Chapter 3: DATE
Nikka's POV:
Pagkatapos ng ka-kornihang nangyari nung isang linggo. e matino pa naman ako.
Di na kami masyadong nakakapagusap ni Seth. Why? LQ kami. Joke! Secret walang CLUE. Joke ulit -__- De, kasi masyado siyang busy sa kung anong bagay na ginagawa niya kaya puro text lang kami.
Si Ayden? Yun kami parin naman.. magkasama nga kami e! ^^ Kasi its our 1st Anniversarry! Batiin niyo ko :) So yun nga kaya magdadate kami ngayon. Aktwaly andito kami sa Mall (as always -____-) kahit sawa na'ko dito sa Mall, kahit kabisado na kami ng mga tindera dito, kahit natikman ko na yung mga pagkain dito sa loob ng Mall, at kahit napasukan ko na ng ilang beses yung mga Shop dito.. okay lang! Kasi nga kasama ko naman si HK (HonKo)
Iba rin trip namin ngayon, kasi pinatay namin yung CP namin. As in PATAY kasi inalis namin yung baterya pati narin yung SIM. Hahaha! Iba e trip ni HK e. Tawa nga ako ng tawa kanina e, halos pati yung casing ko sirain. >,<
"Hon, san mo gusto?" tanong niya. Ohmygolly! Boses palang oh? Wahihihi. Ay kakire! Kaya naman ako nasobrahan sa kakiligan e bigla ba naman akong inakbayan! Asus! :D Ako na kinikilig dito ay laglag ang panty. Aysos!
"Anong gusto? Hmmm. Ikaw lang naman gusto ko eh." umiwas na'ko agad ng tingin kasi naman e. Ba't ba kasi ako bumanat ng ganon?! Yan tuloy feel ko para na'kong apple sa sobrang pula. (_ _)
"Banat ba yan? Bentang benta hon." saka niya ko kiniliti kaya ayon halos nagwala ako sa Mall. -__-
After ng LS (Landian Scene) namin e, nagpunta na kami sa Tom's World. Yayiyiyiyi! Gusto kong mag- Dance Revo Chuchu :">
Kaso naman nahihiya ako. -___- Di naman kasi ako ganon kagaling, tung tipong tumatalon talon na kasi sa sobrang bilis nung mga arrows! Kaya kailangan ko ng kasama. Sino naman kaya? TING! Alam ko na. Huehuehue.
Kinalabit ko si HK, "Hon, dance revo tayo. Phuleeeeeaseee? :3" nagpout na'ko para pumayag.
Kaso kumunot yung noo niya saka nagform yung lips niya ng isang malaking ngiti. Ayun! Halos mamatay siya katatawa. Ok? Problema?
Tinignan ko siya na parang 'what the hell is wrong with you bitch?' Kaso ayon, namumula na siya sa katatawa. May sarili siyang scene-- Sisa d' II Scene.
Nagsalita na'ko bago pa siya hulihin nung mga guards baka pagkamalang baliw. "Anong nakakatawa?" tanong ko. Medyo nahimasmasan naman siya.
"W-wala. Hahahahaha! Bwa-Hahaha-Huehehehehehe! Vlahahahaha--Gahahahaha!" what the hell? Nakakainis na ha! Kung ano ano na yung nagagawa niyang tawa. Kulang nalang talaga ay ang gumulong siya sa sahig habang tumatawa. t(-____-t)
"Bakit ka ba tumatawa?!" medyo naiirita na'ko. Medyo lang ba? Mukhang na-reach ko na ang High Boiling Point ko e.
"H-ha? A-ano? Hahahahaha! Huaaaaehehehahahaha! Titigil na-- Huahahaha! Wahihihii." titigil daw. Pwedeng magmura? \(-o-)/
Dahil di parin siya tumitigil sa Crazy Scene niya e umalis na'ko SCRATCH that-- nag-Walk out ako! Yan, this word suits me.
Nagpunta ako sa Bookstore. Parang gusto kong sirain lahat ng mga libro dito at ipasunog 'tong Mall sa sobrang badtrip ko. Iba na tingin ko sa tao e. Geez! Nandidilim na paningin ko!
Ayoko sa lahat ay yung pinagatatawanan ako lalo na sa harap ng maraming tao tapos di ko pa alam yung dahilan. Ok lang sana kung kalokohan ko naman yung pagtatawanan atleast ako tatawa din. Psh! BV ako! Kaya ikaw na nagbabasa magtago ka na! Rawr! =______^