Kasalukuyang Nagbibilang ako ng Pera ko , Dahil ung mga Pinangtratravel ko naman ay Pinagiipunan ko. Ngayon ay Nagaayos nako ng Gamit papuntang Paris, France . Ang Next Ko naman ay New York. May Ipon nako don.
" Save Money , So You Can Travel the World " sabi nga nila hindi lahat ay magulang mo ang Gagawa at Gagastos. Pinalaki ka ng Maayos, Gumawa ka ng Maayos.
Next Week ang Flight ko Papuntang France . May Ari kami ng NAIA , Tinanggal na nga namen ung mga Employees na Naglalagay ng Bala sa mga Tao don e , Alam niyo yon? Tanim Bala. Pero Buti na lang Hindi kami Nalugi. One Week lang namang Issue un e .
" Ef-eeeeeeeeem! Bumaba ka dito , May Bisita tayo " sigaw ni mama, Sa Bahay na kase ako natulog kagabi, Pagkatapos kong Kumuha ng Damit sa Condo. Namiss ko kase tong Bahay.
Agad agad nako bumaba .
" Anak Mag ayos ka nga ng Buhok mo "
Sabi ni Mama. Nagsuklay naman ako ng Buhok ko gamit ung Kamay ko." Ma tara na kain na tayo , Nagugutom nako " sabi ko kay mama , nagugutom na kase ako. Kagabi pako hindi kumakain.
" Anak mag mano ka naman sa Ninang mo , Bagong Lipat sila dito , Kapitbahay naten sila . Magkatapat pa nga kayong Bintana ng Anak niya e , hahahaha! " Sabi ni Mama ng Tuwang tuwa.
" Oo nga Mare e, hahaha sakto talaga! , Oh anak tara na dito ! " Nagmano nako sa Ninang ko . Namiss ko siya sobra. Hinug ko siya .
" Ninang Namissssss kitaa hays . " Grabe namiss ko si Ninang.
" Ang Laki laki mo na Ef-ef " Hays hinug rin ako ni Ninang.
Pagkatapos ay naupo nako , Nagsandok nako kase gutom na gutom na talaga ko . Sarap pa naman ng Ulam. Bacon, Egg, Omelette , Hotdogs & Pancakes. Yay Favoriteeee! Un kagad ung Kinuha ko.
" Ehem ehem! " Napatingala ako sa Epal na un, Naka Cross Arms siya . Wait What?!
" IKAWBSNSBSM?! " Bulol bulol na sabi ko, namumwalan kase ako. Gutom na talaga ko.
" Anak umayos ka nga , haha! " Sabi ni mama , kase naman e Bakit andito yan. Ibigsabihin kaya niya sinabi saken na pakukulong niya ko kase Pulis din ang NINANG ko? ohmygosh! I didn't know na magpulis pala si Ninang. Bata pa kase ako nung Nagpunta siyang Ibang Bansa .
Namiss ko na nga ung Kababata ko e , Asan na kaya siya . hays .
" Iha , Anak ng Ninang mo . Si Au-au (basa po diyan ay O-o parang Oo lang ) Ang kababata mo . " Napanganga lang ako. Omfg, This is Can't be .
" Au-au ? "
" Ef-ef ? " Sabay naming sabi. tas naghiwalay na ung mga tingin namin sa mata . parang akward. hays .Habang Kumakain kami ay tawa sila ng tawa at tingin ng tingin sakin.
" What? " Tinanong ko sila . " May dumi bako sa mukha ? " Umiling lang sila , Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko . Pagkatapos kumain ay nagpaalam nako dahil magkwekwentuhan pa sila at ayaw ko ng makisali pa don.
Hanggang ngayon ay Tawa parin sila ng Tawa saken hanggang paakyat ako.
Pagakyat ko , Humarap ako sa salamin at may Panis na Laway pala ko sa Pisnge.
" Shocks! " bulong ko sasarili. Nakakahiya kay Ninang at kay Au-au. mygosh!
" Ahhhhhhhhhhh!! " napatili na lang ako sa Hiya na may halong inis. Mas lalong Lumakas ung Tawa nila at Rinig na Rinig mula baba. Hindi man lang sinabi saken ni Mama . ugh.
Dahil sa Sobrang Kahihiyan , Naligo nako . Dahil Magshoshopping nako para sa New Clothes ko. Dahil Pasukan na Next Week. kaka Graduate ko lang ng High School , Naging Valedictorian ako. Ngayong College nako, Mas Mahihirapan ako lalo neto.
Pagkatapos kong Maligo , Nagbihis nako ng , Black Skirt and White Crop Top. And my Flat Shoes . Pagkatapos nag ayos nako ng Buhok at Naglagay ng kaunting Make Up .
Ng bumaba ako , Nandoon parin si Ninang .
" Ma , Ninang alis po muna ko " Pagpapaalam ko sa kanila , Nagbeso beso pa kami ni Ninang . Nagkatinginan kame ni Au-au , Pero inalis niya kagad ung Tingin niya saken.
Nginitian ko na lang sila, Saka Umalis na .
Sumakay nako sa Sasakyan ko at Pinaharuruot ito ng Mabilis. Agad agad naman ako nakarating sa Mall pumunta ko kagad sa Forever 21 at Bumili na ng mga Damit. pagkatapos ay Sa H&M at Topshop naman .
Pagkatapos kong Mamili , Inenjoy ko ang Sarili ko sa Pagtingin tingin na lang, Naka ramdam ako ng Gutom kaya Pumunta na lang muna ko sa Starbucks para mag meryenda .
Kaso ng Papasok nako , May nakita akong Halimaw! ay este ung Kaibigan ko pala .
" Best ! " And eto nanaman , makasigaw at makayakap saken wagas . Nakakahiya sa mga tao. Kalog talaga to, Pero syempre mahal na mahal ko yan.
" Ano ba Bestie Nakakahiya sa mga Tao, Tara na nga. Umorder na tayo " Hinila ko na siya kase nakakahiya talaga sa mga Tao.
" Uy Best Dalawang Araw kana hindi nagparamdam , Namiss kita . Dahil diyan Libre Moko. " Pacute pa jusko. Kahit kelan talaga to.
" Oo na , Namiss rin kita . ano ba gusto mo? " Tanong ko sa kanya.
" Kahit ano na lang Best, Basta ung Masarap, Hahaha! " Lokaret talaga to.
Ay siya nga pala ang Kaibigan ko si Gladys Anne Santos . Maganda , Mabait , Matalino, May pagka Kalog pero mabait yan, Saka Masarap Kasama. 19 years lang din siya , At Pinsan ko rin Siya. kaya naman talaga Super Close na Close kame.
" What's your order ma'am? " tanong saken nung babae.
" Uhm Isa pong Coffee Jelly , And Green Tea parehas pong Grande , Thankyou. " Sabi ko dun sa Babae .
" 380 po lahat ma'am " Binigay ko na sa kanya ung Bayad.
Hinihintay na lang namen ung Order namen at Umalis na kame ni Gladys, Sumabay na rin siya dahil magkatapat naman ang mga bahay namen saka Nagshopping rin pala siya para sa mga Isusuot niya sa Pasukan ngayon.
Mayaman naman sila, kaso ang balita raw , Unti unting nalulugi ang Company nila.
" Ay best kamusta nga pala ung Company niyo? " sabi ko dito at lumungkot naman ang mukha neto, hindi na siya sumagot hanggang sa makarating kame sa bahay nila .
" Best Sorry dun sa nasabi ko ha " sabi ko dito na humihingi na Paumanhin.
" Haha ano kaba , okay lang. Pagod lang to kaya siguro hindi ako naka sagot sayo kanina . " sabi neto na tatawa tawa pero alam kong Malungkot ito .
Pagkatapos ko siyang ihatid ay Dumaretso nako sa Condo.
Pagkabukas ko ng Pintuan ay Binagsak ko na lang ang Mga Paper Bags na dala ko at Nagshower na , Nagusot ang ng Sando and Shorts with Long Black Socks. Ganon talaga ko Matulog, may ka artehan pa . Ari Grande lang ang peg.
Nung nakahiga nako, nakabukas pala ang Macbook ko at Nakita ang Picture ng Paris. naka wallpaper eto saken .
" See you on thursday Paris " Hindi ko na namalayan at naipikit ko na ang mata ko at nakatulog na .
------------------------------------
Vote & Comment guys! Please Support my Stories. Abangan ang mga mangyayari...... Sorry for the short chap.

BINABASA MO ANG
Take Me Away [ On-Going ]
Novela Juvenil" All i want to do is to Travel, But i didn't noticed that my feelings for you was flying to your heart , My feelings for you was traveling "