Chapter 3 - Litrato.

33.3K 940 75
                                    


Hindi ko alam kung ilang piraso ng buko ang dala namin. Pinulot nya isa isa ang mga buko na nalaglag. I tried to help him pero madiin ang pag tanggi nya. Butil butil tuloy ang pawis nya nang matapos nya nang ilagay sa likod ng owner ang mga buko. And Lord, I really love what I saw. Heat crept into me seeing him half naked, muscles flexing and his tanned skin almost glowing.

Inabot ko ang damit nya na pasimple kong inaamoy amoy kanina. Hindi nya na yun sinuot at sinampay na lang sa balikat nya at nag drive na sya pabalik. Papadilim na ng kaunti.

"Pwede malaman kung ano'ng oras na?" Maya maya ay tanong nya.

I looked at my phone. "Quarter to six. Why?"

"Makakaabot pa naman siguro ako." Kibit balikat na sabi nya.

"Ha? Saan?"

Nagkamot sya ng batok at parang nahihiya na tumingin sa akin. "May laban po kasi kami ng basketball."

"Oh? Liga?" Na excite ako bigla.

"Hindi. Katuwaan lang. May pinagawa kasi na maliit na court si Sir Ram malapit sa mga bahay namin para libangan. Nagka ayaan kanina na maglaban kaming mga binata sa mga mas matatanda."

Tumango tango ako. "Seems fun." Sabi ko na lang.

"Uhm g-gusto mo ba manuod?"

Napakurap ako, contemplating kung nagkamali ako ng dinig.

"Ha? Ako?"

Ngumiti sya at tumango. "K-kung wala ka sana gagawin."

"Sure! I'll tell Bee." Wala na akong pakealam kung mukhang eager ako o ano. Bukod sa ito na ang pagkakataon na naisip kong i open iyon kay Argos ay gusto ko rin makapanuod ng basketball game nila. Mukhang masaya.

Tinulungan ko na si Argos magdala sa loob ng mga buko at sinalubong rin kami ng ibang katulong. I Immediately told Bee about the game.

"Sure! Magpahatid ka na lang pabalik para sa hapunan. Enjoy!" She winked at me and I just rolled my eyeballs at her.

Sumakay kami ulit sa owner. Yung daan papunta sa Kubli ang dinaanan namin pero may nilikuan si Argos. Ilang sandali pa at may kumpol ng mga bahay na akong nakita. May bamboo fence at bamboo gate papasok. Maingay ang paligid, may mga bata na naglalaro kahit padilim na. May mga ilaw sa labas ng bahay.

"H-hindi ba nakakahiya?" Tanong ko nang maka baba na kami. Bigla ay parang nawalan ako ng confidence.

"Hindi. Alam naman nila na may bisita sa mansion." Suot nya na ang t-shirt nya at nakapamulsa sya ngayon sa harap ko.

"S-sure ka?"

Imbes na sumagot ay nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko at hilahin nya ako. Automatic na nagpadala ako sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil parang nagising lahat ng nerves ko nang mag dikit ang mga balat namin. He opened the bamboo gate and went inside. Napatigil ang mga bata sa pag lalaro, pati na ang ilang mga babae na nagkukwentuhan.

Dumiretso kami sa kumpol ng mga babae.

"Magandang gabi ho. Si Via po pala, bisita sa mansion." Tumayo sa gilid ko si Argos para ipakita ako sa kanila. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil hawak nya pa rin ako.

Binati ako ng mga kababaihan na halos pulos mga nanay.

"Isasama ko lang po sya sa laro."

"Bilisan nyo na at kanina pa sila doon. Baka nagsisimula na!" Sabi ng isang babae.

He gently pulled my hand again. Ilang bahay ang dinaanan namin na napapasunod ng tingin sa amin ang ilang tao na nakakakita sa amin. At the end, we saw a small court. May mga nasa gitna na pero hindi pa naman nagsisimula. May mga upuan sa paligid at may mga nakaupo.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon