"What the hell is taking Adrian so long?" Nakapamewang na tanong ko sa tatlong tao na nasa harapan ko. Thirty minutes na ang nasasayang sa oras ko. I was supposed to be in my office now."Ma'am Via, hindi ko pa rin po ma contact si Sir Adrian." Nakangiwi na sagot sa akin ng assistant ko.
Natampal ko ang noo ko. "So? Anong gagawin natin? Tutunganga tayo? Mrs. Chua has already been asking for sample shoots. Anong sasabihin ko? Na hindi ma contact ng secretary ko si Adrian Lopez kaya mag hintay sya?"
Natameme ang tatlo sa harap ko. Alright, I am not usually hot headed. Pero pressure ang kalaban ko sa project na 'to.
Napabuga ako ng hangin. "Alright. Just keep on contacting Adrian and his manager." Kalmado na sabi ko sa assistant ko. Tumango sya at umalis na. Bumaling ako sa dalawang nasa harap ko. "I'm sorry for the delay, kapag hindi pa dumating si Adrian in thirty minutes, pack up muna tayo."
Tumango ang dalawa sa harap ko.
Pasalampak na naupo ako sa couch na nasa studio. Luminga ako sa paligid. Sampung tao kasama na ako ang nagsayang ng halos dalawang oras para lang sa shoot na 'to kung hindi na naman susulpot si Adrian Lopez. He wasn't even my first choice! Kinailangan lang na umuwi sa Spain ang original model na kinausap ko because his mom's sick.
Louis Salcedo's manager suggested Adrian Lopez. At napaka unprofessional naman pala! This happened twice! Kapag hindi pa sya nagpa kita ngayon, well, kahit sa akin na mabunton ang sisi ay papalitan ko na sya. Ayoko ma stress sa walang kwentang tao.
Nang hindi talaga dumating si Adrian ay dumiretso na ako sa office. Iniwan ko na muna ang assistant ko para mag asikaso. I told her to drop Adrian Lopez.
Nakaupo na ako when I saw a card in front of me.
Napangiti ako when I already saw what's inside. An invitation from Bee, with a one way ticket to Isabela. She's a friend and a former co-worker who met and married a haciendero in Isabela. She settled down there with his husband and this is the third time she invited me pero mukhang ito pa lang ang pwede ako na makapunta.
Second birthday ng anak nya. Oh, I wouldn't miss it for the world. Lalo na ngayon at stress na stress ako sa summer special dahil sa specific type of model na gusto ni Mrs. Chua. Mrs. Chua is the chairman of the company, and she likes being involved when it comes to the models when it comes to the magazines.
Pero wala naman sila magagawa kung bigla ako umalis at mawala ng ilang araw.
I packed my bag and left after three days. I still had to finish some stuff at sinigurado ko na ang shoot para sa summer special na lang ang kulang para iyon na lang rin ang maaabutan ko pagbalik ko.
Napagalitan ako ng boss ko pero tinanggap ko iyon when she learned what I did. It's my fault for thinking na magiging mabilis ang pag usad ng project na 'to because I thought there will be available models. Pero napaka specific ni Mrs. Chua and who am I to argue? I told her na next week, siguradong naka hanap na ako.
But I don't mean that. I don't really know kung makaka hanap ako ng model na gusto nya. Bee's husband can be a good candidate but hell, I doubt kung papayag si Ram, lalo na si Bee. Three months bago manganak si Bee ay pinatigil na sya ni Ram mag trabaho. They are now both staying in Ram's house in their Hacienda.
The moment na nakababa na ako ng eroplano ay agad kong tinawagan si Bee. They are supposed to pick me up with his husband. Turned out, nagkaroon ng kaunting aberya sa bahay nila kaya isa sa mga trabahador na lang daw nila ang magsusundo sa akin.
They told me where to wait for a black pajero. I took some photos and uploaded it on my instagram. As an editor in chief of one of the premier magazines in the country, I lived up to the people who know me's expectation when it comes to my instagram profile. I have a few thousands of followers that I interact with on my free time.