Karylle's POV
Isang taong kasal pa lang kami ni Yael. Pero sa loob ng isang taon, may nangyaring hindi inaasahan. Nabuntis ako pero hindi si Yael ang ama kundi si Vice. Oo, tama ang nababasa nyo, lasing kaming dalawa nun kaya hindi namin namalayan na may nangyari na pala. Hindi alam ni Yael na buntis ako dahil baka mag-away kami o kaya bigla nyang susugurin si Vice ng wala sa oras. Ngayon, nandito ako sa bahay ni mama. Alam na din nila ang lahat kaya ako nandito. Malaki na din ang tiyan ko dahil eight months na din akong buntis. And swerte namin ni Vice dahil magiging kambal ang anak namin. Boy and girl actually. Tanggap na din ni Vice ang lahat at paninindigan nya ako kahit hindi sya ang asawa ko. Alam ko din yung tunay na nararamdaman nya sakin dahil he confessed his feelings before ako ikasal. Wala ngayon si Yael dahil may gig sya sa ibang bansa.
Mama: Tanong ko lang 'nak, paano kung malaman ni Yael 'to?
Karylle: Ewan ko nga ma eh. Alam ko namang magagalit sya dahil may karapatan naman din sya.
Mama: Talagang magagalit sya dahil sya ang asawa mo.
Karylle: (buntong-hininga sabay nag-shrug) Bahala na ma. Ready naman po ako kung sakaling malaman man nya.
Mama: Basta. Kahit anong mangyari, nandito lang kami. (hawak sa balikat)
Karylle: Thanks ma. (smile sabay hug)
----------
Habang nandito ako sa kwarto na nakatingin lang sa kisame, bigla kong narinig ang phone ko. Pagtingin ko, nakita kong nag-text si Vice.
Papunta ako ngayon dyan sa bahay ng mama mo. Wait me there. ☺ - Vice
Pagkabasa ko nun, agad akong bumangon at nag-ayos.
Karylle: Daddy's coming here, babies. (smile at hawak sa tiyan)
Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako para masabi ko na din kay mama na pupunta si Vice dito.
Karylle: Ma? Where are you? (nag-hahanap)
Mama: I'm here sa kitchen!
Agad akong nagpunta sa kitchen and there, nakita ko si mama na nagluluto.
Karylle: Saktong-sakto ma.
Mama: (tingin kay Karylle) Why?
Karylle: Tamang-tama, nagluluto ka na ngayon, dahil nag-text sakin si Vice na pupunta sya ngayon dito.
Mama: Oh really! Great! Marami akong niluto ngayon.
Habang nagkukwentuhan kami ni mama, narinig ko naman na may nag-dodoor bell at hindi na ako nagtaka dahil alam ko na kung sino. Pagbukas ko ng pintuan, tama nga ako dahil ang nasa labas.. Si Vice.
Karylle: Hi! (beso)
Vice: Hi. I bought something for you. (sabay taas sa mga dala)
Karylle: Nice! I was craving for pizza kanina pa! Thanks!
Vice: Ahm.. Pwede nang pumasok? (biro nya)
Karylle: Oh sorry. Yeah sure.
Pumasok na kami sa loob at nakita namin si mama na kagagaling lang sa kusina.
Vice: Goodevening po tita. (beso)
Mama: Goodevening. Bakit nga pala pumunta dito?
Vice: Gusto ko lang pong bisitahin si Karylle. Kamusta na po sya?
Mama: She's okay naman.
----------
General POV
Pagkatapos kumain ng dinner ang tatlo, umakyat muna ang mama ni Karylle papunta sa kanyang kwarto kaya sina Karylle at Vice na lang ang natira sa sala.
Vice: So.. Kamusta ang pagbubuntis mo?
Karylle: Okay naman. Medyo sumasakit minsan, pero sabi ni mama normal lang daw kung malapit na daw manganak.
Vice: Are you excited? (smile)
Karylle: Medyo. (may halong takot)
Vice: Bakit naman?
Karylle: Sabi kasi ni mama, kung mangnganak ka na, masakit daw eh. At lalo na't kambal yung ilalabas ko.
Vice: (hug) Alam kong kaya mo yan. Ikaw pa.
Napangiti na lang si Karylle sa mga sinabi ni Vice sa kanya. Kahit papano, naging magaan din ang pakiramdam nya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ITUTULOY...