SHE RETURNS Part2

20 1 0
                                    

Halos sumabog ang dibdib ni Sheree nang makita nya ang muka nito pero pinilit parin nito ang sarili na hindi si Arisa iyon.

Nagpatuloy sila sa paglalakad pabalik ng room nila para magpahinga.Nang makarating sila ay nanghingi muna sya nang katahimikan sa mga kaibigan.Pumunta ito ng kwarto para mapag isa.

"Matulog na muna tayo,mamaya pagkasikat ng araw ay luluwas din uli tayo pauwi".Rinig nyang boses ng kanyang kasintahan sa labas ng kwarto nya.

Naupo lamang sya sa gilid ng kanyang kama at pinagsaklop ang dalawang kamay.

Naguguluhan sya kung totoo nga bang si Arisa iyon o hinde.Samantalang kakatapon lang nang katawan nito sa ilog kanina.

Nagpakawala sya ng hininga.Masyado na syang napagod sa ginawa nila kanina.Pero kahit ganon paman ay hindi sya nagsisi sa ginawa nilang kasamaan.

Sa totoo lang ay marami na silang nabiktima.Oo.Ilang estudyante na ang napatay nila dahil lang sa pagiging mairitahin ni Sheree.

Ayaw na ayaw nya kasi sa lahat ay iyong umaagaw ng pansin lalo na't siya lang dapat ang pinapansin ng lahat.

Hindi lang sila nakukulong at nabubuko nang school dahil sa kapit nya sa may ari ng school.Sugar daddy nya kasi ang owner ng school kaya pinapalampas lang ito ng school.Pinagtatakpan kumbaga.

Ilang beses na buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan bago sya makatulog.

"Masaya ka na?Masaya ka nang nadispatsa mo ko?" Nakita nya ang namumutlang katawan ng isang babaeng nakaupo sa harapan nya ngunit di nya makita ang mga mata nito.

"Si-sino ka?" Nanginginig nyang tanong.Tinignan nya ito mula ulo hanggang paa.Purong puti ang suot nito.Marami ring pasa sa katawan at mukha.Mukang lubos na sinaktan ang babae.

Nagulat siya ng biglang tumingin sa mata nya ang babae.

"A-arisa?!" Tatayo na sana ito ngunit napag alaman nyang nakatali pala sya sa isang upuan.Kahit ang mga kamay ay di nya maigalaw dahil sa nakatali ito sa likod ng sandalan.

Lubos na takot ang naramdaman nito nang biglang ngumiti si Arisa sa harapan nya.Tumayo ito at pumunta sa likod nya.

Hinawakan ng malamig na dalaga ang mukha nya kaya kinilabutan sya ng husto.Hindi lang nito sobrang lamig napakatigas din nang kamay nito!

Naiyak nalamang sya nang diinan nang dalaga ang pagkakahawak sa muka nya.Hanggang sa bumakat na ang matutulis at mahahaba nitong mga kuko sa makinis nyang kutis!

"Do-don't touch me!Kadiri ka!". Nagpupumiglas nitong sabi ngunit di sya pinakawalan nang dalaga.Mas lalo pa nitong naenjoy dahil sa malakas na sigaw nya.

"Sige sumigaw ka pa.Mas lalo mong pinapalakas ang loob ko para patayin ka!".Nangigigil nitong sabi kay Sheree na ngayo'y umiiyak na sa takot.

Tumawa si Arisa nang sobrang lakas saka sa lumipat sa harap ni Sheree at malapitan itong tinitigan.

Kahit na natatakot ay nauna parin ang pagiging maarte ng babae,diring diri sya nang makita nya ang itsura ni Arisa namumutlang katawan,puro galos at pasa at namumulang mga mata.

"Wag kang lumapit sakin kadiri ka!".Nangigigil ngunit umiiyak na sigaw nito.

Tumawa uli nang pagkalakas lakas ang dalaga at saka lumayo sa kanya.

Ilang hakbang paatras ang ginawa ng dalaga para makalayo sa kanya na dahilan nang paghinga nya nang malalim.

Naglakad lakad si Arisa sa maliit at madilim na kwarto na pinaglulugaran nila tila ay may hinahanap.

Nang makita ang hinahanap at tumingin muli ito sa dalagang nakatali na ngayon ay masama na ang tingin sa kanya saka sya ngumisi.

Hinawakan nang dalaga ang kurtina nitong nahanap saka nya ito bunuksan.Naubusan nang hininga si Sheree nang makita sa loob nang isang maliit na pasilyo ay nandoon ang lahat ng kaibigan nya.Nakatali ang lahat sa iisang lubid at nakabigti.Hinanap nya ang isang taong napakahalaga sa kanya ngunit wala ito sa mga nakatali.

Napatingin sya sa babaeng nakangisi na ngayon sa kanya.Naiyak siyang muli nang lumapit sa kanya ang babae.Wala syang pakialam kung mamatay ang mga kaibigan nya,ang mahalaga ay makaligtas sila ni Kenji.

"Asan si Kenji?!". Matapang nitong turan sa babaeng nakahawak na ngayon sa magkabilang dulo ng sandalang inuupuan nya.

Ngumiti ito saka sya hinatak sa buhok at inikot kasama ang upuan.Kahit sobrang sakit ay di sya uminda nito dahil alam nyang lalakas lalo ang loob ng dalaga na saktan sya.

Pagkaikot ay labis ang gulat nya nang makita ang kasintahan sa sinapit nito.

May usok pang lumalabas sa katawan nito at ang mga mata'y wala na.Puro sugat rin ito sa buong katawan na kaya kita ay dahil nakahubad lamang ito at nakatali sa upuan gaya nya.Maraming malalalim na sugat.Pero ang higit sa lahat nang ikinagulat nya ay wala na itong ari! Nilibot nya ang mata nya sa kwarto at nakitang nasa paahan lang nya ang ari ang nobyo.

Pinulot ni Arisa ang ari saka ito pinitikpitik.May tumatalsik na dugo sa muka nya kaya lalo pa syang nandiri.Nang tumili sya ay saka sinubo ni Arisa sa kanya ang ari na agad nyang nalunok.Tumili muli ito nang maramdamang nalunok na nga niya ito.Nangki-kisay sya sa upuan at ang gulo nang paningin nya.Nang tignan nya muli ang babae ay bigla syang hinampas nito sa mukha na nagpawala nang malay nya.
-----
"Ahhhhhh!" Sigaw nito at bumalikwas nang tayo sa kama.Nilibot nya ang paningin.Nasa kwarto nya parin sya.Walang nagbago.

Umupo sya nang maayos at saka ginulo ang buhok.

Sa lahat nang napatay nila ay kay Arisa lamang sya natakot ng ganito.Hindi nya naranasang bangungutin kailan man.Ngayon lang.

Tumayo sya at lumabas nang kwarto para pumunta sa kusina at uminom ng tubig.Mag aalas-tres palang.Hanggang ngayon ay malakas parin ang kabog ng puso nya dahil sa bangungot.

Umiinom na sya nang biglang may tumili sa labas ng silid nila.Nagmamadali syang lumabas ng silid nila at sinundan ang tili na iyon.

Dinala sya nang ingay sa isang abandonadong banyo ng resort na may nakalagay na 'Do not enter'.Walang kandado ang banyo kaya agad siyang nakapasok.Inisa isa nya ang mga cubicle sa banyo hanggang sa huling cubicle ay nakita nya ang kahindik hindik na itsura nang kaibigan.

"MAELLA!!!" Sigaw nito sa takot.

----***
A/N : Sorry kung matagal akong mag update.Well nakalagay naman sa bio ko na sobrang tagal ko talagang mag update kaya ok lang :)

Well sana po ay maenjoy nyo ang story ko at basahin nyo po :) Vomments are highly appreciated ❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She DIES,She RETURNS,She KILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon