Diary
Natapos ang pagsusulit ko na 6 ang mali. 94 porsyento ako. Masayang masaya ako dahil may kinalabasan ang hindi ko pagtulog.
Anong oras na ba?
10:00am palang pala. Ang oras ng trabaho ko sa Bar ay 11 pa ng gabi. Makatulog muna siguro pag uwi.Habang pauwi ako ay nakita ko nanaman siya ang babaeng kinahuhumalingan ko. ang babaeng gusto ko. Kaso ilang sya sa gaya ko. Oo nga pala isa lang akong Tomboy.
Kasama nito yung boyfriend niya. magkahawak kamay.
Ang sakit diary, kasi nakikita mo yung mahal mo na may mahal na iba.
Tinignan lamang ako nito at umiling halata ang pandidiri sakin.
Ano ba ang suot ko? Isang jogger pants na usong uso ngayon binili lamang ito sakin ng isa sa mga nakaserbisyo ko, Polo shirt na itim na binigay sakin nuon ng papa ko na ngayon kinamumuhian ako. Rubber shoes na Nike Air Max Black w/ Blue na binili ko para ganti man lang sa sarili ko. Salamin na makapal pero masasabi mong bagay ito sakin at ang buhok ko na kagaya ng buhok ni Zayn Malik noon.
"Ang gwapo niya no? Tomboy nga lang."
bulong ng babaeng kakadaan lamang sakin."Oo nga. Type ko sya. Ang linis nya manamit " sabi naman ng kasama nito.
At doon ako nalungkot.
Pananamit lamang ang malinis sakin. Pero ang katauhan ko? Sing dumi ng putik.
Nagmadali akong umalis para makarating sa aking tinitirhan. Naalala ko isa itong abandunadong bahay na ibinigay sakin ng mag asawang aalis papuntang ibang bansa wala sila anak o kamag anak kaya binigay nalamang sakin ito at pati ang titulo.
Natagpuan nila akong natutulog sa tapat nila kasama ang kuting na napulot ko at sakto raw ay naroon ako.
Isang linggo nila ko inalagaan at matapos nuon ay binigay ang titulo yun pala ang ginawa nila kaya abala. Inasikaso nila ang paglipat nitong bahay at lupa sa pangalan ko. Alagaan ko raw ito.
3 taon na din ang nakakalipas nun.
Nagising ako sa alarm ng cellphone ko.
9:30 kailangan ko ng maghanda. Nakalimutan kong kumaen kanina. Hayaan na.
Pinagbukas ko ng isang latang sardinas ang dalawa kong alaga.
Naligo na ko nag ayos iniba ang itsura. upang walang makakilala sakin.
Kilala akong Max sa gabi. Pero Mikail ang tunay kong pangalan.
Agad akong nagtungo sa bar na kung saan puro katulad ko ang nandoon. may ilang nakatable na.
Kitang kita mo na hayok na hayok kung maglaplapan. Paramg walang tao sa paligid.
Yung iba naman ay wala ng mga saplot. Napailing nalang ako.
Agad akong lumapit kay Mommy Z.ang taong tumulong sakin nung panahong kailangan ko ng pera. Siya ang nagpasok sakin dito kaya ako naging ganito.
"Nandito ka na pala. Nasa taas na ang costumer mo. Bago sya. Sobrang yaman galingan mo Ikaw daw ang gusto batang bata kaya gora na." Wika nito sakin
Agad akong nagtungo sa taas sa may kwarto at nakita sya. Kaedaran ko lang yata sya? Oo tama dahil bakas sa katawan nito.
Agad akong lumapit sakanya. Halata ang pagkanerbyos nito. Kaya hinawakan ko sya sa braso.
"Kung ayaw mo pwede ka magback out di kita pipilitin" wika ko.
Umiling lang sya at agad akong hinalikan. Binalutan ako ng init.Iba humalik ito. Dahan dahan pero parang gutom.
Kaya ginantihan ko lang sya. Ginawa ko lahat mapaligaya lamang sya. Minsan pa ay napapasabunot sya sa mga ginagawa ko. Akala ko ay tapos na. Kaso umiba ang pwesto namin sya sa ibabaw ako sa ilalim.
Hinalikan niya ko pababa sa.leeg hanggang narating ang dibdib kong daig pa ang lalaki dahil walang bakas ng pagiging babae. Flat na flat ito kaya namangha ito sakin.
"Wala talaga ito?" usap niya. Tumango ako atska niya tinuloy ang ginawa niya. Magaling sya
Halatang bihasa. Kaya nasarapan din ako. Pero wala yung saya. Marahil di na siguro uso sakin ang salitang yun.Natapos kami inabot niya sakin ang sampung libong piso at humalik sa pisngi ko.
"Salamat" bulong niya sakin.
Mayaman nga sya. May pangdodown na.ko sa tuition ko nito. sabi ko sa sarili ko. magkano ba ang tuition ko?
45,000 o higit yata. Mahal pero yun ang pangarap ko. Alam kong makakapagtapos ako. Makakaalis na din ako sa trabaho kong yun.
Nakauwi na ko ng 2am. Maaga ang pasok ko kaya magpapahinga na ko.
Hanggang dito nalang muna. Salamat sayo ah?
---Max
BINABASA MO ANG
Diary of Once became known
Ficción GeneralA diary of a person became known or should I say sikat, Yea. Sikat siya pero hindi sa magandang paraan. Sabihin na nating sa madaming pangit na paraan. Bata pa lamang siguro ay nagsimula na. Kung gaano kahirap huminga pag walang hangin ay ganung hir...