Part 4

26 0 0
                                    

Alalang-alala si Yumi sa nararamdaman nya. Agad syang dumiretso sa clinic para magpatingin.

"Inhale....exhale" tinapat ng doctor ang stethoscope sa kanyang dibdib.

Kung ano-ano na rin ginawa nito sakanya. Chineck ang blood pressure, tinanong kung nagpupuyat ba sya o kumain pero walang makitang abnormalities sakanya.

"Ano bang nararamdaman mo?" Tanong ulit ng doctor.

"I told you! Sumakit yung dibdib ko! Tapos parang sobrang bilis nung tibok. I couldn't even breathe."

"Did you run?" Tanong ulit nito.

"Sinabi ko na diba? Nakaupo lang ako!" Pakikipagtalo pa rin ni Yumi sa school doctor.

"Nararamdaman mo pa rin ba hanggang ngayon?"

Come to think of it. Simula nang pumasok sya sa clinic ay nawala na ang bilis ng tibok ng puso nya. Normal na rin ang paghinga nya.

"Doctor ka ba talaga? Bakit ba hindi mo na lang ako bigyan ng gamot!?" Reklamo ni Yumi.

"Miss De Vera. I can't give you any medicine if you are perfectly fine." Paliwanag ng doctor.

"Patatalsikin kita talaga dito! Makaalis na nga!" Sabay walk-out ni Yumi. Nginitian lang naman sya ng batang doctor.

Inis na inis si Yumi. Ilang beses na nyang nakakaaway ang doctor na yun. Hindi rin nya mapatalsik dahil kaibigan ng lolo nya ang pamilya nito.

Pakiramdam kasi ni Yumi mayabang ang batang doctor. Nung nasa junior high pa lang sya ay sinumbong sya nito sa lolo nya nung tusukin nya ng ballpen ang kamay ng classmate nya.

Nagsasalita na ang professor nila sa Special Class nang dumating sya. Nasa sampu lang sila sa loob ng klase. She saw the same old faces.

This class is boring.
Kanya-kanya kasi ng mundo ang nasa klaseng ito. Puro nerds at bookworms. It wasn't a classroom it was a battlefield. Puro competitive kasi ang mga kaklase nya. Maliban sakanya at sa isa pa.

And speaking of the devil....

"I'm sorry Teacher! I'm late! Napasarap ang tulog ko. Hehe" humahangos na dumating ang isang lalaki na tirik-tirik ang buhok.

Sya si James Calix Montevero. Ang kababata at may love interest kay Yumi. Parang sya lang ang buhay na tao sa Special Class. Gwapo ito at maganda ang reputasyon sa campus nila. Bukod sa varsity player ito ng soccer team ay kasali pa ito sa Special class. Campus heartthrob ito ng Frestine Academy.

"Mr. Montevero. First day of class tapos late ka? You are in Special Class. Ibig sabihin you should be a model to your fellow students. You cannot come into class anytime you want." Sita ng professor dito.

Kahit late din naman si Yumi ay hindi man lang ito pinansin. Takot rin kasing mawalan ng trabaho. Kahit ilang professor ay ilag sa dalaga.

"Promise Maam! Hindi na ako late bukas." Sagot ni Calix.

"Okay you may take your seat!"

Maraming bakanteng upuan sa unahan pero isang pwesto lang ang hinahanap ng binata.
Agad rin nyang nakita ang usual na pwesto ni Yumi. Napangiti sya nang makitang nakareserve na ang upuan sa tabi nito. Mabilis syang lumapit dito.

"Goodmorning babes"

Hindi sya nito pinansin pero sanay na rin sya. Maganda pa rin sa paningin nya ang dalaga kahit suplada.

Naupo na sya sa tabi nito. Nag-uumpisa ang magandang araw nya kapag natitigan nya ang magandang mukha ng dalaga.

Parang slow motion na tumingin ito sakanya. Hinahangin pa ng bintana ang maganda nitong buhok.

"James Calix Montevero...." parang musika sa tenga ng binata ang pagbanggit nito sa pangalan nya.

"Yes babes? Namiss mo ko? Sasagutin mo na ako? Mahal mo na ako?" Naeexcite nitong tanong.

"Bukas yung zipper mo" poker face si Yumi.

Sabay tingin ni Calix sa pantalon nya.

Shit!

Bukas nga ang zipper nya. Hindi sya makapaniwalang sa pagmamadali nya ay nakalimutan nya yung isara. Agad nya itong sinara.

Bawas pogi points na naman sya sa harap ni Yumi.

**********************************************

A/n: momo_nirah

Pag may mahal ka. Automatic ang pagpapacute. Gusto mo good points ka lang lagi.

Ok lang naman. Basta nagpapakatotoo ka.
Hindi puro pabebe.

Strawberry Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon