Sulatan sa ilalim ng DESK

159 7 8
                                    

EEEEEHHHHHHH!!!!!!! Kinikilig talaga ako pag nakikita ko si Jake xD Isang fourth year student siya sa school namin. Abay pinaglihi ata at siyang naging pinakagwapong nilalang na nakita ko sa tanang buhay ko. Nako. Hanggang pantasya na lang ako kasi ngayong tinititigan ko siya, sarap niyang sapakin este..

Sarap sapakin ng babaeng kasama. ANG LANDIIIIIIIII talaga!!!! Si Gwayne, classmate ko na parang baliw din ata kay Jake. Langhiya talaga. Maganda naman ako? Bakit hindi na lang siya sa akin? Hindi ko pa siya lolokohin. Nako yang Gwayne na yan? Diyosko day, napakaraming syota niyan. Iba-iba, lahat na lang yata  ng kalalakihan sa purok sa lugar namin, nasyota na niyan. Ewan ko din kay Jake kasi feeling ko, pinagtitripan niya lang din si Gwayne.

Pero ganunpaman, crush ko pa rin siya. XD

**TLE Room**

TLE subject namin ngayon at dahil napakaboring ng subject. Eh sa wala akong maintindihan eh, kaya nagsulat na lang ako sa papel. Kahit ano. Nagdo-drawing ba, at kahit anu-ano pa. Nagsusulat ng pangalan ko, lyrics ng song,mukha ng babae at kung anu-ano pa. Wag gayahin  kasi kahit hindi ako nakikinig ng lessons ng sir namin, perfect pa din ako sa mga quizzes namin. *PROUD AURA ALERT*

"Good bye and thank you Sir Rey"

Abay tapos na pala ang klase namin, hindi ko man lang napansin. Ano ba yan. Agad naman akong umalis kasi last subject na namin to at lage akong excited umuwi lage. Malayo pa kaya bahay namin. Tsaka maglalakad pa ako. Tssss.

*Kinabukasan*

Naiihi na ako 

"Teacher, can i got out for a while?"

"Okay Leah, but make sure to go back immediately"

"Yes teacher." Ayun, panay ang takbo ko. Lord, hindi ko na halos mapigilan. Ihing-ihi na talaga ako. 

 "Leah?" Hala, may tumawag sa akin? Tae, ihing-ihi na ako, bakit ngayon pa.

"Pwede mamaya na kasi ihing-ihi na talaga ako eh." Sabi ko dun sa tumatawag sa akin. Hindi ko siya nilingon kasi diretso ang lakad at tingin ko sa pintuan ng comfort room namin.

...........

"Yess! Success!" Nakaihi na rin sa wakas. Hay salamat.

Pagbalik ko sa classroom namin, nakita ko na may nakatayong isang lalake malapit sa door? Eh sino pa ba, edi si Jake. Weee xD Syempre inayos ko muna ang sarili ko para ng sa ganoo'y pag lumakad ako papasok ng classroom namin, hindi ako magmumukhang halimaw sa paningin niya. Baka, mapansin pa niya ako xDDD

Lakad-lakad. O.O

Abay biglang lumabas si "Gwayne Malandi" at niyakap agad-agad si Jake. PBB TEENS lang ang peg mo day? NAPAKA!!!!! *rolled eyes*

Ewan ko, parang may dinaan lang yata si Jake dito sa classroom namin. Time for TLE na naman. Ang pinakafavorite kong subject kasi maliban sa last subject na namin ito, ito yung subject namin na hindi pressuring. As usual, hindi na naman ako nakikinig sa sir namin. Para kasing recap lang ng yesterday's lessons ang nilelesson niya eh. Kaya nagsulat na naman ako. 

Hinanap ko lapis ko kasi biglang nawala. Kinapa ko sa ilalim ng desk ko pero wala. Langya to. Tumingin muna ako sa magsikabila kong seatmate kasi minsan, uso ang larong taguan sa amin. MAPAPATAY ko talaga to sila. At what if kung mag surprise quiz si sir, edi wala akong panulat. LALAMUNIN KO TALAGA SILA PAG NAGKATAON. Pero mukhang seryoso naman sila lahat eh kaya chineck ko na naman ang desk ko. Tiningnan ko na lang talaga sa ilalim para sigurado. Ayun,nasa dulo lang pala. Kinuha ko naman. Pagkakuha ko, may papel na nadala, galing din yata sa loob ng desk ko. Kinuha ko.

Ayyyy, yung drawing ko lang pala kahapon. Naiwan ko pala siguro dahil sa kamamadali. Since wala akong papel, yun na lang ginamit. Tipid2 din pag may time noh. Ginamit ko ang likod na part. Pero pagkakita ko, may parang letter eh. Kumunot yung noo ko.

Sulatan sa ilalim ng DESKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon