Never been started

21 2 0
                                    



* Never been started *

Akala ko nasimulan na. Iyon pala hindi pa.

Akala ko ako na. Iyon pala ay iba.

Akala ko naman mahal mo ako. Iyon pala hindi.

Akala. Akala. Akala. Masakit palang mag assume.

Narinig ko na naman ang tunog ng kotse mo sa labas hudyat na nakauwi ka na. Dali Dali akong lumabas ng bahay upang batiin ka at nang makita na kita ay binigyan agad kita ng isang magandang ngiti. Ginantihan mo rin ako at ikaw ang unang bumati ng magandang gabi sa akin. Ano bayan, ikaw talaga ang nauuna sa lahat!

Pagkatapos mo akong batiin ay pumasok ka na sa bahay mo na katabi lang ng bahay ko. Kinilig naman ako dahil kahit hindi mahaba ang nagiging pag uusap natin at sapat na iyon para sa akin. Baka kasi pagod ka na sa trabaho mo at gusto mo ng magpahinga.

Kinabukasan ay wala kang pasok kaya naisipan kong tumambay sa apartment mo. Rinig mula sa amin na nagpapatutog ka kaya sinabayan ko iyon at nagulat ka dahil sa pagsulpot ko.

Naglilinis ka pala at nag presenta akong tumulong sa iyo. Ayaw mo pa nga dahil sabi mo ay baka mapagod. Ayaw mo siguro akong mapagod pero dahil mapilit ako ay kinulit pa rin kita at wala ka ng nagawa.

Hindi matapos tapos ang pag lilinis natin dahil sa kulitan natin. Para na nga tayong mag asawa e. Sabay naglilinis at naghaharutan.

Sa sobrang pagkukulitan natin ay bigla na lang tumambad ang malapit mong mukha sa akin. Eto yung nakikita ko sa mga palabas na kapag ganito ang nangyari ay pipikit na ang bidang babae kaya ang ginawa ko ay pumikit rin ako at hinintay ang gagawin mo.

Pero walang nangyaring ganon. Wala yung hinihintay kong halik mula sayo imbed ang nakita ko ay naweweirduhan mong mukha. Tumayo ka na at sinimulang maglinis at ako ay naiwan paring nakaupo.
Malapit na e! Akala ko talaga hahalikan mo na ako.

Inabot ako ng tanghalian sa bahay mo kaya inimbitahan mo akong kumain. Syempre bilang marupok na babae ay umoo naman agad. Ang sweet kaya kasi parang date na rin ito kahit ako lang ang nakakaalam.

Ikaw ang nagluto ng makakain natin kasi ayaw mo akong pakilusin o tulungan ka man lang. Ayaw mo talaga akong napapagod.

Natapos ka magluto at umupo ka na sa harap ko. Ikaw pa nga naglagay ng mga pagkain sa plato ko.

Pagkatapos nun ay umalis na rin ako sa bahay mo dahil aalis ka at may pupuntahan.

Masaya akong umalis sa bahay mo. Pagka pasok ko ay nilabas mo na ang kilig ko at tumili pa ako dahil sa mga sweet gesture mo kanina.

Siguro may gusto ka na sa akin.

Ganon ang nangyari sa atin sa mga sumunod na araw. Lahat ng iyon ay walang palya dahil hindi ko hahayaan na mawalan pa ako ng tsansya sayo. Nararamdaman ko kasi na malapit ka ng magtapat sa akin. Siguro kailangan mo na lang ng kaonti pang panahon.

Pero ang panahon na iyon ay hindi na pala dadating.

Napansin ko na madalang ka na umuwi sa bahay mo. Kung uuwi ka man ay siguro isa o dalawang araw sa isang linggo. Hindi mo na nalilinis ang bahay mo. Hindi na kita nakakasama. Hindi na kita nakakakulitan.

Siguro nagpapamiss ka sa akin.

Inisip ko na lang na pansamantala kang nasa bahay ng mga magulang mo. Syempre namiss mo rin kasi sila kaya ka nandoon.

Inisip ko na lang na Baka busy ka sa trabaho at sobrang gabi ka na umuuwi at sobrang aga mo naman aalis dahil madami ka pang gagawin.

Inisip ko rin na baka isinama ka ng boss mo sa isang business trip kaya madalang ka na lang nagpaparamdam sa akin.

Pero iba pala ang dahilan mo. Umuwi ka rin at nagmadali pa akong lumabas upang salubungin ka pero iba ang tumambad sa akin.

Ikaw na may kasamaang magandang babae.

Inisip ko na baka ate mo o kaya pinsan mo kaya tuloy tuloy pa rin akong lumapit sayo. Nakita mo ako at binati mo ako katulad ng dati. Ipinakilala mo ang kasama mong babae sa akin.

"Melody, Meet my girlfriend."

Hindi ko naisip na may girlfriend ka.

Nginitian ko ang babaeng pinakilala mong girlfriend mo at ganon rin ang ginawa niya. Wala akong makitang mali sa kanya dahil sobrang perpekto niya.

Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na may iba kang iniibig.

Hindi lang noong araw na iyon pumunta ang girlfriend mo sa bahay mo. Halos doon na nga siya tumira sa inyo.

Nakikita ko kapag lumalabas ako kung anong ginagawa niyo. Minsan naglilinis kayo ng bahay mo.

Dati naman ako ang kasama mong maglinis.

Nakikita ko kung paano kayo mag kulitang dalawa.

Dati naman ako ang kakulitan mo.

Nakikita ko kung paano mo siya pagsilbihan.

Dati naman ako ang pinagsisilbihan mo.

At nakikita ko kung gaano mo siya ka mahal.

Bagay na hindi ko nakita ng kasama mo ako.

Sigurado akong gusto mo ako.

Sigurado ako na lahat ng ginagawa mo ay may ibang kahulugan.

Sigurado ako na magtatapat ka sa akin at yayain maging nobya.

Sigurado ako na mahal mo rin ako!

Sa sobrang galit ko sa iyo ay kinausap kita ng makita kitang mag isa ka. Sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin at sinabi ko rin kung gaano kita ka mahal. Akala ko sasabihin mo na "sorry kung pinagselos kita. Ikaw talaga mahal ko at prank lang ang lahat." Pero iba e, iba ang sinabi mo sa akin.

"God! Melody what are you thinking? You were just a little sister to me. Nothing more, Nothing less. Nag assume ka lang. Binulag mo ang sarili mo sa pag aassume."

Binulag ko ang sarili ko sa pag aassume.

Masakit na lumabas 'yan galing sa bibig mo pero iyon ang tama.

Binulag ko ang sarili ko sa pag aassume.

Masakit. Sobrang sakit.

Akala ko kasi iyon na ang simula sa pag iibigan natin.

Akala ko kasi parehas tayo ng nararamdaman.

Akala ko kasi iisa lang ang tinitibok ng puso natin.

Akala ko kasi mahal mo rin ako at ako na ang gusto mong makasama.

Lahat ng iyon puro akala.

Sabi nga nila maraming namamatay sa maling akala.

Bakit ako, hindi mamatay matay?

Mali pala. Patay na pala ako. Patay na ang puso ko sa natamo kong malaking sugat mula sayo.

- M.

Diary of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon