Pindot!
"Ano po 'yon!"
Katahimikan.
Pindot ulit.
"Ano nga po 'yon!?"
Katahimikan.
Haha. Isa pa nga?
"Ang kulit, ah!"
Bwahahahaha! Ayaw mo pa? Labas na >_<
Pindot! Eto last na! :3
"Ang kulit naman, oh!" yun lumabas na ang magandang diyosa mula sa Window One! Hahahaha. "Letseh kang Guiller ka! :/"
Nakabusangot? Good! Maganda pa din naman eh. <3
Her name? Shiina Marie Nakamura, half-japanese, half-filipina. Cute, crush ko. Ewan ko kung crush lang pero mukhang love na to ;).
"Isa pa, ha! Sasampalin na kita!" 'yun nagbanta na >_< kailangan ng tumigil. Haha.
Tsk! Tsk! Wala na :(
Makapindot nga ulit! Bwahahahaha.
"Ano na naman!" si Shiina
"Wala naman! Gusto ko lang sabihing, I love you!" - ako, haha pakapalan na 'to ng mukha. >_<
"Bwisit! Huwag ka nang pipindot!"
Ahahahaha, Ouch! Pero okay lang! Matibay 'to! Haha.