Chapter 60: The Answer

2.5K 47 16
                                    

“Jupiter, you’re such a lucky dog! Marami kang na-eengkanto kahit ganyan ka! Hahaha.”

 Read: Kung mapapansin nyo hindi ko nilagay dito yung mga scene sa ACFMS kung saan na-expose si Alex. Naks! XD Nirerevise ko pa kasi yung story na yun. So to avoid conflict, hindi ko nalang sinama rito. Hindi ma-eexpose masyado ang kakisigan ni Chance beybe dito. Pasensya na.

 

                                              Chapter 60: The Answer

“Hoy!” Untag sa kanya ni Avi. Bumalik ang kanyang isipan mula sa nangyari noong isang araw, papunta sa realidad.

“H-ha? Ano yun?” Napakamot ito sa ulo nang tila ma-realize nitong hindi siya nakikinig. Kakikilala palang niya rito. Ito umano ang babaeng pinapantasya ng pinsan naman ni Rain, ayun sa mga ito. Naalala rin nyang ang babaeng ito ang walang awang pinagsamantalahan ang kanyang pisngi noong nasa Resort sila. Ang akala nga niya ay isa ito sa mga babaeng pinopormahan ni Rain ngunit nagkamali siya.

Hindi nga niya alam kung paano kikilos sa harap ng mga ito. At wala rin naman sa kagustuhan niyang dumalo sa kasayahang iyon. Hindi naman siya kaano-ano ng mga ito. At lalong hindi siya girlfriend o kahit pa boyfriend ni Rain. Dapat nga ata ay si Claire nalang ang isinama nito roon. Naroon lang naman siya dahil parusa umano nito iyon sa kanya dahil umuwi siya ng lasing noong isang gabi. Hindi rin naman niya sinasadyang maglasing. Napainom lang siya. Hindi na nga niya namalayan kung nakailang bote na ba siya dahil kahit si Saturn ay tawa na ng tawa sa tabi niya at biglang nawala ng parang bula si Jupiter. Lingid sa kaalaman nila ay kumuha pala ito ng taxi upang iuwi na silang dalawa na hindi maawat-awat sa pag-inom.

Kinaumagahan tuloy ay bigla nalang niya gustong ituloy ang ideya niyang pagpapakalunod sa sobrang sakit ng kanyang ulo. Sumabay pa roon ang mainit na ulo ni Rain. At upang hindi na madagdagan umano ang sakit ng ulo nito sa kanya ay isinama nalang siya nito sa pupuntahan nito nang ma-monitor siya nitong mabuti. Great. Just great. Ayaw na nga niya itong pansinin. Ngunit maya’t maya ay sinasalo niya ang init ng ulo nito. Kung umuwi nalang kaya siya?

“Ang sabi niya bakit daw ang init ng ulo ni Rain?” Ulit naman ni Cindy, ang bestfriend ni Avi. Nagkibit balikat siya bago sumagot.

“Lagi naman siyang ganyan.” Mukhang nagulat pa ang mga ito sa sinagot niya. ‘Bakit? Hindi ba?’

 

“Really?” Hindi makapaniwalang tanong ni Cindy. Tumango siya. Nagkatinginan ang mga ito bago halos sabay na sumulyap kay Rain na nasa bar counter.

“Strange.” Saad ni Avi. Napakunot-noo siya. Hindi ba ganoon sa mga ito si Rain? Magsasalita palang sana siya nang maunahan siyang magsalita ni Cindy.

“Enough of Rain, baka basted lang yon. Ikaw naman ang pag-usapan natin.” Napadiretso siya ng upo. Pwede bang si Rain nalang ulit ang pag-usapan nila?

“Hindi interesante ang buhay ko.” Right. Kahit siya, hindi na interesadong isipin ang mga problema niya sa buhay.

“Come on! Lahat ng tao, interesante!” She exclaimed. Gumuhit ang nanunuksong ngiti sa labi ni Avi.

“So you mean…pati si kuya, interesting na rin para sayo?” Natigilan si Cindy sa sinabi nito. Inikot nito ang mga mata pagkuwan.

He to She (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon