CHAPTER 3: The Aftermath

14 0 0
                                    

Naging viral ang liham ni Elmer sa Facebook. Libo-libong likes and shares ang natanggap nito. Lalo na ang mga comments na halos bumaha sa Confession page ng eskwelahan nila. At halos lahat ng comments, ay puro hate comments against him.

Natural.

Naiintindihan naman ni Elmer kung bakit ganun ang reaction ng mga tao. Sadyang napakalupit ng ginawa niya kay Leslie, ang babaeng minahal niya, at sinaktan.

Halos buong linggong nakakulong sa sariling kwarto si Elmer. Di niya matanggap ang dinadanas ng puso niya. Na ang buong pag-aakala niya, ay mahal pa rin siya ni Leslie.

Palaging nagfa-flashback ang pagka sweet ng dati niyang nobya na si Leslie, kasama ang bago niyang boyfriend. Nagfa-flashback lahat ng sakit, habang binabasa niya ang mga comments against him.


"Kung sino ka man Leslie, wag mo nang balikan tong si Elmer! Kapal ng mukha!"


"No you don't love her. You never did. Nasasabi mo lang na mahal mo pa siya dahil gumada at sumeksi na sya. Kung mataba pa rin siya hanggang ngayon, I bet you can't say you still love her."


"You did your role. Your contract has ended. You don't deserve her love. And believe me, it's game over. Grabe yung mga salitang binitawan mo, eh wala naman siyang ginagawang masama sayo. Grabe ka kung maltratuhin yung babae. Pero come to think of it, ginamit niya lahat ng panlalait mo para magbago siya, para sumeksi sya. See? See how powerful your words are dahil you made her change for the better because she knows that she doesn't deserve to be insulted by such an arrogant guy like you who is so immature when it comes to love. Lust yung sayo, hindi LOVE. Look at yourself right now, para kang asong laway na laway sa buto."


"Grabe, di ka ba nasaktan nung nakita mo siyang umiiyak? Ano feeling ngayon, boy, na masayang-masaya na siya sa iba ngayon? Kawawa ka! This case is dismissed!"


Napapikit nalang si Elmer at hinayaang tumulo ang mga luha at maramdaman ang panghihinayang.


---------------------------------------------------------------------------------------------------


"Leslie!" sigaw ng kaibigan niyang si Dianna.

Leslie: Oh, Dianna. Tapos na ba ang Teaching Strategies 2 mo?

Dianna: Oo, kakatapos lang... ikaw?

Leslie: Mamaya pa 2:30. Library muna ako.

Dianna: Sige2, may ipapabasa ako sayo.


LIBRARY


Dianna: Over-over naman sa dami ng books yan, Les!

Leslie: Report ko na kasi bukas... I have to do more research. Uy, ano ba yung ipapabasa mo sa akin?

Dianna: Oh wait, on ko muna free data ko sa Facebook. Buti naka Talk N Text ako... Sandali... Trending na kasi ito sa Facebook eh.

Leslie: Ay, wala na ako sa Facebook. Deactivated na for how many years. Mag twitter ka na lang o di kaya Instagram.

Dianna: I have all of them pero iba pa rin kasi ang Facebook eh... Eto ha, sandali... Read mo tong letter sa Confession page ng kabilang school, and tell me kung anong reaction mo sa taong yan. AYYYY SOBRANG NAG GAGALAITI TALAGA AKO SA GALIT.


Binasa ni Leslie ang liham ni Elmer sa Confession Page. 

Isa-isang nagbalik sa kanyang mga alaala lahat ng pangyayari, 

lahat ng sakit,

lahat ng pait ng pagiging martyr. 

Subalit, di niya maintindihan kung ano ang mararamdaman niya. After niyang mabasa ang open letter ay tumahimik ito.


Dianna: Oh, so tell me, ano reaction mo dun? Grabe ang lalakeng yun noh. Kapangalan mo pa naman yung nasa liham. Grabe, kung ako yung babae, baka napatay ko na yun lalo na kung ipagpapalit pa ako for someone like Charm.


Tumahimik lang si Leslie. Di maintindihan ang nararamdaman.

Galit? Wala na siya non.

Pagmamahal para kay Elmer? Lalong wala na.

Ano? What should she feel right now?

Dun niya na-realize na past na talaga niya si Elmer, dahil mi isang kirot, ay wala na siyang nararamdaman. Dahil ngayon, puno na siya ng kasiyahan at pagmamahal galing kay Ken.


Leslie: Ako yung tinutukoy sa liham, Dianne... Si Elmer yun. Siya yung sinasabi kong ex ko.

Dianne: Holy... WHAT THE---

Leslie: Nakakatawa noh. Kung kalian pa ako masayang-masaya na, saka pa siya ganyan.

Dianne: Oh fuck! I LOVE KARMA!

HAHAHAHAHHA

Dianne: So, ano, mag rereply ka ba?

Leslie: There's no need eh.

Dianne: But let's just pretend na mag rereply ka talaga. Ano ire-reply mo?

��ޖ�Q�



ALDUB: All I AskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon