Isang taon na simula nung umalis ka, hindi man lang kita nakita..
Hangang ngayon hinihintay parin kita, umaasa na sana bumalik ka..
"Yoona ok ka lang ?" Tanung sakin ni kim.
“ok lang ako no.." Pagkukunwari ko sakanya.
"Talaga? Bakit may luha sa pisngi mo?." Hala hindi ko ‘man lang napansin na umiiyak na pala ‘ko..
"Sipon lang yan.. Tara na nga.."
"Kadiri ka naman yoona."
"Hahahahahaha!!" Sabay kaming tumawa. Baliw talaga 'tong si kim. Buti nalang nakilala ko sya, kaibigang totoo kahit kaka-kilala nya palang sakin..
-flashback-
nasa isa akong beach. Ang linaw at ang linis ng tubig. Habang nakatingin ako sa sunset na malapit ng lumubog. Ang ganda talaga sa batangas, naiisip ko nanaman si hansol, bakit kaya sya umalis, ano kaya nangyari sakanya. Nararamdaman ko napupuno na yung mata ko ng luha nakakainis ka hansol iniwan mo ko!..ang sakit sakit! Gusto kung sumigaw pero ayaw eh sadyang pag-agos lang ng luha at hikbi ang nailalabas ko..
"Hello, ok ka lang. Ito panyo oh.." Nagulat ako may isang babae na tumabi sakin inabutan ako ng panyo at isang lalaki kahawig nya si jungkook pero gwapo parin si hansol ko. Pinunasan ko ang luha ko.
"Thanks sa panyo ah."
"Your welcome. Sya nga pala ako si kimberly Y. Park at ito naman si kayle Y. Park. Eh ikaw?" Tinatanung ko ba name nya?charing lang. Mukang mataray yung kayle hindi man lang tumingin..
"Yoona s. Jandine."
"As in yoona? Yoona ng girls generation? Kpop fangirl ka ba?" hahaha enebe feel ko tuloy si yoona aKo.. Pano nya kaya nalaman. Medyo nawawala lungkot ko sakanya ah.