Chapter 41: He's Drunk

5.5K 58 22
                                    

A/N:

Sorry ulit kung super tagal ng update. I've been very busy. Ngayon lang ako nagka oras mag update. Pero thank you sa mga nagbabasa pa rin nito at sa mga patuloy na naghihintay ng update! Pasensya na sa update kung medyo maikli at bitin. As I've said, limited ang time ko for updating my stories. Yun lang. THANK YOU! ^_______^

VOTE-COMMENT-THANKS :)

                                                     Chapter 41: He's Drunk

Bigla kong naitulak palayo si Rain. Dahilan para mapaupo siya sa sahig. Nataranta ako at natutuliro. Napatayo na rin ako at naglakad nang di mapakali. Maglalakad ako palayo saka maglalakad pabalik sa pwesto ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.

Paano niya nasabi yun? Hindi kaya alam na niya ang sekreto ko? Teka! Paano mangyayari yun? E, maingat naman ako. Nakagat ko na ang kuko ko. Hindi kaya may nagpakilala sa kanyang iba na fiance niya? Yung kasama ba niya kanina? Eh mukhang di naman sila close kase di siya pinapansin o kinakausap ni Ulan kanina sa Ferris Wheel e.

Eh, teka nga, ano bang pakialam ko sa kanila? Kung may nagpakilalang ibang babae na fiance niya, mas mapapadali ang pagtakas ko. Saka wala akong pakialam sa kanila. Wala akong pake kung may gusto yung babaeng yun kay Rain. At lalong wala akong pake kung mutual ang feelings pagdating kay Rain. Ay bwisit! Wala dapat akong pake!

Sobrang daming tanong ang nagpapatintero sa litong lito kong isip. Hindi ko napigilang mapahilamos ang dalawang palad sa mukha. Napadako naman ang tingin ko kay Rain na nakahandusay na sa sahig. Agad agad akong dinaluhan. Nakalimutan ko, lasing nga pala to. Hindi niya kayang alalayan ang sarili niya. Baka naman kase lasing lang talaga siya kaya kung ano ano nasasabi niya?

Napatango tango ako sa naisip. Wag kang kabahan, Alex. Umaayon parin sa lahat ang plano. Mag-iimbestiga ka kay Rain ng kahit anong pwedeng ipanlaban sa kanya. Tapos mawawala ka sa buhay niya na parang isang bula. Huminga ako ng malalim pakatapos ay tinulungang makatayo si Ulan.

"Ang bigat mong lalake ka!" reklamo ko nang tulungan siyang makaalis sa pagkakahiga. Hindi ko na talaga siya mabuhat kahit ilang beses ko pang subukan na ikinatawa naman nito. Sa sobrang inis ko padabog na binitawan ko siya kaya napasandal siya sa sofa. Nakaupo pa rin siya sa sahig pero nakasandal ang likuran niya sa sofa.

"Tawa tawa ka diyan!" pabulyaw na sabi ko rito. Muli nanaman itong tumawa na parang isang baliw.

"Ang liit liit mo kase." sabi nito na binuntutan nanaman nito ng malutong na halakhak.

"Hindi ako maliit! Sadyang matangkad ka lang. Bwisit to. Ikaw na tinutulungan diyan, ikaw pa may ganang apihin ang height ko." nakasimangot na sabi ko habang nakacross ang dalawang braso ko. Hindi siya nagsalita pero nakatingin lang siya saken habang nakangiti.

"Naiintindihan mo pa ba ang sinasabi ko?" tanong ko rito nang hindi ko na matagalan ang mga titig nito.

"Anong akala mo shaken? Bingi?" sagot naman niya.

"Hind. Lasing lang." napapailing na saad ko.

"Hindi ako lashing! Nakainom lang." bigla kong pinitik ng malakas yung noo niya matapos niya yung sabihin.

"Sinungaling ka pag lasing."

"Fine! Edi lashing! Gwapong lashing. Pero shinashabe ko shayo. Yung shinabi ko kanina, di yun lashing!"

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Saka napangiti nang nakakaloko.

"Yung sinabi mo, hindi lasing? Ano daw? Ewan ko sayo, wag mo kong kausapin pag lasing ka. Naabnoy ang utak ko sayo."

He to She (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon