chapter two:

279 16 2
                                    

Shan's POV:

"any problem mr. Gomez?" tanong ko pero nice talking sya eh hindi nya sinagot instead, lumapit sya sakin then,..

what the HECK?! he pinched my oh so cute little nose, ouchy!!

"hey!!" sigaw ko sabay tabig ng kamay nyang nakaipit pa rin sa ilong ko.

"ang ganda mo talaga" he just said it from nowhere.. grrr! he's very annoying.. napa ayos ako ng upo, dahil nakatingin na samin lahat ng tao dito sa auditorium..

"if you don't mind mr. Gomez, pwedeng lumabas ka muna, dahil marami pang mag-o-audition" pagdeadma ko sa sinabi nya. pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. ayaw ko kasing pabigla bigla at baka sumabog na lang ako bigla at kung anu ano pa ang masabi ko.  council president pa naman ako.

"okay" tipid nyang sagot at naglakad na papuntang pintuan nitong mini-auditorium. pero bago sya tuluyang lumabas "goodbye to our most beautiful council president *winked*"

Nathan's POV:

"goodbye to our most beautiful council president" pagkasabi ko nun, I winked at her then sinara ko na yung pinto. rinig ko pa nga kantyawan at tilian nila sa loob. pero mas rinig ko ang sigaw ni ms. president ng ganito

"will you shut your mouth up??!" halatang gigil na gigil eh. hahahaha! anyway ako nga pala si Nathan Gomez, also known as mr. Bully sa dati kong school at wala akong balak tanggalin ang title kong yun. so much for that.. nakita ko ang bestbudd ko, si Ian Fajardo. lumapit ako sakanya ng may ngiti sa labi.

"oh tol! ano yang ngiting yan?" pag uusi nito. may lahing tsismoso talaga to.

"wala, naaaliw lang ako sa council president ng school" then di ko maiwasang mapa chuckle pag naalala ko ang mga nangyari kanina at mga reactions nila. halatang gigil na gigil sya eh. hahaha priceless.

"woah! woah! woah! tol, wag mong sabihing--" pinutol ko na ang kung anumang sasabihin nya

"wala akong gusto sakanya okay?" alam ko na takbo ng utak nito eh, malisyoso maysado. umaalingasaw. haha

"okay, okay" sabi nito na tila sumusuko at nakataas pa ang dalawang kamay "akala ko naka move on ka na mula sa first love and first heartbreak mo eh" dugtong nya na nagpatahimik sakin. "oops! pasensya na tol! di ko napigilan bibig ko" mukhang kinakabahan pa ang loko sa magiging reaksyon ko. ngumiti lang ako ng pilit tsaka sabing

"okay lang. tara!" sabay tapik sa balikat nya. habang naglalakad kami nakita ko ang unang babaeng nagpatibok sa puso ko at una ring pumatay nito. actually dito sya nag aaral kaya nga dito rin ako sa Shin Hye University nag aaral dahil sakanya. may dala syang cake. humarang sya  sa dinaraanan ko at itinapat ang cake sakin. may nakasulat na 'sorry, let me explain please? '

pero nilagpasan ko lang sya. habang naglalakad ako palayo sakanya unti-unting bumabalik ang lahat ng nangyari nang gabing yun..

[flashback]

"tol! dali, excited na ako..! mga chicka babes!! here I come,..!" sigaw,ni Ian habang papasok sa **** Bar. Hiyang hiya na ako dito dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao, baka sabihin nilang mga first timer kami.  ang sarap tuloy sabihing 'ooops, di ko yan kilala. di ko sya kasama'. hahaha!

kaya kami andito para magbonding ng bestbudd ko. habang umiinom ako, pinapanood ko lang si Ian na sumayaw kasama ang iba't ibang babae. Naramdanman kong medyo nahihilo na ako kaya pumunta muna ako sa comfort room upang maghilamos, para naman mawala ang pagkahilo ko kahit konti. paglabas ko sa cr nagulat ako sa tumambad sa harap ko. si Fiona, ang girlfriend ko na may kahalikang ibang lalake. hinila ko si Fiona at sinuntok naman yung gag*ng kahalikan nya.

"g*go ka! ano? masarap ba ang girlfriend ko ha?!" sigaw ko sa hinayupak na katukaan ng girlfriend ko. tumakbo naman agad palayo yung lalake kaya binalingan ko naman si Fiona na tila gulat na gulat pa rin.

"at ikaw? nag enjoy ka ba ha?!" di sya umimik "hay*p! putcha naman Fiona!!" halatang nanggigigil ako. gusto ko syang saktan pero di ko magawa, dahil sakabila ng nangyari mahal ko pa rin sya. tumalikod na ako at naglakad na palayo. pero hinabol nya ako.

"Nathan, Wait!!" humarang sya sa harap ko "let me explain, ganito kasi yan.. ah eh lasing ako, and I thought he was you. yun nga. I'm sorry, please forgive me" pagmamakaawa nya "di ko sinasadya" duon nagpantig ang tenga ko

"di sinasadya?! pero kung makipaghalikan ka sakanya kulang na lang lunukin mo ang mga labi nya dahil parang pagkain lang yun para sayo!!" sigaw ko, napahagulgol naman sya

"sorry, lasing ako, please maniwala ka naman" paliwanag nya pero nilagpasan ko na lang sya. di ako naniniwalang lasing sya. dahil kung totoong lasing sya di na sya makakatayo ng ganun katuwid. ansakit para sakin. sobra..

[after two weeks]

dalawang linggo na ang nakakalipas ng mangyari ang di ko di ko inasahan, at dalawang linggo na rin akong hindi pumapasok kaya naisip kong pumasok ngayon. kahit naman bully ako eh grade concious pa rin.

habang naglalakad ako sa hallway may nakita akong lalake, sobrang familliar. kaya pagkalapit ko sakanya ay sinuntok ko agad sya ng malakas dahilan para matumba sya. Sya lang naman ang lalakeng kaharutan ng girlfriend ko. or should I say ex-girlfriend. pumaibabaw ako sakanya at pinagsusuntok sya. pagkatapos ko syang bugbugin, nawalan na sya ng malay. kaya hayun, tinakbo sya sa hospital. maraming umawat kanina sakin,pero di nila ako kaya tsaka di naman ako magpapapigil. deretso dean's office ako at na expelled dahil muntik ko na daw syang mapatay. hahaha! buti nga  sakanya. sayang di pa natuluyan, sabagay matagal nga namang mamatay ang masamang damo. napili kong pasukan ang Shin hye University, kung saan nag aaral si Fiona. pinili ko yun dahil gusto kong mag higanti. gusto kong iparanas sakanya ang masaktan. gusto kong ipamukha sakanya na di sya kawalan. na kahit magsalubong ang mga landas namin ay hindi na ako maaapektohan. na naka move on na ako. pero sa totoo lang mahal ko pa rin sya. mahal na mahal.

[end of flashback]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Bully meets Ms. Council President (the rules to be follow)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon