Kaibigan

53 3 0
                                    




* Kaibigan *

Nagmahal lang naman ako pero bakit ganito?

Minahal naman kita pero bakit sobrang sakit?

Mahal kita at patuloy pa rin kitang mamahalin.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Saan nga ba tayo nagsimula?

Ah. Noong sinabi mo na may gusto ka sa akin. Nagulat ako dahil sinabi mo sa akin na crush mo ako. Anong nakita mo sa akin? Hindi naman ako kagwapuhan. Hindi rin naman ako ganon katangkaran. Lahat ng gusto mo isang lalaki ay kulang ako.

Bakit mo nga ba ako nagustuhan?

Simula nun, lagi na akong lumalapit sayo. Lagi na akong tumatabi sa iyo kahit na hindi naman tayo ganong ka close. Sorry nga pala kung feeling close ako pero kasi ayoko na palagpasin ang pagkakataon na ito.

Lagi na rin tayong magkausap sa networking sites. Nagiging close na rin tayo at naipapakita mo na ang tunay mong mga ngiti sa akin.

Hindi mo alam kung anong tuwa ang binigay mo sa akin. Makita lang kitang masaya, masaya na rin ako. Makita lang kitang nasasaktan, gusto ko nang akuhin ang sakit na nararamdaman mo.

Sayang nga lang dahil patapos na ang pasukan at hindi na kita makikita pa. Kaya binaling ko na lang ang nararamdaman ko sa ibang babae.

Bakit hindi ka mawala sa isipan ko?

Nakahanap nga ako ng ibang babae pero kahit minsan hindi ka nawala sa isipan ko.

Kahit na gusto ko itong babaeng ito, hindi ko magawang mahalin siya. Hanggang landian lang ang maibibigay ko sa kanya pero ang pagmamahal ko?

Sayo ko lamang ibibigay ang pagmamahal ko.

Bakit mapaglaro ang tadhana?

Hindi ko inaasahan na magiging kaklase ulit kita at tangina sobrang saya ko. Makikita na naman kita araw araw. Makakausap na naman kita araw araw. Mamahalin na naman kita araw araw.

Nagiging magaan na ang loob mo sa akin at ganon rin ako sayo. Nakakapag open up ka na sa akin at nakakabiruan na rin kita.

Duo pa nga tayo sa mga kalokohan e. Kung anong trip mo, trip ko rin. Kung may ipagawa kang dare, go naman ako. Kung may ipagawa ako sayo, go ka rin. Ikaw na nga ang gusto kong babae.

Sino ang hindi magkakagusto sa katulad mo?

Oo, Maganda ka pero hindi ka normal na babae. Hindi ka mahinhin. Hindi ka pala ayos. Nagmumura ka. Magaslaw kang babae. Maingay pa.

Pero hindi nila nakikita ang nakikita ko sayo.

Alam kong ipinapakita mo lamang iyon sa ibang tao para hindi ka masaktan. Ikaw yung tipo ng babae na may nakapaligid na pader sayo. Pinoprotektahan mo na agad ang sarili mo sa ibang tao. Sa loob loob mo, isa kang mabuti, responsibilidad, may galang at may disiplina sa sarili. 'Yan ang totoong ikaw.

Bakit nga ba mahal kita?

Nagising na lang ako isang araw, mahal na kita. Kapag mahal mo kasi ang isang tao, wala kang dahilan na masasabi sa iba. Simple lang kasi, mahal mo siya.

Natatawa ako sa iba dahil pag tinanong mo sila kung bakit mahal nila ang isang tao, ang sasabihin nila ay gwapo/maganda at kung ano ano. Hindi pagmamahal 'yon. Gusto lang nila ang isang tao dahil sa mga pisikal na katangian nito.

Mahal kita kahit anong mangyari. Kahit maging masahol man ang ugali mo, mahal pa rin kita. Kahit pumanget ka man, mahal pa rin kita. Mahal pa rin kita kahit anong mangyari sa sayo.

Magkaibigan tayong dalawa pero hindi ko maiwasan ang mahulog sayo. Natatakot akong umamin dahil baka iwan mo na lang ako bigla. Natatakot ako dahil baka mabalewala ang kung anong meron tayo kaya isisikreto ko na lamang ito.

Bakit masakit?

Diba sa akin ka nagsasabi ng problema mo? Nasabi mo sa akin na hindi mo pa rin lubusang makalimutan ang kaisa isahang minahal mo. Masakit marinig na mahal mo pa rin siya.

Masakit na makitang umiiyak ka dahil sa isang gagong lalaki. Sabihin mo lang na sapakin ko siya, gagawin ko para sayo. Sabihin mo lang na resbakan ko siya, gagawin ko rin. Sabihin mo lang na gusto mo ng mawala ang sakit, tatabunan ko ito ng pagmamahal para mawala.
Pero ang tangi mo lang nasabi ay mahal mo siya at hindi mo pa siya kayang kalimutan.

Dinudurog ng pinong pino yung puso ko sa mga salitang binitawan mo. Pero mabuti na rin iyon kasi sinampal na ako ng katotohanan na hanggang kaibigan na nga lang talaga tayo.

Paano kaya kung nauna ako sa kanya?

Mamahalin mo kaya ako?

Paano kaya kung mas maaga kitang nakilala?

Mamahalin mo kaya ako?

Paano kaya kung ako na lang ang mahalin mo?

Kasi kung ako ang mahal, lahat ibibigay ko para lamang sayo.

Lumipas ang mga araw at bumalik ka na sa dating ikaw. Naging masiyahin ka ulit, naging palaban ka ulit. Parang hindi ka nga nasaktan o umiyak sa akin e.

At eto ako, namomoblema kung aamin na ba sayo o ililihim ko na lamang ang lahat sa akin.

Sobrang naguguluhan na ako kaya iniwasan muna kita. Ang dami kong sinabi sayo na mga dahilan. At dahil sa ginawa kong pag iwas, nalaman ko na may kinalolokohan ka ng ibang lalaki.

Tangina lang! Ako ang nasa tabi mo noong panahong probelamado ka!

Ako ang nasa tabi mo noong kailangan mo ng masasandalan!

Ako ang nasa tabi mo masaya ka man o malungkot!

Ako ang kasama mo sa lahat ng bagay! Ako lahat...

Tangina lang bakit hindi mo magawang mahalin ako?

Nang magkita tayo ay kinuwento mo na ang bagong kinalolokohan mo, kung paano ka kiligin. Kung paano ka niya napapasaya. Kung paano niya napapabuo ang araw mo.

At kitang kita ko sa mga mata mo na, mamahalin mo ang taong iyon. Mamahalin mo iyon higit pa sa nakaraan mong minahal.

Nakapag desisyon na ako. Sasabihin ko na ang lahat.

"Mahal kita."

Pagkasabi ko pa lamang niyan ay unti unti ng nawawala ang ngiti sa labi mo. Natawa ka pa nga dahil akala mo nagbibiro ako pero sinabi kong seryoso ako.

Pero iyak lang ang nakita ko sayo at doon pa lang. Alam ko ng wala na talaga akong pag asa. Na kahit simulan ko man ay talo pa rin ako sa huli. Na kahit gawin ko ang lahat, hindi ka magiging lubusang sasaya sa piling ko.

Humingi ka ng tawad at sinabi mo na kaibigan lang ang turing mo sa akin. Isang matalik na kaibigan at wala ng hihigit pa doon.

Tinanggap ko lahat at sinabi ko na lalayo muna ako sayo. Kailangan ko munang mahanap ang nawala kong sarili. Kailangan kong pahilumin ang mga sugat na natamo ko noong minahal kita. At dahil doon nawala ang komunikasyon nating dalawa. Doon rin pala mawawala ang lahat ng kung anong meron tayo at doon na rin ang huli nating pagkikita.

Pitong taon na ang nakakalipas, mahal pa rin kita at kahit kailan hindi ka nawala sa isipan ko. Ginawa ko ang lahat para kalimutan ka pero ikaw lang talaga e.

Nagbalik ako at nalaman ko na ikakasal ka na pala sa kanya. Sabi ko na nga ba at siya na talaga ang nakatadhana sa iyo. Kitang kita sa pagtitinginan niyong dalawa na mahal na mahal niyo ang isa't isa kaya pinagkakatiwala na kita sa kanya. Handa na akong palayain ka sa puso ko dahil kahit kailan ay hindi ka magiging akin.

Inimbitahan tayo ng isa nating kaibigan para magkaroon ng reunion. Ibig sabihin nun ay makikita ulit kita. Makikita ulit kita pagkatapos ng pitong taon. Makikita ulit kita..
Ang babaeng mahal ko.

At nang magkita na tayong dalawa. Ang unang sinabi mo ang nagpadurog ulit sa puso ko ng paulit ulit dahil ipinapahiwatig nito na hanggang doon na lang ang lahat.

"Jay? Bestfriend!"

-J.

Diary of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon