Chapter 2

7 0 0
                                    

Chapter 2

"Ano ka ba Julia? Okay lang." ngumiti ako sa kanya habang naglalakad papunta'ng classroom.

"Eh.. nagulo ko yung tumblr account mo tapos okay lang? Ang ganda pa naman nun!" nakapout pa sya habang nagsasalita. Eto'ng babae'ng to masyado'ng pacute.

"Aayusin ko nalang ulit. Masyado ka'ng worried."

"Sorry talaga! Sorry."

"Ang kulit. Okay nga lang. Tulungan mo nalang ako mag-isip ng next topic para sa story ko." sabi ko sabay kindat. Hopeless romantic yan kaya madami'ng ideas.

Nilagay nya ang index finger nya sa may baba nya, na parang nag-iisip. "Story? Hmm.. ib-blog mo nanaman?"

"Hmm.." tumango ako habang nakatingin lang ng diretso sa aki'ng nilalakaran.

"So what is it this time? Tragic?" sabi nya na parang may halo'ng sarcasm.

"Lovestory? Gusto ko sana gumawa ng... parang article! Yung parang mga ginagawa ng mga kasama sa school paper. I really think its cool." sabi ko habang nakadreamy-voice. Ahhh... Dream come true talaga kung matatanggap ako sa school paper this year. Santa, yun nalang Christmas gift mo sakin.

"Hmm.. So hindi sya romance? Eh ano'ng gusto mo? News?" suggest nya. Ayoko ng news. Gusto ko yung, title palang magc-click na sya agad sa mga teenagers. Yung eyecatcher ba? Pero ito, hindi romance.

"Yeap. Pero ayoko ng news. Gusto ko yung wala masyado'ng kacheesyhan at pagiging Hopeless romantic chenes na yan."

"Ang hirap naman!" Aba! Porke di nya lang magagamit ya'ng pagka-Hopeless romantic nya, mahirap agad. Ang daya talaga nito kahit kelan. Hmpft.

Binuka nya yung bibig nya parang may sasabihin pa ng bigla'ng nagbell. Balik aral nanaman.

***

"Use the pythagorean formula to find the length of each hypotenuse to the neareth tenth..."

Nandito ako ngayon sa library. Nag-aaral. Tapos na ang klase ko, sadyang trip ko lang mag-aral ngayon habang nagrerehearse sila Julia para sa human video na project nila sa Music.

*You and me, and all of the people, and I don't know why, I can't keep my eyes off of you.*

Tunog bigla nung phone ko. Nakoo! Mapapagalitan ako nito ng librarian. Napatingin naman ako sa gawi nya at nakita ko sya'ng may kinakausap na lalaki, sus. Parang kinikilig pa si Ate Librarian. Buti hindi narinig yung phone ko.

Nung tinignan ko kung ano yung alarm or appointment na kailangan ko'ng gawin.

'Check all requirements and be ready to pass all of it today at 5:00 pm'

Tinignan ko yung oras, 4:30. Tinabi ko na yung math book ko at chineck ko na lahat ng requirements ko. Nang matapos ako, pumunta na ako isa-isa sa lahat ng teacher ko para ipasa lahat. Nagulat nga sila, ang aga ko daw kasi magpasa. Matagal pa naman kasi end ng first quarter. Wala lang, Trip ko lang magpasa ng maaga.

Nasa bench na ako ngayon, ang tagal kasi ni Julia. 5:05 na. Kailangan ko ng umuwi.

"Miss?" tawag sakin ng isa'ng lalaki. Hmm.. Para sya'ng 3rd year or 4th year student. Matangkad. Medyo may itsura naman, may glasses nga lang.

"Po? Bakit po kuya?"

"Ikaw ba si Cynthia Montejo? Yung nagpasa ng paper para sa School paper?" tanong nya habang may hawak syang papel.

Ah!! Bakit ko ba nakalimutan! Ngayon nga pala i-aanounce yung mga nakapasok. Kinakabahan ako.

"O-opo."

Umupo sya sa tabi ko kahit na hindi ko naman sya inimbita, saka ngumiti. Masayang ngiti pero hindi sya pang congrats-smile, more on, Imsorry-smile.

"First of all, Hi. Ako nga pala si Mark. EIC ng school paper." nakangiti nya'ng bati sabay abot ng kamay.

Wow! Sya pala yun. Sabi nila nerd daw? Hindi naman eh. Medyo.... gwapo naman.

"Ah, Cynthia." inabot ko yung kamay ko at ngumiti habang nakikipag shake hands.

Nagngitian kami at bigla nalang kami'ng natawa. Ewan ko ba, natawa nalang ako bigla.

"Yung kamay ko?" sabi nya nung medyo humupa na yung tawa nya.

Ohmygoodness! Nakakahiya! Binitawan ko na agad kamay nya. Namumula na siguro ako ngayon.

"S-sorry."

"Okay lang. Oo nga pala, Ito yung sinubmit mo'ng paper" inabot nya yung papel na kanina nya pa'ng hawak.

Teka, bakit nya binibigay uli? Tanggap ba ako o hindi? Sana, sana.. Matagal ko ng pinangarap to' eh.

"Okay lang po ba?" Tinitigan ko yung papel. Okay naman ah? Teka, pag tanggap ba dapat may red mark na 'pass'? Alam ko papasa ako. Matagal ko to'ng ginawa. Pinag-isipan ko'ng mabuti to'ng article na'to. I even studied some english words and spanish words. Chineck ko'ng mabuti yung grammar. So sure ako'ng matatanggap ako. Binuhos ko lahat ng lakas ko dito. I deserve to pass naman diba?

"Actually, for a first year high school student like you, sobrang nakakagulat. It was well written. Sa unang tingin, aakalain mo'ng isang journalist student ang gumawa. Grammar and spellings are all good." pagpuri nya. So ibig sabihin ba nito makakapasa ako? Base sa kanyang sinasabi, Oo naman diba?

Tumango ako, asking him to continue. "Actually, maganda sya'ng basahin. But hindi ba't masyado'ng serious yung ibang words? But to be honest, It's suitable for twenties and above. Yung paper sana that Im actually looking for eh yung para sa teens."

So hindi? Pero pinaghirapan ko yun!

"I--" naputol yung sasabihin ni Kuya Mark nung biglang dumating si Julia.

"CYNTHS! Tapos na yung practice namin, Tara na-- oppss" napansin nya siguro'ng kausap ko pa si Kuya.

Ngumiti si Kuya Mark saming dalawa. "Mukhang uuwi na kayo. Sige na, 5:30 na oh. Mag--iingat kayo. Cynthia, bukas nalang natin ituloy." with that, umalis na sya.

***

"Julia naman eh!! Nakakainis ka talaga. Arghhh." reklamo ko sa kanya. Naglalakad na kami pauwi. Nakaalis agad si Kuya Mark.. di nya tuloy nasabi sakin kung tanggap ba ako o hindi.

"Ehh sorry na.. Pero alam mo Cynths, naalala mo yung kinokwento ko sayo na crush ko? Yun yun eh! Si kuya mark!" sabi nya na halatang nagpipigil ng kilig.

"Oh?"

Ewan ko nga kung bakit yun lang nasabi ko. Nakakagulat lang siguro talaga.. Yun pala yun. Okay. Off-limits na si Kuya. Kay best na yun. Hay ba't ba lahat nalang taken na?

***

"... You're never too young to change the world, So stand up! And.." type ko. Gumagawa ako ng para sa blog ko.

Kakauwi ko lang galing school. Nagbihis ako agad, kumain at gumawa ng homeworks saka binuksan ang laptop. To be honest, 10:30 pm na. Pero heto ako, nagsusulat parin. That's how I am when Im alone. This is my comfort zone, I guess.

In-exit ko na yung MS Word at inopen yung blog ko. Many people are telling me to read this story in a website. Isa sya'ng website ng isang online author. Blogger din sya. Kaya I just can't fight the urge to be curious at nakita ko na yung story na sinasabi ng mga readers ko.

I read it and at first naguluhan ako. Pero nung tumagal woah... First of all, para syang gawa ng isang filipino authors like Bob Ong, Ramon Bautista at Marcelo Santos III. Second, All her ideas, hindi sya cliche. I mean, wow! Sino'ng makaka-isip nun? Basta grabe ang ganda! So I searched her name sa twitter. I wanna see her first. And poof, maganda! May mga nakatag sa kanya. Nakahashtag yung name ng story nya at group. What's this? Binasa ko ulit yung tweet nung babae..

@asdfghjkl: "Sobrang saya sa group! Ang ingaay!!! #RememberingSundayGroup"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Cyber LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon