Nang Dahil Sa ID [One Shot Story]

2.3K 68 34
                                    

Property of © ForgetMyNameParis

No part of this book can be transmitted nor recorded by any means without the permission of the Author.

---------------------------------------------

All rights reserved 2013

---------------------------------------------

Hay. Andaming gawain sa school kainis ( >___________< )

Eto namang partner ko sa IP ay mukhang shunga kainis! Bakit?

Ayun lang naman siya sa may gilid pinuputok putok yung mga maliliit na bubbles na lumalabas dun sa inexperimentahan namin! Sabi niya ang cute daw kasi.

Yung project namin ay yung may mga kung anu-anong hinahalo sa joy kesho lagyan daw ng tubig, kesho dapat tama lang yung dishwashing tas kung anu-ano pa yung mga di ko na alam ang pinaglalagay niya.. Ang cute nga eh! May food coloring na kulay violet siya na nilagay kaya naging violet yung bula.

Kaya ngalang, di kami close kahit magpartners kami. Pano?

Parehas kaming hindi nagsasalita pagnagkakasama kami. Tapos sinesend niya lang sa chat kung ano yung mga dadalhin at gagawin ko.. Tapos nakayanan namin yung IP!

Oh well, kakatapos lang kasi namin i-perform yung amin. Pero luckily, naayos na agad namin ang mga gamit namin at hindi palpak yung experiment namin!

"Okay, Class dismissed." Tapos ay nagsitayuan na yung iba. Nags-space out nanaman pala ako, habang nakatingin sa kanya.

Haaaaay!

"O, Angelique anong mukha yan?" Sabi ng bestfriend ko sakin. Hinayupak to, pa-easy easy lang. Buti pa siya. "Kasi naman Anne eh! Siya nanaman laman ng u--!" Bigla kong natakpan yung bibig ko nang marealize ko na nasa harapan ko pala si IP Partner. Si Jelo. Ngumiti lang siya sa akin. At tumingin sa.. ID ko? Teka anong meron?

Tiningnan ko yung ID ko, tsaka ko narealize na.. MAY PICTURE NGA PALA SIYA DITO! Shit. Bigla bigla kong hinila si Anne papuntang canteen dahil nakakahiya talaga yun, sana di niya nakita please!

"Hoy! Problema mo?" Sabi ni Anne pagkahinto naming tumakbo. "Eh kasi Anne, baka nakita ni Jelo yung photo niya ditto sa ID ko." Pagdadahilan ko. Totoo naman eh. Kemes lang! Ang bilis ng tibok ng puso ko kanina! Para bang sasabog na eh!

"Tanggalin mo na kasi yang picture na yan diyan sa ID mo, sige ka. Maturn-off pa si Jelo niyan eh." Sabi ni Anne sakin. Kainis naman! Si Jelo kasi pinakagwapo samin, tas yung pinakamaganda? Siyempre naman. Di ako XD Si Anne pinakamaganda samin. Ako naman, maganda lang pag nakatalikod XD

"Hayaan mo na ako bes. Next year di ko na siya crush promise!" Sabi ko kay Anne with matching taas ng isang kamay.

Siyempre, para maniwala! XD

"Ewan ko sayo, last year yan din sinabi mo eh." Sabi ni Anne tapos iniwan ako. Aba aba! Natuto nang mag-walk out to! "Hoy! Promise totoo na to!" Sigaw ko tapos tumakbo na ako papunta sakanya. Wahahahaha! Buti nalang mabilis ako tumakbo!

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa room namin kasi malapit na rin namang magbell. Sa ngayon ay isa akong second year student sa isa sa mga private school dito sa Caloocan.

"Haaay! Ang tagal naman ng teacher natin! Dapat pinapaguidance yan eh!" Sabi ng katabi kong inip na inip na. Kanina pa kasi wala yung Adviser namin. Homeroom kasi namin ngayon eh mga 5 minutes nang wala yun. "Oo nga eh, kahit kelan talaga ang bagal ni maam!" Sagot ko sa katabi ko. Diyan kami nagkakasundo eh. Sa pambubully ng mga teacher ng patago XD

Nang Dahil Sa ID [One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon