Kakatapos lang namin ni kim mag- practice ng sayaw, sa wakas natapos na 'din namin lahat ng steps at kanta. Tumitingin ako sa may pintuan baka sakali na nasa labas si hansol, naghihintay..
"Friend baka naman hindi ulit sisipot.."baka nga, may pa- sabi sabi pa syang 'sunduin kita mamaya pagkatapos nyo mag-practice' tapos hindi sya ulit sisipot! Naku naku pinalagpas ko na nga yung nangyari nung isang araw eh. Naisip ko lang wala naman akong karapan para magalit doon sa babae at sakanya, kaya nagtatampo lang:'/
"Siguro nga friend. Paasa talaga 'yun.." Malungkot na sagot ko kay kim.
"Naku friend ikaw lang kasi umaasa." Sabi ko nga, ako lang talaga umaasa, si kim talaga ang prangka sakin pero love ko sya.:)
"Late na ba 'ko?." Akala ko kung sino si hansol pala, sobrang saya ko kasi pumunta sya hindi nya ko inindian ulit.:D
"Akala ko 'di ka nanaman sisipot." Kunwaring nagtatampo ako sakanya. Wag kayo! Gusto ko lang lambingin nya ko. Enebe.(^.^)
"Sorry na wag kana magtampo.."pag-aamo nya sakin, ang cute nya parang gusto ko nalang magtampo para lambingin nya 'ko.."kiss nalang kita para hindi ka na magtampo.." Pacute na sabi nya, nagulat ako dun guys pati si kim 'din kaya natatawa lang sya sa reaction ko at kay hansol..
"Kadiri ka hansol!."pagtataboy ko sa lips nyang nakanguso, waaahhhh! Ang cute talaga nya, ayuko na mamamatay na 'ko dito pag 'di ko napiligilan 'to ikikiss ko talaga 'to eh kaso inalis nya na.. Nubeyan!(~.~) "Sapakin ko 'yang nguso mo eh buti nalang inalis mo.!"pagjojoke ko sakanya.
"Naku forever na ata akong manunuod sa friendship sweetness nyong dalwa..." Singit ni kim na kanina pa pala nanunuod samin pero kaylangan may friendship pang kasama ang sweetness eh. Kaloka tong si kim.."sige bye na sainyong dalawa. enjoy!." Pagpapaalam nya samin.
"Kita nalang tayo bukas ah!" Pahabol na sabi ko kay kim na paalis na.
"So tara na?"tumango nalang ako kay hansol."akin na 'yang bag mo." Kinuha nya yung bag ko para sya ang magbuhat, oh diba ang sweet nya?..hahaha :D
Pagkalabas namin ng school ni hansol biglang may tumawag sa phone nya.
"ahm. Nasa school ... Pero may pupuntahan pa ko... Pwede bukas nalang?...ok po..." Hindi ko marinig yung kausap nya sa phone nubayan! Sino kaya 'yun?. Mukang hindi nanaman ata matutuloy 'to ah..
"Sorry talaga yoona, hindi nanaman matutuloy yung date na 'tin.. Pero sure na talaga sa sabado.." Sabi ko na nga ba eh pero bakit naman kaya?.
"Ano ba nangyari?." Nag-aalala na tanung ko.
"I want my mom that we ate at the restaurant.." Nubayan! Pwede naman bukas nalang eh.jk makasarili na 'ko nito ah.hahaha:D "I think that dad came home from Washington." Pahabol na sabi nya.
Ok lang sakin 'yun pero deep in side 'di ok eh.
"Nuka ba ok lang yun may sabado pa naman." Dahil mabait ako, ok lang sakin :D
"I love you talaga yoona. Yaan mo babawi nalang ako.:)" yumakap sya sakin habang sinasabi nya 'yun..enebe kehet weg neh pero i love you to (*_*) I'm so kilig kilig na.
"I love you too!. Ok lang yun nuka ba.." With feelings 'yang 'iloveyoutoo' ko hansol! Sana 'yung sayo rin..
"hintayin muna kitang makasakay bago ako umalis baka mapahamak ka.." Ayuko na hindi ko na talaga kaya baka kiligin ako sa harap nya..waahhhh!
Sa wakas may cab na dumating wohhh! Sumakay na 'ko sa cab at sinabi yung address ng bahay namin syempre.:)
"Manong paki ingatan po sya ah di ko makakaya pag-nwala yan..he he he:)" naku hansol masasapak na kita! Pinapakilig mo ko ng sobra!.