Maine's POV
Nandito na kami ngayon sa hotel at naka gown na ako.
Handang handa na ako at umalis na kami sa hotel at sumakay ako sa puting Porsche na sasakyan na may bulaklak sa harap.
Alden's POV
Nakasuot ako ng suit habang nandito na kami sa simbahan. Nandito ako sa altar hinihintay ang aking Bride.
(WALA AKONG GUSTO SAKANIYA HA!)
20 minutes later..............
Biglang bumukas ang malaking pintuan at dun iniluwa si Maine na nakasuot ng mahabang puti na gown.
Nasa kaliwa niya ang tatay niya at ang nasa kanan niya ay ang mama niya.
Maine's POV
Grabe! Hindi ko kayang hindi mapaluha!
Hindi kasi ito yung gusto kong mangyari eh, pero may kasiyahan parin sa puso ko.
Iniabot ni dad ang kamay ko kay Alden at kinuha niya ito.
<<<<<<<<<FAST FORWARD>>>>>>>>>>>>>>
"You may now kiss the bride!" Wika ng pari
At inilapit ni Alden at mukha niya sakin at hinalikan niya ako ng hindi umabot ng 3 segundo.
>>>>>>>>FAST FORWARD>>>>>>>>>>>>>>
Natapos rin kaming kumain at dumiretso na kami sa bahay namin???
May sarili kaiming bahay? Hindi ko alam ito ah! At ang mga gamit ko ay nakapwesto na.
Hindi masyadong malaki ang bahay.
Parang half lang ng mansion.
Hindi na ako nakagown ah! Naka formal attire na ako.
Tinignan ko ang paligid.
"Maganda ba ang bahay?" Tanong ni Alden sakin at biglang bumilis ang tibok ng puso ko
"O-Oo! M-maganda!" Nauutal na sagot ko
"WAg kanang mahiya! Mag-asawa na tayo!" Wika naman nito
"Pero walang bisa!" AT umakyat ako sa kwarto
Alden's POV
Ewan ko dun! Baka nanibago lang kaya ganun.
Pero, totoo kasi na walang bisa ang kasal kasi ginawa ko lang ito para sa mana ko.
Pumunta ako sa living room at nanood ng T.V.
Ng biglang.................
~KRING KRING~
*Hello, paulo? Ano yun?" Tanong ko
*Congrats po sir!!" Greet naman nito
"Ito naman! Akala ko ano na! Thank you!" At ibinaba ko na ang tawag
Pagbaba ko ng phone ko ay may narinig akong taong umiiyak galing sa itaas. Kaya hindi ako nagdalawang isip na tignan.
Maine's POV
*UMIIYAK* Bakit mo nagawa sakin to Alden? Sinira mo ang pangarap ko! Sinira mo ang pangarap ko na ikasal sa taong mahal ko! WALANG HIYA KA!
Nandito ako ngayon sa guest room. Umiiyak, dahil sa ginawa ko.. Alam ko naman na kasalanan ko ang lahat eh, kasi pumayag akong ikasal kay Alden.