UMAASA

93 1 0
                                    

Puso ko'y naging bato
Mula ng iwanan mo
Tumigil ang ikot ng mundo
Ng ika'y maglaho

Lalaking umaaligid
Sa aking paligid
Hindi ko pansin
At walang pagtingin

Umaasang ika'y magbabalik
Sa buhay kong tahimik
At patuloy na nananabik
Sa iyong yakap at halik

Ng ika'y mawala, aking napatunayan
Ang iyong kahalagahan
At ating pagmamahalan
Ay patuloy na ipaglalaban

POEMS / TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon