Alas Dose na nang tanghali nang bumangon si Karylle at bumaba para sana kumain. Nadatnan niya ang ama sa kusina na may kasamang dalawang Babae. Yung isa dalaga at yung isa bata. "Hi anak" Nakangiting bati ni Dr. Modesto
Isang tango lamang ang itinugon ni Karylle bago kumuha ng juice sa ref. "Karylle, Ahm. Si Coleen nga pala at si Xia" panimula ng ama.
"Hi po" sabay na bati ng dalawa na halatang natatakot sakanya.
"Mga Kapatid mo" dagdag ni Dr. Modesto na halatang kinakabahan sa Magiging reaction ng anak. Ngunit Karylle as Karylle, Walang emosyon o reaction ang mukha niya.
"Okay" tipid nitong sabi habang nanatiling blanko ang emosyon. Walang paalam niyang nilisan ang kusina .
"Hindi ka Kakain?" pahabol ni Dr. Modesto ngunit hindi na siya nilingon ni Karylle.
Bumalik si Karylle sa kanyang kwarto at umupo sa kama. Hindi niya alam ang tungkol kila Xia at Coleen, Ngayon lang niya nalaman na may mga Kapatid pala siya sa ama. Pero, Tila nakamamatay para sakanya ang magpakita ng emosyon o reaction dahil nanatili siyang blanko na tila ba walang pakealam.
Nadako nalang ang kanyang paningin sa librong binigay ni Vice sakanya, Inabot niya ito at binasa ang title. "Dear Mr. Dj"
"Tsssss! Daming alam" she said at saka muling ibinalik ang libro sa bedside table .
Dahil Maaga pa para gumala ay binuksan ni Karylle ang laptop niya. Nagbrowse siya sa Facebook at bumungad sakanya ang isang post.
Zsazsa Padilla
3 hours ago
See you PhilippinesKalakip ng post na yon ay ang picture ng ina na nasa airport kasama ang kanyang kuya Billy. Gaya kanina, Nanatili lang siyang Walang emosyon.
She closed her laptop at saka natulog nalang. Bagamat dalawang surpresa ang bumungad sakanya, Wala pa rin siyang pakealam.
Alas 7 na nang muli siyang nagising, Agad siyang naligo at nagbihis. Dahil Hindi siya nakapaglunch at nakapagbreakfast ay ramdam niya ang gutom pero gaya kanina agad na naman siyang nawalan ng gana dahil nagkwewentuhan sa sala ang kanyang 'KAPATID' daw kasama ang daddy nila.
"Karylle, come join us" Aya ng daddy niya.
Tinapunan lang ng Isang tingin ni Karylle ang kanyang ama bago lumabas ng Bahay. Hindi niya alam kung San pupunta nais niya lang magpakalayo layo .
Habang nasa gitna nang daan, Biglang nanggigil si Karylle at binilisan nang binilisan ang pagmamaneho hanggang sa tuluyang nabangga ang sasakyan sa puno.
.
.
"Hoy! Anong ginagawa mo Jan?" Natatawang bungad ni Vice
Kasalukuyan siyang nakakulong, Nakaupo siya sa floor habang nagce cellphone na tila ba wala talagang pakealam sa mga nangyayari.
"Ako na Pinapunta ng daddy mo, Hindi raw kasi niya pwedeng iwan yung mag bisita niyo" paliwanang ni Vice
"I know" balankong sambit ng dalaga
"Nakakaloka! Sana sinabi mo nalang sakin ng mas maaga na mangyayari to para sana dito nalang ako dumeretso at Hindi sa Bahay niyo, Sayang yung gasolina" pagkukuripot ni Vice
Hindi na muling Sumagot pa si Karylle. Vice settled everything kaya agad naabswelto si Karylle.
Dahil may programa pa si Vice, Pagkatapos niyang ihatid ang dalaga ay agad siyang Nagtungo sa Radio Station.
.
10:00 pm, Nang matapos ang program ni Vice. Nag-aayos na siya nang gamit nang biglang nagring ang kanyang telepono. It's Dr. Modesto, Asking a favor again . Pinapahanap niya si Karylle dahil tumakas na naman daw ito.
Kahit pagod ay sumang ayon nalang si Vice dahil parte yon ng kanyang misyon . Hindi niya pa maisasakatuparan ang tuluyang pagpapatino sa dalaga dahil kailangan muna nitong basahin yung libro niya.
He tried dialling her number pero out of coverage ito. Hindi alam ni Vice kung saan hahanapin ang dalaga lalo na't umuulan, "Tsss! Napakagala kasi"
Sa gitna nang daan, May isang kotse ang nakaparada at isang babaeng nakaupo sa kalsada habang nababasa ng ulan. Tila ba wala itong pakealam.
Agad nakilala ni Vice ang Babae, It's Karylle. Agad niyang kinuha ang kanyang payong at saka bumaba, "Hoy! Bakit ka dito nakaupo? As far as I know, May sofa naman kayo sa bahay." Wika ni Vice at saka pinayungan ang Walang emosyong si Karylle. "iuuwi na kita" dagdag pa ni Bakla while offering his hands to her para sana tulungan siyang tumayo.
Tinitigan lang ni Karylle ang kamay na nakalahad sakanya, "Don't be afraid to hold someone's hand again" makahulugang sambit ni Vice
Ang tingin ni Karylle ay pumunta sa Mata niya kaya nginitian niya ito dahil Hindi pa tinatanggap ni Karylle ang kanyang kamay ay siya na mismo ang humawak sa kamay ng dalaga at pinatayo ito. Akmang ihahatid ni Vice ang dalaga sa sasakyan nito nang, "naubusan ng gasolina. Tsk !"
"Bakit ba ang sungit sungit mo? Pagkakaalam ko, Hindi naman araw araw ang dalaw NATIN" pabaklang puna ni Vice sa kasungitan ng dalaga. "Ipapakuha nalang natin yang sasakyan. Tara na"Sa sasakyan ay Kapansin pansin ang panginginig ng dalaga na sinabayan pa ng ubo dahil doon ay binilisan ni Vice ang pagmamaneho.
Nang makarating sa Bahay nila Karylle, Halata rin ang panghihina ni Karylle kaya naman kinuha ni Vice Ang kamay ng dalaga at inakbay sakanya habang siya ay nakahawak naman sa bewang nito. Dinala niya ang dalaga sa kwarto nito at Hindi alam ang gagawin.
Dahil basa ang buong katawan ni Karylle at nanghihina na ito, Tinawag ni Vice ang isang kasambahay upang bihisan siya. Nang matapos ay nagpakuha si Vice ng Luke warm water at inisponge bath ang dalaga. Bagamat nanghihina ay nagawa pa ring titigan ni Karylle si Vice .
"You don't have to do this" nanghihinang sambit ni Karylle
"shhhhhh! Quiet woman" saway nito. Nang matapos sa ginagawa ay pansamantala siyang Bumaba at nagtungo sa kusina. Naabutan niya doon ang isang maid na si manang Rose na hinahalo ang lugaw na niluluto.
"Buti nan jan ka" Nakangiting wika ng matanda
"Si Dr. Modesto po?"
"lumabas siya hijo-"
"Hija po" pagtatama ni Vice kaya naman Tumawa ang matanda
"Umalis sila kanina"
"Tanong ko lang po Bakit ang lalim ng pinanggagalingan ng kakaibang damdamin ni Karylle? Para kasing Hindi lang dala ng pagka broken hearted niya iyon?"
Halos 25 years na si manang Rose na naninilbihan sa mansion ng Tatlonghari, kaya saksi siya sa mga kaganapan noon. Kwinento ng matanda lahat kay Vice at doon mas lalong naintindihan ni Karylle ang lahat.
"So, Nagpatong patong lahat ng sakit, pait at galit sa puso niya" nalulungkot na sambit ni Vice, "Kaya pala para siyang pinatubong bato"
Nang maluto ang lugaw ay muling bumalik si Vice sa kwarto ni Karylle. Hindi pa naman natutulog si Karylle kaya umupo siya sa kama nito at inayos ang unan, "Kumain ka"
Dala na rin ng gutom ay sumunod nalang si Karylle, Sumandal siya sa unan na inayos ni Vice, "why are you still here? Hindi naman kita Yaya"
"I'm here coz someone needs me" tugon ni Vice na hinihipan ang lugaw bago isubo sa dalaga
"Ganito ba talaga trabaho mo?"
"Hindi, Sayo ko lang to ginawa kaya mapalad ka. Ang Ganda ng nagpapakain sayo ngayon"
"tsk! Feeler"
Matapos kumain ay kinumutan na ni Vice ang dalaga, "Tulog ka na gurl"
.
.
Kinaumagahan...
Alas 6 palang nang magising si Karylle, Naupo siya sa kama nang mapansing may nakahiga sa kanyang sofa. "Binantayan ba 'ko nito?" tanong niya sa sarili.
Muling nadako ang kanyang paningin sa libro, Kinuha niya iyon at inalis ang naka cover. Hindi niya alam if she's going to read it at pagbigyan ang baklang nag alaga sakanya na kasalukuyang natutulog sa sofa.
Itutuloy.
Huhugot muna ako sa next Chapter. :)
BINABASA MO ANG
Dear Mr. DJ |ViceRylle Story|
Romance"Ika nga, "The Greatest Kind Of Love Is the Kind of Love That Remains and Continues Even After Goodbyes. -VG" Ang kwento natin ngayon ay tumutukoy na ang Totoong Pag-ibig, Walang pinipiling kasarian. Basta Mahal mo, You'll going to take the risk...