10 Sequence Of Falling

177 16 6
                                    

One Shot - December 2015

1st.

"Uy, bes! Narinig kong pinag uusapan nina Ramon na ikaw daw ang crush ni Ace! Ayiee, ikaw ha. Lumalove life ka na!"

Inirapan ko si Rhaine, ang best friend ko.

"Pake ko kung crush niya ako? Wala pa sa isip ko ang mga ganyan," irap ko.

Araw-araw nila akong tinutukso sa isang taong ang dalang lang ako kausapin. Hindi ko nga alam kung saan nila nakuha ang ideyang gusto ako ng espasol na iyon. Ni hindi nga ako pinapansin, eh.

"Wow! Hindi ka man lang ba nagkacrush back sa kanya?"

Umiling ako, "Bes, 'di porque may gusto sa iyo 'yong isang tao eh magugustuhan mo na rin siya pabalik. At saka 'wag niyo nga akong inaasar do'n. Hindi ako 'yong tipo no'n, ano ka ba."

Napatango tango siya.

"'Di mo ba alam na kapag palagi kang tinutukso sa isang tao, magkakaro'n ng 95% probability na magkagusto ka pabalik sa kanya?"

"Alam ko 'yong tungkol do'n at 'di ako naniniwala."

Ngumuso lang siya. Mabuti na lang at nanahimik na.

Tumingin ako sa kanan ko kung saan siya nakaupo.

Napabuntong hininga ako nang makita siyang tahimik lang sa upuan at nag sketch na naman. Magaling siyang mag drawing, I know. Kaso 'yong mga sketch niya, ayaw niyang ipakita kahit kanino.

Napailing ako ulit. 'Yan? Magkakagusto sa akin? Tsss.

2nd.

Kinabukasan, maaga akong pumasok. Kokopya pa kasi ako ng assignment kay Bes kaya kailangang maglaan ng oras para do'n.

Pagdating ko sa room, napangiwi ako dahil ang tahimik.

Mukhang masyado yata akong napaaga, a?

Wala pang katao-tao, ako pa lang.

Makikinig na lang muna ako sa ipod ko. Isinaksak ko ang earpods sa tainga ko at nagpatugtog in full volume. Sumandal ako sa upuan ko at humalukipkip kasabay ng pagpikit ng mga mata.

Kakalabitin naman ako ni Bes pag dumating na iyon dito kaya walang dapat ipag alala.

"OY BES! GISING! PADATING NA SI MA'AM!"

See?

Idinilat ko ang mga mata ko. Tinanggal ko ang earpods sa tainga ko. Full volume na 'yong music ko pero narinig ko parin ng malinaw ang boses ng best friend ko.

"Pakopya muna!"

"Ang assignment kasi, sa bahay ginagawa," iling niya sabay abot ng notebook niya sa'kin.

Bago ako kumopya ay nahagip ng mata ko si Ace na namumula ang buong mukha. Nakangisi sa kanya ang mga kaibigan niyang halos dumikit na sa kanya dahil sa pagbubulungan.

Napailing na lang ako.

He's adorable when his face is flushed red.

3rd.

"Hindi ka ba talaga naniniwalang may gusto sa'yo si Ace?" tanong ni Ramon.

Bigla bigla na lang siyang lumalapit sa akin para magtanong ng mga weird na bagay. Nandito kami ngayon sa canteen at kumakain ng lunch, of course, I'm with bes.

"Hindi nga!" irap ko.

"Paano kung totoo, bes?"

Isa pa 'tong best friend ko.

10 Sequences Of Falling (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon