IT is dark. I cannot see anything. Where am I? Sinubukan ni Brianna na igalaw ang kanyang mga kamay pero hindi niya maramdaman ang mga iyon. Itinaas niya iyon sa mga mata para pakatitigan pero wala siyang makita. Nalito siya.
Pagkuwa'y mga paa naman niya ang iginalaw, sumipa, pero wala man lang siyang naramdamang sensasyon sa kahit anong parte ng kanyang katawan. What is happening to me? Mom? Siniklaban na si Brianna ng takot.
Dad? Bradley? Alfred? Hello? Anyone? Alam niyang sumisigaw siya nang malakas pero parang walang lumalabas na boses sa kanyang lalamunan. Ang tahimik. Sobrang tahimik pero nabibingi siya. Natatakot. Where am I? Mom?
Napakislot si Brianna nang may marinig na kaluskos sa dako niyang likuran. Kaagad siyang humarap doon, naghintay.
Footsteps? May naririnig siyang yabag nang pagtakbo papalapit sa kanya. Gusto niyang magkubli pero madilim, wala siyang makita, kaya nanatili na lang siya sa pagkakatayo. Sa bawat yabag ay nagpapalakas sa tibok ng kanyang puso. Napalunok siya. Bumilis ang kanyang pulsuhan, gayon din ang pagtaas-baba ng dibdib sa antisipasyon.
Biglang lumiwanag sa kanyang harapan, tila spotlight na sinusundan ang yabag ng kung sino mang papalapit sa kinaroronan niya. Tinakpan ni Brianna ang mga mata gamit ang braso, iniwasang tingnan ang nakabubulag na liwanag. Subalit lalo siyang kinabahan dahil papalapit ang liwanag sa kanya, parang...parang siya talaga ang sadya. Napaatras siya.
"HUWAG! Ayoko! Tigilan mo ako!" Tinig na pumailanlang sa ere. Luminga si Brianna sa paligid para hanapin ang may-ari ng tinig.
Samantala, malapit na ang liwanag kay Brianna, parang bubunggo sa kanya. Natilihan siya. "STOP!" sigaw niya sabay pinagkrus ang mga braso sa mukha para harangin iyon pero biglang tumigil ang liwanag mismo sa kanyang harapan.
Mas lalo pang nagimbal si Brianna nang mapagtantong hindi lang basta liwanag iyon, hindi bagay, kundi tao...at babae.
"A-ayoko niyan. Ayokong maging kauri ninyo. Maawa kayo, tigilan ninyo ako..." Lumuhod ang babae, nagmamakaawa.
Tumingin sa paligid si Brianna, wala siyang makitang iba pang naroon kung hindi ang babae lang at siya. Who is she talking to? Is it me? Who is she running from anyway? And why is she so scared? Kinausap na niya ang sarili habang pinanonood ang babae.
Pamilyar ang mukha ng babae para kay Brianna. Parang nakita na niya ito, at nagsasalita ito sa wika ng kanyang ina. Nahihinuha niyang mga seventeen or eighteen years old marahil ito. Nakadamit ito ng bestidang puti at mahaba, parang pantulog. Mahaba ang itiman nitong buhok, na lalo lamang tumingkad dahil sa liwanag na nakapalibot dito.
Maganda ang babae. Kaaya-ayang titigan ang mukha nito, maamo pero matapang. Kung may isang salita na pwedeng ilarawan ang babae, it would be majestic. Pero may luhang tumutulo sa mukha nito. Umiiyak.
"Ayoko sabi!" Nakita ni Brianna na sigaw ng babae.
Pero wala pa rin itong kausap. Wala siyang makita. Napaisip na si Brianna. What is happening? Where are they? Who is that girl? Mga katanungang gumugulo sa kanyang isipan. Nilapitan niya ang babae, nais kunin ang atensiyon nito. Ikinaway niya ang kamay sa mukha nito para magpapansin pero, hindi siya nito nakikita. Hindi nito alam na naroon siya't pinanonood ito. Sinubukan niya itong hawakan subalit tumagos lamang ang kanyang kamay sa mukha nito.
No! She stepped back and looked at her hand, and then to the girl.
Naguguluhan na tiningnan niya ang sariling kamay pero katulad noong una, wala siyang makita. Kaya ba tumagos ang kamay niya sa mukha ng babae nang subukan niya itong hawakan? Patay na ba siya? Kaluluwa na lang ba siya?
BINABASA MO ANG
The MAJESTIC Wolf (Completed)
WerewolfHer life race against time. Curse against prophecy. And everything is happening without her knowledge until the Majestic Wolf appeared in front of her-the grandest of beauty and whitest of fur ever seen in the century and yet, she killed it. To at...