Placenta Baby

7 0 0
                                    

Placenta Baby

(:

Dedicated sayo. :*

Maraming salamat sa walang sawang pagbabasa ng mga kabaliwan ko. :)

--

Placenta Baby

2:30 am

Nagulantang ang lahat.

Kahit na kulang sa tulog at nagbabanta pa ang masamang panahon dahil sa bagyo ay buhay na buhay naman ang aming mga diwa dahil sa mga nakagugulantang na pangyayari.

Dumadagundong ng napakalakas ang dibdib ko.

Parang sasabog.

Kaba,

Excitement,

At nerbyos.

Sinugod namin si mama sa hospital. She is about to give birth. Sa nararamdaman ko ngayon, parang ako yung manganganak. Grabe ang kaba sa dibdib ko. Kahit na kulang pa sa linggo ang kanyang pagbubuntis ay dinugo na agad siya kaya isinugod namin siya sa hospital.

God, please .. huwag mo pong pababayaan ang nanay at kapatid ko.

Maya't-maya ang dasal ko.

Lumabas ang doktor, tinawag niya si papa at kinausap ito tungkol sa kalagayan ni mama.

Pagkatapos siyang kausapin ng doktora ay agad ko siyang nilapitan.

Puno ng pag-aalala ang mababasa sa mukha ni papa.

Ano kaya ang nangyari?

Diyos ko po..

Kahit na ganoon ang reaksyon ni papa ay hindi ako nagdalawang isip na kamustahin ang kalagayan ni mama at ng kapatid ko.

"Nauna ang placenta ng bata kaya marami na ang dugong nawala sa mama mo, ang sabi ng doktor dapat daw ma-CS ang mama dahil kung hindi, parehas manganganib ang buhay nila.." malungkot na paliwanag ni papa..

*CS-Cesarean Section

Lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko..

Diyos ko, huwag niyo po silang pababayaan.. iligtas mo po ang nanay at ang kapatid ko..

Paulit-ulit ang naging mga dasal ko..

Muling kinausap ng doktora si papa..

"Sobrang dami na ng dugong nawala sa misis mo, at dahil don.. hindi ko masasabing healthy ang bata.. hindi normal ang bata.."

Hindi ko na talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko..

Lahat na ng Santo, Diyos at mga Diyosa ay tinawag ko na..

Huwag niyo po silang pababayaan.. kahit ano na po ang maging itsura ng kapatid ko.. basta po ligtas silang dalawa.. nagmamakaawa po ako..

Tuluyan na akong naiyak..

Pumasok kami sa loob ng delivery room at doon ay nakita ko ang mama ko na maputla at parang lantang gulay na nakahiga..

"Ma.." tawag ko sa kanya. Kahit na hindi siya umiiyak ay kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Ma, ayos ka lang?" kahit na alam kong hindi ay nagawa ko pa rin iyang itanong sa kanya.

Umiling-iling siya bilang kompirmasyon sa tanong ko.."Hindi..." mahinang sagot niya. Ayaw kong umiyak. Pinipigil ko ang luha ko, kahit na alam ko anytime ay tutulo na ang mga ito.. Hindi dapat ako magpakita ng panghihina sa harap niya. "Kaya mo yan mama.."

At tuluyan na siyang ipinasok sa delivery room para sa gagawing operasyon sa kanya.

Isang tipid at maliit na ngiti ang iniwan niya bago siya ipinasok.

Muli akong nagdasal..

Paulit-ulit..

Hindi dapat akong mawalan ng pag-asa..

3:00 pm

Wala pa rin..

Nanatiling tahimik ang paligid ..

Wala pa ring balita..

Ano nang nangyari?

Diyos ko..

4:00 pm

Pilit na nililibang ko ang aking sarili..

Kamusta na kaya sila?

Si mama?

Ang kapatid ko..?

Malakas ang buhos ng ulan..

Signal 3 na ang lugar namin dahil sa malakas na hangin at ulan dulot ng bagyong Ruby..

Para ng sasabog ang dibdib ko..

5:00 pm

Wala pa rin..

Ano na?!

Gustong-gusto ko ng pumasok sa loob ng delivery room!

Hanggang sa dumating ang alas-syete ng gabi..

Tinawag ako ng nurse at hiningi ang isang piraso ng diaper, damit at panlatag ng baby..

Unti-unting napanatag ang loob ko..

Nagpauli-uli ako sa harapan ng delivery room..

Hindi pa rin panatag ang kalooban ko..

At patuloy pa rin ang kabang bumabalot sa buong katawan ko..

7:30 ng gabi..

Tuluyan ng inilabas ng delivery room si mama..

Para pa rin siyang lantang gulay..

Pero may nagbago..

May ngiti na sa kanyang mga labi..

Nakabalot sa kanyang mga braso ang isang munting anghel..

Ang kapatid ko..

Normal at healthy ang kapatid ko..

Ligtas ang mama ko..

Salamat, Diyos ko..

Pinahid ko ang huling luhang dumaloy sa mga pisngi ko.

Maraming salamat po.

--

By now, nasa hospital pa rin kami, at hinihintay ang paggaling ng sugat ni mama. Patuloy ang medikasyon sa kanya.. Unti-unti na siyang nakakabawi at masigla ang pangangatawan ng kapatid ko..

He was named after by my father's name..

John Michael P. Jocson,

Juan Zeuis Miguel P. Jocson

Ang nag-iisang anak na lalaki sa aming pamilya..

Our placenta baby..

*True to life. :)

-
Update:
I wrote this when I was 14 years old and now I'm 20 years old. I decided to publish this and didn't changed anything from what I wrote back then. Dahil gusto kong maalala kung paano ako magsulat noong panahong iyon. So if ever may typographical errors and grammatical errors, I'm very sorry.

Check the multimedia, he's my baby brother now he's 5 years old. :)

Compilation Of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon