Naniniwala ako

16 0 0
                                    

Mahal ko, mahalin mo ako.

    Noon, naniniwala ako na lahat ay pantay-pantay. Naniniwala ako na bilog ang bola. Naniniwala ako na bilog ang mundo. Naniniwala ako na lahat ng bagay ay laging may patas na magkabilang pag-asa: positibo at negatibo. Ngunit parang ngayon nagbabago na ang pananaw ko. Iba na kase ang nakikita ko, iba na ang nararanasan ko.

    Bakit ba parang pinaparamdam mo sa'kin na walang 50-50 sa'yo? Na para bang zero ang pag-asa kong magustuhan mo ako. Alam mo bang ikaw lang ang ligaya ko? Na sa bawat kislap ng mga mata mo, tumitibok ang puso ko. Sa bawat ngiti ng mga labi mo, tumitibok ang puso ko. Sa bawat tingin ko sa'yo, lumiligaya ako--tumitibok ang puso ko. Kaya naniniwala ako. Naniniwala ako na pwede yung 'tayo'. Naniniwala ako na may pag-asang magustuhan mo ako. Na kahit ngayo'y kaibigan lang sa'kin ang tingin mo, darating ang araw na ako na ang buhay mo. Naniniwala ako, na hangga't tumitibok ang puso ko, may pag-asang tumibok para sa'kin yung sa'yo. Naniniwala ako, na hangga't humihinga ako, may pag-asang maging sa'yo ako. Naniniwala ako.

Di Na Ko MagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon