Chapter 8

6 2 0
                                    


Akala Mo lang

Nakarating kami sa school ng medyo late na...sa tingin ko pero 'lang ya? Wala pa yung ibang members! Pati si Sir Erick wala pa" tsss.

"Tsss. Filipino time!" Singhal ni Ronron.

"Ka banas nga eh! 'San na kaya yung mga bruhang yun?" Patungkol ko sa mga MABUBUTI kong kaibigan.

"O'nga? San sila? " tanong ni kuya.

Tinext ko nalang sila na nandito na ako at kung nasaan na sila. Binalingan ko si Ronron na ngayon ay panay na ang kain. Si kuya naman ay busy sa kanyang cellphone.

"Kuya!" Tawag pansin ko sa kanya. "Wala ba kayong pupuntahan? I mean, lakad? You know?"

"Wala. Dito nalang kami ni Ron." Sagot niya habang pinapatay ata ang kanyang cellphone.

"You mean hihintayin niyo ko?" Tanong ko.

"Yes ate! Tapos mall tayo later." Sagot naman ni Ron. Tumango lang ako. Na excite ako dahil sa mall na yan. Pero nasaan na yung mga lukaret na yon? Tsk!

"Ron may pantawag ka?" Tanong ko kay bunso.

"Wala. Hindi ako nagloload. Haha"

"Bakit?" Tanong ni kuya.

"Tatawagan ko sana si Jen. Wala pa kasi sila. Wala akong pantawag."

"Oh" sabay abot niya sa kanyang Cellphone.

Ni type at dial ko kaagad ang numero ni Jen. Naka save! Then I remembered, na save ko na pala dati.

"Hello, kuya Riley?" Maingat na sagot ni Jen sa linya. Baliw! Haha

"Baliw! Si Ellen 'toh san na ba kayo?"

"Ay! Taena! Kala ko kuya mo buset ka!!" Tokis!

"Galit ka na niyan?" Singhal ko. "Hindi ka pa ba pupunta? Ang tagal niyo naman?" Atat kong tanong.

"Eto na nga oh. Bababa na! Tumigil lang ako ng akala kong si Kuya Riley ito buset ka!" Dada pa niya. Seryoso huh?

"Ano ngayon kung si Kuya nga itoh?" Hindi siya nakasagot! Siniko naman ako ni kuya at tinuro kung nasaan itong kausap ko kaya ibinaba ko na.

"Hi girl!" Bati ni Jen ng makalapit na saamin. "Hi kuya Riley, hi Ronron!" Bati rin niya sa mga kapatid ko. Ngumiti lang ang mga ito at nagpatuloy sa pagkain. Kumain naman si kuya kanina ah? Tss.

"Yow! Ba't ang tagal mo?"

"Nakisabay kasi ako kina mommy. Wala kasi yung isang sasakyan namin. Kainis" aniya.

"Ahh.. Sabi ni Khen at Shen pupunta sila. Eh hanggang ngayon wala pa sila!"

"Nakuuu!! Asahan mong mamaya pang tanghali yung mga yon!" Sabi niya!

Napaka dada talaga niya. Yun ang napapansin kong ayaw ni kuya. Yung masiyadong maingay. Kaya napapatingin ako sa kanya kapag magsasalita ang bruha.

"'Len! Kain tayo wala pa naman sila eh" yaya nanaman ni Jen.

"Kumain ako" sagot ko. Umiling din si kuya.

"'Ba yan!!" Angil niya.

"Oh!" Lahad ni kuya sa pagkain nila ni Ron.

"Ha? Hehe. Wag na kuy--"

"Sige na! Busog naman na ako at pati si Ron." Putol ni kuya sa kanya. Hmmmn.

Tumango naman ako at binigay na sa kanya. Siyempre kinain niya. Basta pagkain eh.

Matapos ang ilang minuto ay pumunta na kami ni Jen sa practice area.

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon