Good bye Kuya Cent

53 1 0
                                    

His in Love with that Guy!!!
chapter 2

Lumabas ako ng bahay at umupo sa isang tabi sa tapat ng gate tinatanong ko ang aking sarili kung bakit at ano ang dahilan ng kanilang pag aaway. Napa isip nalang ako bigla kung sino yung nasa picture na hawak ni kuya Cent kanina ngunit maya maya pa ay biglang umulan sabay sa pag patak ng aking luha, Ang aking luha ay puno ng mga katanongan na humihingi ng sagot at sakit ng aking nararamdaman sa pag alis ni kuya Cent.

"Kuya Cent bumalik kana dito" sabi ko sa aking sarili habang naka upo at umiiyak sa gitna ng malakas na ulan.

maya maya pa ay nawalan ako ng malay sa labas ng aming bahay tila ba ayaw ko na mabuhay dahil sa dami ng aking iniisip. mga ilang oras na ang lumipas ng nagising ako sa pag kakahimatay sa labas ng aming bahay, nagulat ako ng nasa aking silid na ako sa isip ko si kuya Cent ba ang nag dala saakin dito, kung hindi siya sino. maya maya pa pumasok si tiya Elsa sa aking silid may dala siyang mainit na sopas na niluto nya para saakin.

" Jake gising kana pala, oh eto ang sopas para lumakas ka" sabi ni Tiya Elsa

"Salamat po tiya Elsa, Tiya may itatanong lang po ako"

" Ano iyon Jake" sagot ni tiya Elsa

" Sino po nag dala saakin dito sa kwarto ko?"

"Jake kakadating ko lang kanina ang sabi saakin ng kuya mo nasa labas ka at nag papaulan ng bigla kang nawalan ng malay at siya ang nag dala sa iyo dito"

Ang nasa utak ko ng mga araw na iyon si kuya Cent ang nag dala saakin dito dahil tanda ko pa na babantayan nya ako at aalagaan ngunit si kuya Luke ang nag dala saakin dito, ayoko na umasa masakit pala, yung akala ko siya ay iba pala ang gumawa.

Pumasok si Kuya Luke sa aking kwarto, nag paalam naman saakin si tiya Elsa na lalabas muna sya dahil baka may dapat kaming pag usapan ni kuya. may sumagi sa utak ko na may alam kaya si tiya elsa tanong ko saakin sarili.

"Jake bakit ka nag paulan tingnan mo tuloy nangyari sayo" sabi ni Kuya Luke

"Kuya Luke bakit po kayo nag away ni Kuya Cent?, babalik pa po ba sya dito saatin"

"Mahirap ipaliwanag Jake kase hindi mo lang ma iintindihan" sagot ni kuya Luke saakin

kahit anong pilit ko pa na itanong sa aking kuya Luke ayaw nya ito sabihin ang akala ko na masasagot na hindi papala.

"Kuya matutulog muna ako" sabi ko sa aking kuya Luke

ramdam ko na malungkot siya noong mga araw na iyon ngunit hindi ko na siya kinulit muli. umaga na ng ako ay nagising tulad ng aking ginagawa nilalapitan ko ang aking mga halaman sa bintana ng aking kwarto at kinakausap ko sila ng biglang sumigaw si tiya Elsa na bumababa na ako.

"Jake tara na kumain kana" sabi ni tiya Elsa

"Jake bilisan mo" sumbat ni Kuya Luke

nanibago ako ng araw na iyon kase dati naman nandoon na si Kuya Cent sa aming bahay upang sumabay saamin ni kuya Luke ngunit ngayon ay wala ng Kuya Cent at Lavender at Honey na pabango sa hangin. nakakalungkot isipin na hindi na maibabalik ang dati.

nasa eskwelahan na ako at pag pasok ko sa aking silid aralan wala si Diether at ang mga bullies boys nila pitan ko sila Isay at Cora upang mag tanong.

" Isay bakit wala si Diether dito"

" nabalitaan namin na nakipag away si Diether sa mga bullies noong nakaraang lingo lang" sagot ni Isay sa akin.

sa isip ko bakit ano ang dahilan, punong puno na ang aking isip ng mga katanongan na hindi pa na sasagot.

His In Love With That GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon