Ace's Point of View - November 2019 written // published: April 2020
1st.
"You mean–— Phine? 'Yung ilang taon na nating kaklase? Matagal mo nang gusto? Kelan pa? Ba't 'di mo niligawan nun?"
Pumalatak ako. Nakng. Napakaingay ng Ramon na 'to. Parang babae ang bibig kung makapag-tanong.
"Hinaan mo nga 'yang boses mo," sabi ko sa kanya.
Pinagtawanan niya 'ko.
"Dude, namumula ka ba? Bakit nga hindi mo nilalapitan e crush mo naman pala? Natotorpe?" tanong pa niya.
"Nakita mo na bang magpaligaw?"
Dahan-dahan siyang umiling.
" 'Yun. 'Yun ang dahilan. Naka-focus lang siya sa pag-aaral ngayon kaya tsaka na muna. Ayos na 'kong nakikita ko siya."
First year high school kami nung una ko siyang makita. Tahimik lang. Nangingilala sa mga kaklase namin. Pero wala pang isang Linggo, halos ka-close na niya lahat. Pati 'tong si Ramon, lagi na siyang kinakausap. Ako lang 'tong dumidistansya kasi nakakahiya. Baka ma-awkward ako tapos mapansin niya, ma-awkward din siya. E 'di pa'no na?
Everyone loves her. Who wouldn't? Kung ituring niya 'yung mga kaibigan niya, parang totoong kayamanan. Ramdam na ramdam na talagang malaki ang pagpapahalaga niya.
"Ilang taon mo na palang tinatago." Tumingin ako kay Ramon na ngumingisi. "Kung 'di ko pa madidiskubre 'yung sketchbook mo na puro siya ang laman, 'di ka pa aamin."
Kumunot ang noo ko.
"Anong binabalak mo?" tanong ko. Iba na kasi 'yung reaksyon ng mukha niya.
"Wala naman... Natutuwa lang ako kasi nalaman ko na crush mo si Phine." sabi niya habang tagos ang tingin sa likod ko.
Kinabahan ako. Dahan-dahan akong lumingon sa likod at nakita ko ang papalayong bulto ng bestfriend ni Phine na tumatakbo papunta sa kanya.
Sinamaan ko agad ng tingin si Ramon.
Nakng!
2nd.
Hindi ako naka-tulog nang maayos kaya maaga na lang akong nag-ayos at pumasok. Sa classroom ko balak matulog kaya lang, pagdating ko dun, nakita ko siya.
Nakng.
Bakit kaya ang aga niya pumasok ngayon? Nag-agahan na kaya 'to?
Naka-suot siya ng earphones sa magkabilang tenga habang naka-halukipkip at nakapikit. Sobrang kinakabahan ako nung tumayo ako sa harap niya.
Tatanungin ko lang naman kung kumain na siya...
Kaso sobrang nakakakaba.
"Phine..." sabi ko gamit 'yung mahinang boses.
Pero hindi siya sumagot.
"Phine," sabi ko sa mas malakas na boses.
Kaso imbes na makuha ko 'yung atensyon niya, nakuha niya 'yung atensyon ko nung bigla siyang yumuko. Nakng. Buti na lang, nasalo ko 'yung ulo niya kundi mauuntog siya sa desk niya.
Seryoso bang nakakatulog siya sa ganitong posisyon?
Gumalaw siya kaya napalayo ako agad. Umayos siya ng upo pero 'di naman dumilat. Tapos naging kalmado na ulit 'yung paghinga niya.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinapanood ang pagtulog niya.
Ang ganda niya talaga...
BINABASA MO ANG
10 Sequences Of Falling (One Shot)
Short StoryHindi ko naman siya gusto noon. Pero bakit nang nalaman kong gusto niya ako, parang palagi ko na siyang napaglalaanan ng atensyon? -- Edited: Now with Ace's POV. // This has nothing to do with Only You, Only Mine book. Thank you! 😁