Pagpasok ko ng room namin, nakita ko kaagad si crush na magisa at nakatingin lang sa labas ng bintana na para bang pasan-pasan ang buong mundo.
"Hoy! Mark! Ano na naman ba ang iniisip mo!?"-pasiga kong tanong sa kanya, at umupo sa mesa niya, tutal magkasunod naman kami dito sa last row ng mga upuan.
"Tsk."-sabi niya
"Aba!Ginaganyan mo na ko ah! Bakla ka ba!?"
Hayss gusto kong saksakin ang sarili ko dahil tinanong ko yun. Halata naman na lalaking lalaki siya, sa postura pa nga lang at idagdag mo pa ang napakagwapo niyang mukha. Bad Lea!
"Tingin mo?"-ngisi niya at unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
napalunok ako.
"O..o..oy a-anong g-ginagawa mo???!!" hindi ako makagalaw, Waaaahhh natutunaw ako sa mga mata niyang nakatitig sa akin.Napapikit ako at hinintay ang sunod niyang gagawin.
"Hahahahahaha" tawa niya kaya napadilat ako....grrrrr ginagalit niya talaga ako!!!!
"Bwisettttt!!!!! Go to hell!!!! Mark Unggoy!! ", at nagwalkout ako sa room na namumula ang mukha.. waahhh nakakahiya!!!
At bago ako makalabas ng room, rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga kaklase kong nangangantiyaw sakin.
"I hate him!!!!"...grrrr.