Tease Me

2 0 0
                                    

"Give me your hand, Lex." Sabi sakin ni Josh at nilahad ang kamay niya.

"Ano gagawin mo?" Tanong ko bago ko ibigay kamay ko.

"Just give me your hand." Sabi niya at nag-smirk. Hmp. Kala mo naman gwapo. Sadya naman ah? Aish. Ano ba?! Kainis na utak 'to oh.

Binigay ko nga sa kanya ang kamay ko. Mukha namang may iniligay siya dito at sinara niya ang kamay ko. Lumayo siya sa akin ng nakangiti ng nakakaloko.

Nung nafeel kong gumalaw yung nasa loob, namutla ako.

Don't tell me... this is a...

Binuksan ko ang kamay ko at itinapon ang laman at napasigaw.

"Aahhhhhhh!!" Napaupo ako at nilagay ang parehong kamay sa tainga ko. Pinagtinginan ako ng tao sa hallway pero I don't care. Nanginginig ako sa takot.

IT WAS A FUCKING INSECT!

"HAHAHAHAHAHA" Narinig ko pang tawa ni Josh.

This is not even funny! Naiiyak ako. Naaalala ko pa rin yung insekto. May takot ako sa insekto kaya ganito nalang ang reaksyon ko. Pero tinatawanan lang ako ni Josh. Ang sama niya talaga!

Tumingin sa akin si Josh pero inirapan ko lang. Tumayo ako pero muntik na akong mapaupo muli dahil nanginginig pa pala ako. Bwisit!

Pinilit ko pa ring makatayo at tumalikod kay Josh. Aalis na ako. Hindi ako aattend ng klase.

"H-hoy, Lex! Wait up!" Narinig ko mga yabag ng paa niyang humahabol sa akin pero I did not stop.

"Huy, magka-klase na. Where are you going?" Nasa harapan ko na siya. Ang bilis niya naman.

"I'm getting out of your sight, airhead." Sinabi ko sa kanya yun ng may pagkairita. Napakunot naman ang noo niya nang siguro makitang naluluha pa rin ako.

"H-hey w-wait. Are you crying?" Hindi niya ba nakikita?!

"Get out of my way and don't follow me." Mararamdaman mo sa bawat syllable na pinapakawalan ko ang diin at pagkairita. Lagi nalang niya akong pinagttripan. Nagsasawa na ako.

"Okay." Yun lang ang narinig ko at umalis na.

---

Isang linggo na kaming hindi nagpapansinan ni Josh. Naiinis pa rin ako sa kanya. Hindi man lang siya nagso-sorry! Pero parang nami-miss ko na rin. Ugh! Ano ba sinasabi ko?! No way!

Kakaawas lang namin sa Math kung saan ko siya kaklase. Naglalakad ako ngayon papuntang field mag-isa. Napansin ko namang ang onti lang ng tao ngayon dito.

"Lex." dug dug dug. Napahinto ako sa paglalakad pero maya-maya rin, nagsimula ulit akong maglakad. Di ko siya pinansin.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko at iniharap ako sa kanya.
dug dug dug wtf?! Ano nangyayari sakin?

"Lex, I'm sorry." Nakatitig lang ako sa kanya.

"I'm really sorry. I did not mean to scare you that time..." Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Hindi ko alam pero a part of me ay nagdidiwang...

"I was just... I was just seeking for your attention." Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit naman? Dug dug dug.

"Ugh! I'm not really good at this, you see?" Napakamot pa siya sa batok niya. Cute.

"I'll get straight to the point." Mas lalong tumibok ng malakas yung puso ko...

"I..." Hinawakan niya ang kamay ko. "I... I like you." Sabi niya at tumungo.

Nagulat ako... I'm so happy. Pero naghintay ako ng ilang segundo para sa, "Kidding!" or "Naniwala ka naman?!" niya. Baka niloloko niya lang ako. Aw. Bakit ba ganito ako?

Tumunghay siya at tumingin ulit sa akin. "Uy, gusto nga kita aba." Natawa ako sa itsura niya. Yung mukha niya kasi... parang iiyak na.

"Hahaha." Di ko na napigilan eh.

"Hoy, anong nakakatawa? Seryoso kasi akoooo... " Napatingin ako sa kanya at napatigil sa pagtawa. Seryosong-seryoso yung mukha niya. Daeff.

"U-uhh... Ano... hindi ko alam sasabihin ko eh." Parang ang saya ko ata?

"Tsk. Say you like me too." Namilog mata ko. Lakas niya mang-utos ah!

"At bakit ko gagawin yun?"

"Kapag hindi mo ginawa, I'll kiss you here. On the spot." Sabay smirk. Sa taranta ko at pagkagulat, napasigaw nalang ako ng


"A-ah okay! I like you too." At nang marealize ko what I just did...

Namula ako. Napalakas yung sigaw ko and people are now watching us.

Someone patted my head. It's Josh.

"Hahaha! That's my girl. I'll be courting you starting today. Sagutin mo agad ako bukas ah?" Pinisil pa niya ilong ko. Ugh! dug dug dug

"Nakakainis... ka." Sabi ko at nag-pout.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tease MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon