V.

12 1 0
                                    

Bumangon ako sa kama ko na ang sakit sakit ng mata ko,at ng buo kong katawan.

Pinilit ko nalang na tumayo at pumunta sa cr ng kwarto ko para maligo at magbihis ng uniform ko. Bumalik nanaman sakin yung mga sinabi sakin ni jarred.na gusto nya na daw akong mawala..tumulo nanaman ang luha ko,

"Sorry jarred..sorry kasi dahil sakin nagkamalas malas ang buhay mo....sorry pero hindi kita kayang layuan eh....mahal na mahal kasi kita"- ganito ako kapatay na patay sayo.titiisin ko na lang yung sakit.

Inayos ko ulit yung sarili ko para pumasok.lumabas nako ng kwarto ko at pumunta sa kusina,wala nanaman si papa.this past few days lagi nalang syang wala dito sa bahay.grade 6 ako nung namatay si mama,kaya si papa nalang ang lagi kong kasama pero hindi ko na rin sya maintindihan.sobrang tahimik nya at ang lalim ng iniisip,haay siguro dahil lang sa trabaho nya.nilagay ko na sa lababo yung baso pagkatapos kong inumin yung gatas.

Naglalakad lakad ako ngayon.dahil wala pang humihintong jeep nakakainis naman baka malate nako.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang likod nya.alam kong sya yun.anong kayang ginagawa nya dito sa park? Tumakbo ako palapit sa kanya ng makalapit ako nagulat ako dahil hindi lang sya ang nandito. Ang daming tao ang nandito at may---may mga pulis?!

Bakit may pulis..tatanungin ko sa sana si jarred pero nakita kong umiiyak sya.at parang naghihirapang huminga,lalapitan ko sana sya pero

"Ikulong nyo na yang Hayop na yan!"-yung boses na yun..

"Papa?!"-nakita ko syang nagwawala at pinipigilan ng mga pulis.

Napatingin pa ko sa harap at hawak hawak ng mga pulis yung tatlong lalaking, nanuntok kay jarred kahapon.

Ano bang nangyayari? Hindi ko na maintindihan.

Naglakad palayo si jarred pero sinundan ko sya.gusto kong malaman kung ano bang nangyayari. Sa wakas huminto din sya pagtingin ko kung nasaan kami sa isang

Sementeryo?! Nagtuloy tuloy si jarred sa loob at sumunod naman ako.

"Sa wakas nabigyan ka narin ng hustisya"-umiiyak na sabi nya at umupo sa tapat ng isang lapida.

Nalilito na talaga ako.sinong kinakausap ni jarred.

"Patawarin mo ko wala ako nung araw na yun.....hindi kita naipagtanggol....patawad...bwiset kasing sakit to eh!"-sabi nya habang pinupukpok yung dibdib nya.

Sakit?!

May sakit si jarred?!

"Akala ko simpleng hika lang to....pero sabi ng doktor may butas daw yung puso ko....patawarin mo ko...hindi mo ko pwedeng mahalin dahil hindi na ko magtatagal....pero tangina hindi ko naman alam na mauuna ka sakin....akala ko pag nilayuan kita titigilan mo na ko...sinabi ko na yung....masasamang salita sayo..para magalit ka sakin...pero ang kulit mo talaga haha"-pinilit nyang tumawa kahit tuloy tuloy lang ang pagiyak nya.

"Patawarin mo ko...wala ako nung oras na yun...hindi kita napagtanggol sa grupo nila jiro! Binaboy ka nila tangina makakarma din sila!sisiguraduhin kong mabubulok sila sa kulungan"

"Masaya ako ngayon kasi nahuli na sila..after 3 weeks umamin nadin si jiro sa mga pulis...humihingi sya ng tawad sayo...puta,ang lakas pa ng loob humingi ng tawad....shit para na kong bakla ngayon..haha...sana naririnig mo ko ngayon..nitong nakaraan akala ko nababaliw na ko,kaya pilit kitang tinataboy akala ko kasi imahinasyon ko lang ang lahat... pero alam kong nakikita talaga kita...alam kong nandito ka Min"-nagulat ako sa huli nyang sinabi..automatic na napatingin ako dun sa lapida. Binasa ko yung pangalan na nakasulat.

"Joyce Min Park"

Ayokong maniwala,gusto kong isipin na baka kapangalan ko lang yan. pero,automatic nalang na nagsibuhos ang luha ko.napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang paghagulgol ko..

Bakit? Bakit nangyayari to sakin? Napaluhod ako sa damo nanghihina ang buo kong katawan, paano? Bakit wala akong maalala?

Bigla nalang may mga imahe na lumalabas sa isip ko.. Napapikit ako sa nakikita ko..tatlong linggo na nakakaraan.madilim,gabi may babaeng naglalakad sa isang park.wala syang pakialam kung mag isa lang sya. Nawala kasi sa park nato ang nagiisang kwintas na bigay sakanya ni jarred nung mga bata pa sila.kaya kahit na gabi na hinahanap nya parin to. Mga ilang minuto napagod ang babae at umupo sa isang bench,nakakatakot na sa lugar na yun dahil wala ng mga taong dumadaan, maliban nalang sa grupo nila jiro na gumagamit ng bawal na gamot sa isang tabi. Paalis na sana sila ngunit nakita nila si Min. At dahil wala na sila sa sarili nagawa nila ang hindi dapat.

"Tulong!...."

"Maawa kayo......wag"-pero walang nakinig sa kanya.

Umiyak ako, tatlong linggo na....tatlong linggo na pala akong patay.....napahawak ako sa dibdib ko dahil sa hirap na paghinga..kasabay nun ay may nakapa akong kakaiba, matigas ito at pag tingin ko. Yung kwintas, nahanap ko pala to.

Tumingin ulit ako kay jarred..iyak parin sya ng iyak..ito na ang huling araw na makikita ko ang muka nya.

Nilapitan ko sya at niyakap..napapikit sya at alam kong nararamdaman nya ko.. Unti-unti kong nilapit sa kanya yung labi ko saglit itong nagdikit at humangin ng napakalakas..

"I love you Joyce min park.. I still love you"-muli kong hinaplos ang muka nya.napangiti ako sa sinabi nya, ito yung salitang matagal ko ng gustong gustong marinig sa kanya..



But..




It's too late.....it's too late to say









"I love you too.. Jarred lee.."

Lumayo ako ng konti sa kanya hinubad ko yung suot kong kwintas at nilagay ito sa tabi nya.


"Min"-sa pagbanggit nya ng pangalan ko.gusto ko nanamang maiyak, pero imbes na umiyak ako ngumiti ako yung alam kong tunay na ngiti ko..

Masaya nako ngayon.masaya ako dahil nakuha na hustisya para sakin.masaya ako dahil mahal din pala ko ni jarred.


"Paalam na jarred..."-masaya kong sabi sakanya.








Authors note: Maraming maraming salamat sa pagbabasa.. Vote and comment!

Its Too Late....to Say I Love You Too(short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon