Scene 1: Makikita ang karatulang Sitio Million Star Village. Sa likod ng karatula ay bubulantad ang maruming paligid ng Sitio at ang malaking imbakan ng basura. Isang batang hubo't hubad ang maglalakad sa harap ng bahay nina Florsy. Magbubukas ang bintana sa bahay at makikita ang bumubungad mula sa loob na si Florsy. Tatanawin niya ang buong lugar habang pataas pa ang araw.
Umaga. Nag-iingay na ang mga manok sa buong paligid ng Sitio Million Star malapit sa pinakamalaking tambakan ng basura sa syudad ng Cebu. Ang araw na iyon ay hindi ordinaryong umaga para kay Florsy, 25 anyos at kasama pa ring namumuhay ang kanyang ama't ina.
Scene 2: Bababa si Florsy galing sa kanyang kwarto at didiretso sa kusina upang tingnan kung ano ang handa para sa umagahan. Makikita ang isang takip sa ibabaw ng misa na may nakatagong plato na walang laman. Ngingiwi-ngiwi si Florsy at agad na pumunta sa likod ng bahay.
Bubukas ang pinto. Bubulantad sina Aling Dolores at Mang Tado na abala sa paghihiwalay ng mga bakal at plastic mula sa mga sako.
Florsy
Nay! Kapag hindi ako makakain ng umagahan tiyak na hindi ako makakapasa sa aking interview mamaya.Aling Dolores
Kung marunong ka lang sanang maghanda para sa iyong sarili tiyak din na makakakain ka!Florsy
Eh nay, maliligo pa ko ako, magbibihis, mag-sisipilyo pa tapos titingnan ko pa ang sarili ko sa salamin, aayusin ko pa ang buhok ko...in short,wala po akong time for preparing for breakfest. Sige na naman po nay, please?Aling Dolores
Huwag mo akong ma plis-plis Florsy. Mas dapat mo ngang plis-plisin ang mga basurang ito dahil kung hindi kami kakayod ng ama mo, tiyak na hindi ka makakakain sa umaga, hapon, gabi at pati na rin ang iyong midnight snack!Mang Tado
Itigil niyo na ang bangayan niyo! Dahil tiyak akong walang patutunguhan iyan. AKo na lang ang maghahanda, ok?Florsy
Ang swerte-swerte ko talaga sa iyo tay, tiyak...Hindi pa natapos ni Florsy ang kanyang sasabihin nang biglang ipinahid ng kanyang ama ang marumi nitong kamay sa kanyang bibig. Tumalikod si Mang Tado at pumasok sa bahay papunta sa kusina.
Bagama't nag-iisa lang siyang anak ni Aling Dolores at Mang Tado, naging salat pa rin ang kanilang pamumuhay dahil sa walang pinag-aralan at disenting trabaho ang mag-asawa. Sa basura lang sila umaasa sa mga pang-araw-araw nilang gastusin. Gayunpaman hindi sila nagkulang sa pag-aalaga at pagpapalaki kay Florsy dahil sa katunayan ay napagtapos nila ang anak sa kolehiyo.
Scene 3- Flash Back: Graduation day sa isang pampublikong kolehiyo sa lugar nina Florsy. Isa siya sa maglalakad sa intablado. Tanging ang mga magulang lang niya ang kanyang kasama. Makikita sina Aling Dolores at Mang Tado na maluha-luha at takip ang dalawang palad na nag-aabang na tawagin ang pangalan ng anak. Masikip ang lugar dahil sa dami nga mga taong dumalo.
Makikita na isa-isang umaakyat sa intablado ang mga estudyanteng nagtatapos. Nang tawagin ang pangalan ni Florsy, makikita siyang umaagad-agad na umaakyat sa stage suot ang isang napakaluwang na sapatos na siningitan ng mga papel upang maging sakto sa kanyang mga papa. Magulo ang mga buhok ni Florsy, hindi rin pantay ang kanyang lipstick sa kanyang labi at halatang kinagabahan.
Speaker ng programa
Illustrisimo, Florsy G. , Kalayaan, Jona S., Kapayapaan, Rhena B, Kapapanganaklang Ayrah Rose Z., Kasuklamsuklam, Maria Leonora Daisy Stephanie Gwendolyn R.,Biglang mahihimatay ang speaker at ang mga katabi niya ay magkakagulo upang siyay tulungan. Hindi hihinto ang musikang tumutugtog. Magpapatuloy sa paglalakad ang mga estudyante sa stage at tinatanggap ang kanilang diploma, maliban kay Florsy na hindi umuusad sa pila.Nakasimangot at halatang na babad-trip ang mga kaklase niya sa kanyang likod.
BINABASA MO ANG
Job Sick: Gaano Ba Kahirap Maghanap Ng Work? (Trash Can Stories/Kwentong Basura)
HumorSome say, after graduating college would be the most confusing and challenging phase in life. Lucky to those who was able to gain a college degree, but what about those below the poverty line? Are they of the same footing and chances in landing a be...