Ayoko na

147 0 0
                                    

Ayoko na.
Kapag sinabi kong ayoko na, ang ibig sabihin noon ay pagod na pagod na ako, sawang sawa na ako sa pagiging tanga, hindi ko na kaya..
Kapag sinabi kong ayoko na, hindi mo alam kung ilang libong beses kong sinabi sa sarili kong kaya ko pa, titiisin ko pa kasi mahal na mahal kita.
Kapag sinabi kong ayoko na, mahal, ayoko na talaga.
Sana kapag nawala ako ay mangulila ka sa pagmamahal ko. Alam kong nadama mo na iyon kahit pa hindi ko sinabi sayo.
Sana kapag wala na ako ay hanapin ako ng puso mo.
Sana kapag wala na ako ay hindi na ako magkaroon pa ng dahilan para muling lokohin ang aking sarili, na muling bumalik sa iyong tabi, muling kumapit sa matatamis mong salitang hindi mo na ako muli pang papakawalan.
Sana, mahal, kapag wala na ako ay mawala ka na rin.
Sana ay mawala ka na sa alaala ko.
Sana ay mawala ka na sa puso't isipan ko.
Sana ay mawala ka na sa buhay ko.
Sana ay totoo na ito.
Sana sa pagsasabi ko nang ayoko ko na, ayoko na nga talaga.
Ayoko nang lokohin pa ang sarili ko.
Ayoko nang gumising araw araw na lumuluha habang inaalala ang memorya mo.
Ayoko na.
Pero mahal, tangina talaga.
Ayoko na pero bakit gustong gusto ko pa?

HUGOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon