Chapter 1

18 4 0
                                    

No. I can't

"Sissss!!!" Tili yan ng mga kaibigan ko pagka kita nila sakin. Grabe lang parang ten years lang ano? Ganyan sila kung maka arte eh , if I know MEMA lang (MEMASabe). Yinakap nila akong tatlo ng makalapit na ako ng husto sa kanila.

"Miss you sis!"

"Ang ganda mo lalo!"

"Namiss mo ba kami? Nako marami akong chika girl ! Ay jusko alam na!"

At sabay sabay talaga silang nagsalita! In chorus? So, may naintindihan ako? Galing kasi kami sa bakasyon dahil may event sa school namin noon ng one week pagkatapos naman ng event ay bumagyo ng hindi inaasahan kaya bonggang bongga ang bakasyon namin. Bukod sa wala kaming paper works ay wala pang exams na sasalubong samin ngayon. Oh diba? Tiba tiba!

"Sandale!! Isa isa lang! Aapat na nga lang tayo hindi pa tayo nagkakaintindihan! Isa isa lang!" Dada ko na itinaas ko pa ang dalawa kong kamay para awatin sana sila pero......

"Ay grabe siya oh? Nagbago? Bumagyo lang? Wag kang ganyan ELLEN!" Singhal ni Jen

"Oo nga!" Irap naman ni Shen

"Ay meron kana no? Mas nauna ka kesa sakin ngayon ah? Nako .. Nako! Sinira mo nanaman ang cycle naten!!" Tinuro turo pa ako ng baliw na si Khen. Napaka dada talaga nila, well, namin. Kahit anong sabihin mo hindi ka mananalo sa kanila.

"What?? Teka! Anong Ellen?? Ellen Adarna? Ok entry yan sorry na haha. At anong meron ako? Wala! Wala pa i mean." Hininaan ko ang panghuli kong sinabi. Siyempre madami kayang tao dito? Tssk!

"Good!! Ok pa ang cycle!" Sabi ni Khen na tumatawa pa. Punyeta! Haha

"Oryt. Oryt! Just shut it up! Ano ba girls. Tara na nga muna sa room ang ingay ingay na natin!" Yaya ko sa kanila at nagsimulang maglakad. Laking pasalamat ko at tumango at sumunod naman sila.

Si Jenicca Cruz ay madada, masalita as in! Magaling sumayaw, walang boyfriend pero may ka M.U! Si Sheniah Ibañes naman ay studious, madada din pero minsan lang at maliit (cute). Tapos si Khenlly Monfort ay bungisngis pero tahimik din huh?. Magaling sa Math, wala ding boyfriend kaka break lang din. They are my friends, mga walanjo! I'm Rissey Ellen Fillart. My friends call me Ellen or Len kasi ayaw daw nila ng Rissey parang Rising daw! Mga bastos! At para daw pare-pareho kami ng ending sa mga pangalan namin, JEN, SHEN, KHEN, LEN. EN EN yan at naging ENGOT nga kami buset!

Habang naglalakad kami papuntang room ay madami paring napapatingin samin. Ewan ko lang kung dahil sa mukha namin o sa damit o sa iba pang bagay na alam nila sa amin. Wala akong pakealam dahil hindi ko naman sila inaano except kung may nang aano samin. Basta alam niyo na yun! At alam kong hindi naman kami pahuhuli sa mga babae dito sa campus. Alam ko o alam namin na may angking kagandahan naman kami kahit konti lang atleast meron diba? Pero masasabi ko namang hindi kami ganon ka panget para ma "lang" lang kami. Gets niyo? Kahit na pangit pa kami walang dapat na umaapi samin. No.never. that's an order!

"O.M.G!" O.A na react ni Jen sabay tingin sa dadaanan namin. Napatingin naman kami sa kung saan siya nakatingin at....
Talagang nag "O" ang bibig ng mga kasama ko at napa kurapkurap naman ako. 'Nyeta!!

"Len! Nandon siya!" Sabi ni Khen pero hindi parin ako makapagsalita.

"'Dun nalang tayo sa hagdanan dumaan" Suhestyon naman ni Shen. Yeah I know iniisip lang niya ako.

"Anong? No. Hindi! "Pigil ni Jen. Pakshet 'tong babae na'to eh palibhasa palaban kaya ganyan yan! "DITO tayo dadaan! Walang dadaan sa hagdanan! Bakit? Kanila ba ito? Shet lang pero hindi! Iparamdam mo na kaya mo na! Na wala kanang pakealam! " pagpapatuloy niya habang nagtataray na animo kami ang kalaban! Pero hindi parin ako naka kibo at na estatwa na sa kinatatayuan.

Tama nga naman si Jen. Ipakita ko dapat na wala na akong pakealam kaso....kaso ang hirap kasi! Tangina lang! Masakit masiyado at hindi ko pa kayang makalapit man lang sa kanya dahil nasasaktan ako. Oo, tama hindi ko pa kaya!

"Ano ba Len! Wag kang bitter!!"yinugyog na niya ako!"wag mong ipakitang siya lang ang nagpapaikot sa mundo mo. Wag mong ipakitang mahina ka! Wag na wag mong ipapakitang mahal mo pa siya!" Malakas ang boses niya pero mahina ang pagka sabi niya sa mga huling salita. I was shocked! Hindi siya ganito magsalita eh, kaya tagos na tagos."Len...i...i'm sorry pero kasi ang gago niya!" Pagsusumamo niya pero agad ding naglaho ng tumingin ulit siya sa banda kung nasaan sila.

I understand her.YES. Pero kasi presko pa sa isipan ko and I'm sorry about it. Sorry I'm weak.

"Chin up Len. Now, let's go!" Aamba siyang hawakan ang kamay ko at lalakad na pero iniiwas ko ito. Nanlaki ang mga mata niya at natigilan naman sina Shen at Khen. Bigo ang kanilang mga mukha nila dahil alam kong naisip na nila itong gagawin ko.

"I'm sorry. No. I can't" deklara ko at tumalikod na ako. Alam ko pagpapakita ito nang kahinaan pero anong magagawa ko? Time heals. Just give me more time please.

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon