II.

19 1 0
                                    

Napangiti ako ng mapakla at pumasok na sa room..

At dahil nga first day of school ngayon may introduce--introduce ek ek nanaman..

Nung si jarred na ang magpapakilala tumayo na sya sa harapan.

"Im jarred lee 17 years old"-nagtilian naman yung mga babae lalo na ng ngumiti sya..

"Kyaaaa hi jarred ang gwapo mo naman"-girl 1

"Thank you"-nakangiting sabi ni jarred.

"Ang bait pa.. May girlfriend ka na ba?"-girl 2

"Im single"-sagot nya at kinindatan pa si trisha.

Hindi na ko nakinig sa kanila dahil nasasaktan nanaman ako. Bakit ba sya ganyan sakin.. Bakit pagdating sakin ang cold nya, ang sakit lang hindi naman sya ganto dati eh

Close na closepa nga kami nung mga bata kami, pero bakit ni ngiti lang hindi nya na magawa sakin ngayon.

Biglang nanahimik kaya naman nagtaka ako.. Nakayuko ako kaya naman hindi ko alam kung anong meron..napatingin ako sa buong klase,nakatingin sila sa pwesto k.nakakapag taka lang dahil ang tahimik nila.

Napatawa ako ako na siguro yung mag iintroduce pero nageemote parin ako dito. Pasimple kong pinunasan yung luha sa gilid ng mata ko at pumunta na sa harap.

Ngumiti ako, yung tunay na ngiti ko
"Im min park 17 years old ahm.. Mabait ako hihi"-nagpeace sign pako bago pumunta sa upuan ko.

Pero bago yun, sinulyapan ko pa si jarred.. Nginitian ko sya at inirapan nya lang ako.

Kriiiiiingg!!!

Nag bell na ang ibig sabihin ay dissmis na.. Tumayo ako at kinuha yung bag ko. Hinanap ko agad si jarred pero wala na sya dito sa room. Lumabas nako ng room at nakita ko sya na naglalakad na sa may hallway..

Kitang kita ko na pinagtitinginan sya ng mga babaeng nalalagpasan nya. Napangiti ako,hindi na talaga ko magtataka kung bakit patay na patay ako sa kanya. Bukod kasi sa gwapo sya chinito pa ito, at Malakas ang apil. Habang naglalakad ako pinagmamasdan ko lang ang likod nya ang ganda ng katawan nya,yung paglakad nya para syang model...

~We could all be blown to pieces
Because time is ticking bomb
We could all be dead tomorrow
But our love are carry on
Coz when you know your days are number
When you lookin in my eyes its not the end coz--~

Kinuha ko sa bag ko yung cellphone ko. At tinignan ito. Nilagay ko kasi sa reminder ko yung dinner na gaganapin mamaya sa bahay with tito rick. Actually hindi yun sinabi sakin ni papa pero dahil dakila akong tsismosa narinig ko ang usapan nila ni Tito Rick.

Napabuntong hininga ako. Sasama din kaya sya.haaay! Sabay nito ang pagbuhos ng ulan mahina lang sa umpisa pero patagal ng patagal lumalakas ito. Walang silungan dito kaya tinaas ko nalang yung kamay ko para ipang pandong sakin. Wala din kasi akong dalang payong.

Ang tagal pa dumating ng jeep. At pag may dumating man punuan.

Medyo nababasa na rin ako ng ulan. Argh nasan na ba yung mga sasakyan.

Bigla akong nagulat ng may dumampi sa braso ko. Kasabay nun ay hindi narin ako nauulanan.. Tumingala ako para makita kung sino yung tumabi sakin..at

Walang iba kundi si jarred.. May dala syang payong..

Magkadikit kami ngayon at nasa iisang payong kami..

Its Too Late....to Say I Love You Too(short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon