Hindi ko naisip, may nagkakatuyun pala talaga.
Katulad ng sabi ko, ayoko'ng ma-experience. Pero bakit nangyari sakin? Napakagulo talaga. Eto yung nakakainis na part..
Kung saang hindi mo inaakala, eto pa ang mangyayari sayo. Kung baga, kung ano pa ang ayaw mo, yun pa ang minahal mo. Magulo diba?
Ayoko nang mag-explain.
Ayoko na masyado magsalita.
May mga makakarelate siguro. Meron di'ng hindi. Ahh... bahala na kayo. Basta ako?
Ewan. Bahala na si batman.
BINABASA MO ANG
My Cyber Love
Teen FictionKung saang hindi mo inaakala, eto pa ang mangyayari sayo. Kung baga, kung ano pa ang ayaw mo, yun pa ang minahal mo. Magulo diba?