Diary,
Unang beses kong magsulat dito,
gusto ko lang ng may masasabihan ng mga hinanakit ko kahit papaano.Kakatapos lang ng serbisyo ko sa isa kong daily costumer. Isang mayaman na nasa 27 ang gulang. May asawa na ngunit di daw nasisiyahan sa.asawa dahil matanda na daw ito at hindi na tinitigasan.
Agad akong umuwi at dinatnan ang kuting ko. Siya lamang ang kasama ko sa bahay.
Ang mga magulang ko? Tinaboy nila ko dahil sa kasarian ko. Hindi nila ko tanggap dahil isa akong Tomboy.
Masakit pero ganyan talaga. Mahirap talaga tanggapin ang tulad namin.
"Ano kamusta ka rito? Nagugutom ka na ba Anak ko?"
Untag ko sa munti kong kuting. Yan ang turing ko sakanya Anak. siya lang ang pamilya ko.
Gustong gusto ko ang mga pusa Diary dahil sa araw ng ako'y pinalayas may isang kuting ang lumapit sakin at tinawag ako. naglambing sakin at lumambot ang puso ko.
Yung napulot kong kuting na yun ay ngayong pusa na. Anak niya tong anak anakan ko ngayon.
Tinawag ko si Chuni ang pinakaunang pusa na minahal ko.
Agad naman itong lumapit sakin nanlambing din.
Sa gantong sitwasyon ay masaya na ko. Mahalaga ay may nagmamahal na sakin hindi ba?
Anong oras na ba? Alas-3 na pala ng umaga. Kailangan kong mag aral para mamaya.
Isa akong 2nd year college ngayon at pagdodoktor ang kinukuha ko.
Alam kong mataas ang matrikula pero nakakaya naman kahit hulug hulugan.
Agad kong tinanggal ang contact lens na nasa mata ko. 450 ang grado nito at gamit ko na din to para hindi ako masyadong makilala sa gabi. Sa kada pagseserbisyo ko.
Sa umaga ay salamin na makapal ang suot suot ko. para mukha lang akong isang ordinaryong tao sa paningin nila.
3 taon na din pala ang nakakaraan nung nangyari ang pagpapalayas sakin at pag iiba ng katauhan ko. Kung pano ako naging isang bayaran.
Anatomy muna ang aking aaralin para makapagsaulo.
Hanggang dito na lang muna Diary :)
-- Max
BINABASA MO ANG
Diary of Once became known
General FictionA diary of a person became known or should I say sikat, Yea. Sikat siya pero hindi sa magandang paraan. Sabihin na nating sa madaming pangit na paraan. Bata pa lamang siguro ay nagsimula na. Kung gaano kahirap huminga pag walang hangin ay ganung hir...