MAGHIHINTAY PA RIN

134 0 0
                                    

Bakit nga ba patuloy kang hinahanap
Hindi malaman kung kailan magaganap
Ang hiling na makasama ka't mayakap
Maghihintay, matupad lang ang pangarap

Ang lahat ng bagay ay aking gagawin
Upang isang tulad mo'y mapasaakin
Pangako'y di kailan man paiiyakin
Habang nabubuhay ika'y iibigin

Malungkot man ang buhay pag-ibig ngayon
Sana bukas ika'y maging inspirasyon
Upang ngiti sa aking labi'y laging naroon
Araw-araw na saya'y magkakaroon

At ang tamang panahon ay darating din
Na ika'y ibigay ng Diyos sa akin
Isang tulad mo'y mahirap ngang hanapin
Ngunit patuloy na maghihintay pa rin

POEMS / TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon