She Dies

57 2 1
                                    

Part 1. She Dies.

"Ahahaha ang panget ang panget!!" Sigawan ng mga batang nakakasalubong ko sa kabilang daan,sa labas ng bahay, sa ilog, o saan pang lugar.Oo panget ako.Eh ano?Dahilan na ba yon para di ako mabuhay ng normal?Para kawawaain ako ng lahat pati ng mga magulang ko?

"Ano ba iyan Arisa?!Napaka walang silbi mo talagang bata ka!Halika dito't sasampalin kita!" Isa nanamang bulyaw ng nanay ko sakin.Sa loob ng isang araw ay nakakatangap ako mula sa kanya ng hindi bababang dalawampung mura.Sa tingin nya kasi ay ako ang sumpa ng pamilya.Ako ang dahilan kung bakit namatay si papa at ang dalawa ko pang kapatid.

"Mas mabuti pang nandito ang tatay mo eh!May nauutusan ako!Di gaya mo napakawalang kwenta mo!Inutil na nga pilay pa!Tignan mo nga yang muka mo nakakasura!Lumayo ka sakin baka samain ka pa!" Minabuti ko nalang na lumayo sa kanya.Oo tipikal.

Umalis ako ng bahay.Bakit?Hahanapin ba nya ko?May pakielam ba sya sakin?Wala naman kaya ayos lang.Kung hindi nga lang sana ako pilay at pangit eh ipagbebenta na nya ang katawan ko para lang sa mga bisyo nya eh.

Pero eto ako ngayon walang pakinabang sa kanya kaya mas minabuti ko nalang na umalis at iwan sya.Mas maganda na rin yun.Di ako masasaktan,Hindi sya mahihirapan.

Ako nga pala si Arisa San Jose labing pitong gulang.Pilay at sunog ang mukha.Dala ng trahedyang nangyari sa pamilya naming dahilan ng pagkamuhi sakin ng nanay ko.

Makalipas ang Limang Taon..

Nandito ako ngayon sa maynila,sa lugar kung saan nakita ako ng may mabuting puso na ginang noong nagpapalaboy laboy ako sa kalsada noong umalis ako ng bahay.Inampon nya ko at pinag-aral.Ngayon ay nasa ikaapat na baitang na ko ng kolehiyo sa kursong Psychology.Malapit nang mag sem break kaya inaayos ko na lahat ng gamit sa locker ko.

"Hey Arisa!You wanna join us?" Tanong nang maganda at mayaman kong kaklase na nagngangalang Sheree.

Inayos ko ang saklay ko at inipit ang buhok ko sa likod ng tenga."Saan?" Tanong ko sa kanila.

"Sa Samar.May Resort kasi kami dun eh.Ive-vacant ko sya pagsumama ka samin." Ngiti pang sabi nya.Tinignan ko ang apat na lalaki at tatlong babaeng nasa likod nya.Nakatingin lang din naman pala sila sakin,yung mga mata nila nagsusumamo na nakatingin sakin.Yung isa pa nga nakadaop palad pa.Pinipilit nila ko sumama.

"Sige na Arisa mage-enjoy ka naman with us eh!" Sabi ni Beatriz na nasa likod nya.Isang pasyonista.

"Promise di ka mao-OP samin!Malay mo maging close pa tayo right?" Dugtong na sabi ni Kenji Boyfriend ni Sheree.

"A-ah ehh nakakahiya kasi.Tsaka baka di ako payagan ni tiya." Yuko kong sabi.

"Don't worry ako na magpapaalam para sayo!" Sabi ni Sheree.Napatingin ako sa kanya.Totoo naba to?Kinakaibigan ako ng mga sikat sa campus?Ako na pangit at pilay?

Hindi na ko tumangi sa alok nila at agad kaming pumunta sa bahay namin.

"Tita Analyn?Pwede po bang isama si Arisa sa vacation namin sa samar tomorrow?Mga three days lang naman po eh pls!" Pababa palang ng hagdan si Tiya ng salubungin sya agad ni Sheree para ipagpaalam ako.Tumingin sakin si tita at tinanong ako.

"Inaaya ka nila?" Tanong nya sakin.Di makapaniwala.

"OMG tita isn't it obvious ba?Gosh akala ko sya lang may kapansanan pati pala tita nya." Iritang bulong ni Beatriz.Agad syang siniko ni Amalia pero umirap lang sya.

"Sorry po tita.Dala lang po ng dalaw."Sabi ni Amalia.Santa ng grupo.

"Ok lang.Sige kung papayag si Arisa ok lang naman." Sabi ni tiya saka ngumiti saakin.

"Payag ka ba Arisa?" Nagmamakaawang muka ni Sheree ang nakita ko ng tanungin nya ko.Syempre dahil sa kagustuhan kong makasundo sila.Um-oo ako.

"Ok!Thank you Arisa! I think we should go na kasi medyo late na eh.Sige kitakits tayo sa mansyon bukas ha?Alam mo naman siguro kung saan bahay namin?"Um-oo ako sa kanya."Sige bye!"

At tuluyan na silang umalis ng bahay.Napaupo ako sa sofa namin at napabuntong hininga.Inilapag ko sa side table yung bag ko pati na ang saklay ko.

"Anak sigurado ka?Baka awayin ka lang nila doon?" Alalang tanong sakin ni tiya ng umupo sya sa tabi ko at hinagod ang likod ko.

"Opo tita.Di naman po siguro masama kung kaibiganin ko sila?"

Narinig kong nagbuntong hininga si tiya at tumayo na sa sofa. "Bahala ka.Basta mag iingat ka ha?Mahirap na pilay ka pa naman."

"Opo tiya." Ang huli kong sabi bago paman din ako tumayo at umakyat na sa kwarto ko upang matulog.

She DIES,She RETURNS,She KILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon