Hanggang tingin nalang ba? (Oneshot)

60 2 5
                                    


Hanggang tingin na lang ba? (One shot)

MaxzineATumibay



Eto nanaman ako, palihim nanaman akong sumusulyap sakanya. Dun sa mukha niyang hindi naman kagwapuhan pero masasabi mong ang lakas ng appeal. Yung mga mata niya na parang nangungusap, yung ilong niya na hindi naman ganon katangos pero bagay sakaniya. Yung cheeks na ang cute cute, ang sarap pisilin! Tapos yung labi niya na, ang sarap sarap titigan. Yung buhok niya na bagay na bagay sakaniya.



Napansin ko naman na titingin siya sa side na to, kaya iniwas ko na kagad ang tingin ko at itinuon ang atensyon ko sa sinasagutan kong exam. Muntik na kong mahuli don ha! Pero, parang di ako makapagfocus sa exam na to. Nung sinubukan ko ulit na tumingin sakaniya.. nahuli ko siyang nakatingin sakin! Iniwas niya kagad tingin niya na parang patay malisya lang. Hindi ko naman naitago ang ngiti ko, kaya buong pagsasagot tuloy ng exam nakangiti ako. Inspired na inspired!




Pero, alam ko naman na wala akong pag-asa sakaniya haha. :( Alam ko naman na may iba siyang gustong babae eh, sakit langs! Bakit nga ba naman niya ako magugustuhan? Ako yung tipo ng babae na, maraming nagsasabi na maganda daw ako.




Pero bakit parang ang hirap paniwalaan nun dahil ako mismo, hindi ko masabi sa sarili ko na maganda ako. Kung maganda ako, bakit naman walang nagkakagusto sakin? Well, meron naman. Pero hindi ako yung tipo ng babae na isang tingin mo palang magugustuhan mo na. Ako yung tipo ng babae na, hindi kagustuhan. Yung tipo ng babae na lagi nalang nasasaktan. Hindi katulad nung iba diyan na, tignan palang "ay shet crush ko na siya". Naiingit nga ako sa mga ganun eh, yung ang ganda ganda talaga. Wala ng effort na kelangang gawin para magpapansin. Yung tipong lahat ng lalaking magustuhan niya, nagugustuhan din siya. Sobrang nakaka-down :(




Matagal ko na 'ring gusto tong si Kristoff e, ako lang sa sarili ko ang nakakaalam non. Hindi ko sinasabi sa iba, kinikimkim ko lang.Kapag hindi buo ang araw ko, tignan ko lang siya nabubuo na 'to. Ganun ko siya kagusto.. or I think mahal na nga e.




Dati pa nga nung second grading namin naging seatmate ko siya, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang katabi ko siya nun. Hindi ako makapagfocus sa pagcopy ng notes kasi kaliwete siya, so kapag nagsusulat siya yung ulo niya malapit sakin kapag nagsusulat din ako ng notes grabe, ang bango bango niya. Kaya hindi ako makapagfocus sa mga lessons kasi busy ako sa pag-amoy ko sakaniya. Nagkakausap naman kami, actually close kami.




Close na nag-aasaran ganun, nagdadaldalan. May time pa na nambuburaot kami sa mga kaklase namin nun tapos nagpapataasan kami ng mga nakuha namin. Tapos hinihingi niya sakin yung bente para daw pantay na kami dahil naman sa gusto ko nga siya ang sabi ko sakaniya. "Dahil mahal kita, eto na yung bente oh." Tinawanan lang niya ko nun at nag-thankyou sakin. Hayy, kung alam mo lang. Seryoso yung sinabi ko noh!

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Dec 22, 2015 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Hanggang tingin nalang ba? (Oneshot)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant