Si seatmate
"Hoy pakopya!"
'Bwisit talaga tong lokong 'to! Argggh!'
Inirapan ko siya at ipinagpatuloy na lang ang pagsasagot sa manual ko.
"Hoy!"
"Tss! Ano ba?!" inis na singhal ko.
"Alam mo, napakataray mo!" naka-taas ang kilay na aniya.
"Oo." tipid na sagot habang patuloy pa rin na nagsasagot.
"Huh?!" litong tanong niya.
"OO! Alam ko na mataray ako! Manahimik ka na! Pwede?" inis ngunit halos pabulong ko ng sabi dahil ansama na ng tingin ni ser samin.
"Pakopya nga kase.." patuloy na pangungulit niya. Inis na tiningnan ko siya.
"A,A,B,B,C,D,A,D,C,B!" mabilis na dikta ko at agarang iniabot kay ser ang manual ko.
"Wait lang! Ano nga sa eight?!" nagpapanic na tanong niya.
Napairap na lang ako sa isip ko atsaka tuloy-tuloy na naglakad palabas ng classroom.
Si seatmate! Tch. Si seatmate na parati na lang nangongopya ng sagot sa akin nitong mga nakaraang araw! Ewan ko nga dyan eh! Antali-talino naman niya, ang totoo niyan-- siya ang top 1 sa klase namin. Kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa isang tamad na kagaya ko pa siya umaasa ng sagot niya! Tss. Labo ng mundo!
-
Kinabukasan
Nakatambay ako kasama ang bestfriend kong si Carina sa isa sa mga benches dito sa may garden.
"Hoy Auriga!" tawag n'ya sa pangalan ko.
"Oh Harina?!" baling ko sa kanya. Inismiran lamang niya ako dahil sa pamba-baboy ko sa pangalan niya.
"Ba't kanina ka pa tahimik?" tanong niya.
"Napagalitan kase ako sa klase namin e .." malungkot na wika ko.
'Tss! Kase 'yong abnoy na 'yon! Napaka-wirdo!'
"Eh?! First time yan ah! At baket naman?!" nakataas ang kilay na tanong niya habang hinihintay ang sagot ko.
'Kase, 'di ko naman alam na paulit-ulit na palang tinatawag ni ser ang napaka-ganda kong pangalan. Ngunit wala ako sa wisyo dahil nakatitig pala ako sa abnoy kong katabi! Ang weird kase eh! Kahapon lang, kinukulit niya ako upang mangopya tapos ngayon naman ang tahimik niya!'
"Wala." blangkong sagot ko.
"Sus! Tara na nga! Gutom lang yan!"
Kumakain kami sa cafeteria nang muling mapansin ko si abnoy na nakatingin sa akin at naka-busangot na naman ang mukha.
"Tara na nga! Ang wirdo ng hangin!" yaya ko kay Carina saka siya hinigit palabas ng cafeteria.
"Hoy! Kung may problema ka sa kawirduhan ng hangin, e wag mo 'kong idamay! Nasira tuloy ang pagkain ko ng pizza! Ang mahal kaya 'non!" reklamo niya.
"Gawa lang sa harina yon!" inis na singhal ko sa kanya.
"Huhuhuhu. Ambaaad moooo~" pagmamaktol pa niya. Hindi pa rin nawala ang tingin ko ke abnoy.
"Tch! Kaya naman pala! Wirdo pala huh?!" lumingon din siya sa pwesto ni abno at nahuli n'yang nakatingin ako don!
"Hoy! Ano ba! Pabayaan mo na yan! Siya ang dahilan kung bakit ako napagalitan ni ser kanina!" inis na talagang sabi ko habang pinipigilan siyang pumasok ng cafeteria.
BINABASA MO ANG
Compilation Of Short Stories
RomanceHi! So here's the compilation of the short stories that I've wrote. Enjoy reading! :) -esh