Bahag na buntot

25 0 0
                                    

Mahal, mahal kita.
Kay tamis na panimula, hindi ba?
Patawarin mo ako kung hindi ko sinabi pero matagal nang nakatira ang mga katagang iyan dito sa puso ko.
Patawarin mo ako kung naging duwag ako dahil hindi ko alam kung paano magsisimula dahil nakatanim na sa isip kong magkaibigan tayo.
Sana, ngayong may lakas na ako ng loob ay hindi pa huli ang lahat.
Sana ay hindi mo sabihing noong panahon nababahag ang buntot ko ay mahal mo na sana ako pero dahil mabagal ako ay mayroon nang iba.
Sana, mahal ay mahal mo rin ako.
Sana kapag nagkita tayo ay masabi ko na rin ng harapan, kaharap ang buong mundo at ang babaeng mahal ko, na handa na akong ipagsigawang mahal na mahal kita.

Mahal? Mahal mo ako?
Bakit ngayon lang?
Bakit ngayon pa?
Mahal na mahal kita
Pero... Noon at hindi ngayon.
Hindi ngayon kung kailan huli na ang lahat.
Hindi ngayon kung kailan tapos na akong maghintay na sabihin mo ang mga katagang yan.
Hindi ngayon kung kailan tinanggap ko nang hindi tayo ang para sa isa't isa.
Bakit hindi mo sinabi noon?
Noon na nag- aabang ako sa bawat yakap mo.
Noon na nananabik akong makasama ka palagi.
Noon na hindi ako makatulog sa gabi kakaisip sayo.
Bakit ngayon lang?
Mahal na mahal din kita, noon.

HUGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon