Her
✳
*Riiiiiiiiiiinnnnngggg* *Riiiiiiinnnnngggg*
"Ugh, ano ba ang aga pa."
Bwiset na alarm to. Oo na. Alam ko na. Monday nanaman at First Day ngayon. Teka, did i... "Waaaaah!! Bakit walang nagsabi na ngayon ang First Day? Kaloka! Malapit na akong malatee!"
Okay, oo late na ako. Mga 2 minutes palang. Malapit lang ang school kaya no worries.
Pero sa pagkakaalam ko.. strict ang titser tudey. Juice colored. Arrg.
————
Okay. Nasa pintuan na ako ng classroom, luckily wala pang ang maestra. Kaya keri na.
Pagpihit ko palang ng pintuan ramdam ko na ang pagtahimik nila. Akala siguro teacher ang dumating.
At nakompirma ko ang kalokohan nila. Halos mga lalake ang kaklase ko. Mga 20 lang kaming babae. For your Info guys 50 kaming lahat.
"Ohh, Jessica late ka nanaman. Patay ka pag anjan na ang teacher." sabi ng Class President namin.
Actually 4th Year na ako and still, lagi paring late. Kasi naman sisihin ang Alarm Clock hindi nagsasalita kung late na ba o hindi.
4th Year Class B-7 ako. Matalino ako pero hindi ito tulad ng iba'ng school na nililipat ang mga matatalino sa mga Class A ganon. Dito ang trip nila, magkaroon ng komunikasyon ang bawat isa kaya ganyan. Reid Stone Academy ang pinapasukan ko.
Dito sa Reid Stone, madami namang mababait. Katulad ng sabi ko, First Day palang kaya plastikan ganun. 3rd Year lang akong pumasok dito at halos hindi narin ako pumasok non. Actually bumibisita ako dito sa Academy pag Sabado lang. Working Students ako kaya nagenroll nalang ako via Internet. So basically ngayon palang ako nakakahantong dito.
And why do the Class President know me? Simple kasi tranfer ako. From Internet to Real Life. Okay naman din. At kung hindi ako nagkakamali ganon talaga dito.
Nag-nod nalang ako sakanya as a sign na kagalakan kong makilala sya kahit di ko alam ang name nya. Okay. Di plastikan yun ah? Kayo talaga. HAHAHA
Nagsi tahimikan sila ng sumunod na pumasok ay ang teacher. Pumewesto ako sa likod since may limang bakanteng chair.
The teacher is facing the board ng may kumalabit saakin. Natigilan ako kasi ang ganda nya. SOBRA.
"Girl, wag ka jan. Dito ka sa tabi ko." sabi nya. Ganda talaga. "Ha? e-eh bawal ba dito?"
Ngumiti lang sya as a response. "You really don't know this school. Ayy basta bilisan mo baka pumasok na sila."
Ha? Sinong sila? As far as i know... Nevermind.
We're in the middle of the class ng may malakas na kabog sa pintuan. Nagulat ako ng magtilian ang mga babae dito. Napairap nalang ako. Ganong ugali titilian. Cool. Saan banda? Pwee.
At ang mas kinagulat ko lahat sila umupo sa likod. Sila yung may ari nyan? Aba naman.
"Okay, Good Morning Lion Ace. As I've said earlier na magpakilala tayo isa-sa."
"Maam! Kilala nyo na kami eh!"
"Oo nga maam! Discussion na!"
"Maam, gutom na ako!"
"Wag na Maam!"
"WAAAAH!"
Para namang natauhan yung iba dahil binigyan sila ni Maam ng Killer Look. Oha. "Guys, unfair sa mga hindi na kakakilala sainyo. May new student oh."
"Eh Maam!" sabi nung katabi ni Pres.
"No excuss! Okay, ahhm Miss Transfer please come here at front and introduce yourself." i just gave them a smile tapos pumunta nang unahan.
"Ah, M-my name is Jessica Ailee Hernans Ferrer. 16 Years Old. Please Take Care of Me." ayy. Ano yon. May please 'take care of me' pa. Shunga lang. Korea to teeh?
Naglakad na ako ng upuan ko ng sabihin ni Maam ang 'YouMayNowGoBackToYourSeat' nya.
"Cheonman-eyo."[Welcome] sabi nung nagaya saakin na katabi ko sya. "N-ne?" [Yes?]
"Jeoneun, Hazel-imnida. Mannaseo bangawoyo." [My name is Hazel. Nice to meet you]
"Ahh. Koreana ka?" nakakagulat. Wow. HAHAHA. "Hindi naman. Parang dun kasi ako tumira when i was young. Mga 3 to 13. So ilang year din yun kaya natutunan. Eh ikaw? Galing mong magkorean ah?"
"Hahaha. Hindi naman. Parehas lang kasi tayo. 3-9 ngalang ako nasa Korea. Pero nung aksidenteng yun..." nakita ko naman na natigilan sya na parang naguguluhan, halong imosyon parang nung naranasan ko that time. "A-ano.. mianhe"
"Munje eobs-eoyo."[No problem] Ahh! ANG FORMAL MASYADO!
"Class Dismiss."
"Waaah! Jessica! Dun tayo sa Garden! Nanduon yung mga tamad kong kaibigan! Tara! Yiie!" Hahaha. Ang kulit nya lang.
————
"Daniel!!!!" tumakbo kami dun sa Daniel tapos muntikan pa kaming batukan dahil nagulat daw sya.
Nagulat? "Naku ka beklish! Akala ko si Bonnie na yung tumawag. Praise the Lord!" Ah. kahalf pala namin sya. "Ayy! Sya nga pala. Daniela ito si Jessica. Jessica Ailee Ferrer. Ganda nung name no? Kabog."
"Hehe, Hi Daniel!" ano kayang full name nya? Baklushi ba sya? Hehe.
At mukhang nabasa nya ang iniisip ko. "Hahaha. Ang kyoot mo. Ako si Daniel Williams. At hindi ako mind reader. Mas kabog pa ako dun. By the way, may kaibigan pa kaming dalawa kaso absent ang mga bruha dahil sa tinatamad. Sila si Clarrise Fritzern at Tiffany Ferrer." Tiffany Ferrer.
"Anong full name nung Tiffany Ferrer?" nakakaintriga! Baka si Ate yun.
" Tiffany Aisha Ferrer."
Waaah! "Ate ko yun! Di sya absent dahil sa tinatamad sya. Nag-overnight sya kila Clarrise. Kaibigan nyo pala sila."
"KAPATID MO SI AISHA?"
I nod "Oo. Ferrer nga diba?"
