Chapter V - Just like old times

1.5K 23 4
                                    

"Mika quotang quota ka na ah?" pabirong sinabi ni Cienne habang nagwawarm up kami sa gym, at syempre si Ara partner ko :">

"kulang pa nga eh" sagot ko habang tinutulungan akong magstretch ni Arababes hehe

natawa ako sa reaction ni Cienne sa sinabi ko sabay irap at bato ng bola sa mukha ko buti nalang nasalo ko haha.

"Araaaaaaa" pacute kong sinabi sabay hatak sa kanya para yakapin ko, ngumiti lang siya at niyakap din ako. :">

"landeeeeeeeeeeeeeeeeeeee" sigaw ni Cienne sa background at nagtawanan lang sila

"inggit ka lang wala kang lablyf" sigaw ko rin sabay belat

"ooooh BURN" sinabi ni ate Kim sabay hinabol siya ni Cienne para sabunutan.

sabay naring nakipagharutan ang mga rookies sa amin, para kaming mga batang nakawala, imbis na nageensayo eh naghaharutan kaming lahat.

biglang lumundag si Cienne sa likod ko at nagpiggy back ride siya, inangat niya ang kamay niya na parang airplane at tinakbo ko siya paikot ikot sa court.

sa sobrang harot namin di namin napansin na dumating na si coach

mukhang mainit ang ulo nito, lagot -__-

"Circuit, ngayon na! walang titigil hanggat di pagod!"

"ugh" bulong ko, napatingin naman si coach kaya nagumpisa na ko bigla.

This is gonna be a looooooooooong day.

"Cams.. tuhod ko huhu.." nanghihinang sinabi ni Cienne

"wag kang maingay pahinga na muna tayo, nanginginig pa buong katawan ko" sagot ni Camille habang hinihingal

Nakahiga kami ngayon sa court, katatapos lang ng training, sobrang pagod naming lahat hindi kami makatayo.

"ayoko ng mabuhaaaaaaay" reklamo ko, sabay punas ng pawis ko sa mukha, pinagmasdan ko mga teammate ko, kundi nakahiga ay naguungutan sa pagod.

hinihintay ko si Ara bumalik dahil kumuha siya ng tubig kasama si mom Aby at ate Kim.

"wag muna, pakakasalan pa kita.." nagulat ako at napatingin kay Ara habang papalapit siya sa akin :"> enebenemenyen sabay abot saakin ng tubig.

Nakatingin lang ako sa kanya, umupo ako at habang umiinom ako ng tubig ay hindi maalis ang ngiti sa aking mukha.

:">

Napatingin siya sakin habang tinititigan ko siya, inalis ko agad ang tingin ko sa kanya at kunyari'y minamasahe ko ang tuhod ko. Di ko naman napigilan at napatingin ulit ako sa kanya, ayun na hypnotize na naman ako sa smile niya, enebe Mika tunaw ka nanaman :">

tinakpan ko nalang ang mukha niya ng kamay ko, haha bakit ba, lusaw na ko eh.

nagpahinga kami pagkatapos, pinunasan ni Ara pawis ko at ganun din ginawa ko sa kanya, nagshower nadin kami (magkahiwalay syempre.. -__- :p) dahil nag aya si ate Kim kumain, sino ba naman ako para tumanggi? Mehehe.

kasalukuyan ko ng inuubos ang pangalawang burger ko ng biglang nagtanong si ate Kim kung anong oras na, keme lang ako habang kumakain.

"quarter to 5 na te Kim" sagot ni Cienne. Sinubuan ako ni Ara ng fries. Sinubuan ko din siya, haha.

"awts, may gagawin pa pala ako.. ugh nu ba yan -__-" sagot ni ate Kim at nag ligpit na siya para mauna "una na ko ah? Punta pa ko library huhu yung report ko"

"sabay na ko te Kim! May ibabalik ako sa library eh" sabi ni Camille, kumaway nalang kami sa kanila at sabay na silang umalis, ako naman inuubos ko yung fries ni Cienne hehe :p

Still into youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon