His in Love with that Guy!!!
Nag simula ang lahat sa mga panahon na sampung taong gulang pala mang ako, mayroon akong kuya na nasa edad na nineteen years old at ngayo'y 4th year college na siya, Civil Engineering ang kinukuha niya sa De La Salle University-Dasmarinas mas kilala sa tawag na (DLSU-D) sya ang kuya ko na si Luke, moreno ang kanyang makinis na balat matangkad na nasa 5'9'' ang taas gwapo may matangos na ilong at higit sa lahat maganda ang pangangatawan,
sabay kame lagi pumapasok ng aking kuya sa eskwelahan na malapit din sa kanyang pinapasukan pa aralan.
"Jake bilisan mo na" na nakangiti na pag kasabi
eto naman ako dahil bata pa mas gusto ko na inaasar si kuya Luke, Mas lalo ko pa binagalan na parang pagong, ang pasok namin ni kuya ay alas otso (8:00am)
dahil nga sa kabagalan tinawag ako ulit ni kuya Luke"Jake ano nasan kana mahuhuli na tayo!!!" medyo na iinis na saakin
"kuya Luke palabas na ako" sabay tawa ng malakas
pagkalabas na pagkalabas ko may kasama pala si Kuya Luke na isang lalaki na noong araw ko lang nayun nakita. tila isang anghel ang kanyang mukha na medyo matangkad ng kaunti kay Kuya Luke, mga nasa 5'11" ang kanyang taas medyo maputi matangos din ang kanyang ilong at tulad sa Kuya ko maganda din ang pangangatawan. Ng langhap ko ang kanyang amoy na pinaghalong lavender at honey ang bango talaga.
hindi ko man lang namalayan na nag lalakad na sila hindi man lang ako tinawag dahil sa nung mga oras na yun ipinikit ko ang mga mata ko tila gumaganti si kuya Luke saakin. tumakbo ako at hinabol sila ng maabutan parang isang tuta lang ako na nasa likoran nila. Mag kahawak sila ng kamay habang nag lalakad dahil bata pa ako parang wala lang saakin yun. Kapag may dumadaan na mga tao bigla silang bumibitaw sa pag kakahawak at sabay ng tatawa habang nag lalakad.
"hindi man lang ako pinakilala ni Kuya Luke dun sa kasama nya" ang sabi ko sa sarili ko
malapit na kami sa sakayan ng jeep na papuntang paaralan mas nauuna ako bumaba kaysa sa kanila ng malapit na ako bumaba nakita ni kuya Luke na malungkot ako, hindi ko sila nilingon noong araw na iyon at naglakad na ako papasok sa paaralan na aking pinapasukan
ako ay nasa ikaapat na baytang ng mga taon na iyon mayroon akong mga kaklase na lagi kong kasama mga babae sila hindi kase ako mahilig makisama sa mga ibang lalaki, may mga iba akong sinasamahan na lalaki pero pili lang sila. sila ay sina Ma.Eliza pero sanay syang tawagin na (Isay) at si Corazon na ikinakahiya nya kaya "Cora" nalang daw ang itawag sa kanya.
Si Isay ay black beauty kung tawagin sa klase. totoo naman maganda ito mahaba ang itim at tuwid na buhok higit sa lahat mabait ito saakin.
Si Cora naman ay magandang babae na medyo maputi payat. silang dalawa ay mababait saakin kaya hanggang sa matapos ang aming klase mag kasama kaming tatlo. nag aantay kame sa aming susunod na subject ngunit hindi dumating ang aming guro kaya wala kaming lesson. Lumabas kaming tatlo sa class room ng napadaan kami sa hall way may mga lalaki tanda ko pa noon na sila ang kinakatakutan sa school dahil mga bully sila sa mga kapwa estudyante sa paaralan.
"Oh tabi kayo may mga dadaan na GWAPO at mga MAGAGANDA" sabi ng isa sa kanila
alam namin na kami iyon. dahil na din sa mga lahi ng aking pamilya maganda ang mga mukha namin at tska wala ng ibang tao dun kundi kami at yung mga bullies
"GWAPO nga ba yung isa oh MAGANDA din" sumbat ng isa
pinagtangol ako ng dalawa kong kaibigan sa pang iinis nila
"Hoy Aaron ang sama mo ahh kasama mo" salita ni Isay
"Tama nayan Isay" sumbat ni Cora
"May araw karin samin BAKLA ka" banta ni Aaron saakin
BINABASA MO ANG
His In Love With That Guy
RomanceThis story all about that love can wait no matter what is your age and gender.