Part 5 (Maalagain siya ha!)

161 3 1
                                    

Maine's POV

After kong magbihis ay lumabas na ako sa H.R ko... Wala naman akong dalang mga gamit, so walang problema!

Paglabas ko lang ay sinalubong ako ng isang nurse na may dalang clipboard na nrown, yung same sa mga Hospital scenes sa Movies!

Nakatingin ito diretcho sa mga mata ko. At naweirdan naman ako kaya nagsalita nadin ang bibig ko..

"Alam ko! Magbabayad ako!" At umalis ang tingin niya sakin *gaga!* bulong ko naman. At hindi na nagsalita pa ang nurse pero tumalikod ito at naglakad patungo sa cashier place thingy.....

*gaga! Akala mo hindi ako magbabayad?* bulong ko sa sarili

Natapos narin at lumabas na ako ng hospital, God" namiss ko ang simoy ng hangin!

Bigla naman akong nagkaideya!

"COFFEE TO THE RESCUE!" At naglakad na ako papunta dun sa starbucks na kung saan ako pinahiya ni Alden

Alden's POV

"Paulo! Kailan dapat matapos 'tong mansion ni Couns. Nidora?" Tanong ko kay Paulo na pawis na pawis. Ang init kasi ngayon dito sa construction site

"Before summer daw po! Kailangan na raw matapos!" Sagot naman nito

"What? Before summer? Bakit ang bilis? Eh mga 2017 pa ito matatapos eh!" Gulat na Wika ko naman, at napakunot sa noo si Paulo

"Oo nga boss eh! Pero, sinalbahe pa nga niya ako at pinaalis sa office niya nung nagmakaawa ako na baka by 2017 pa matatapos yung mansion niya!" Paliwanag ni Paulo at inalis ang kamay niya sa noo niya, at ako naman ang napakunot sa noo...

Pakamot sa ulo akong nagsalita, "Sige! Mag ru-rush nalang tayo! Kinakailangan kasi eh!"

At umalis na si Paulo. Na realize ko na kailangan ko munang mag relax kaya napagdesisyonan kong pumunta sa park na di naman medyo malayo.

Sumakay ako sa sasakyan ko at nag drive papuntang park.

Maine's POV

Habang naglalakad ako ay nakita ko na napaka fair ng araw ngayon, kaya hindi narin ako naabala na umitim. Napaisip narin ako! *kailangan kong maghiganti* At yes, may na isip na ako. At tuluyan na akong naglakad papunta sa Coffee Shop.

Alden's POV

Nag parking na ako at lumabas ng dahan dahan sa aking sasakyan. Tinignan ko ang paligid at nakita kong hindi medyo mainit at hindi rin medyo malamig, at tuluyan na akong naglakad papunta sa entrance ng park.

Maine's POV

Pumasok ako sa Coffee shop at nagpila. Makalipas ang 5 minutes ay nakuha ko na ang aking hinihiling na order at lumabas na. Since fair naman talaga ang araw ngayon! Napagdesisyonan kong pumunta sa park, at dun narin ako magpa-plano tungkol sa REVENGE ko!

Alden's POV

Nakapark na ako at pumasok sa public park, nakita ko ang napakaraming tao na nagpi-picnic. Mga bata na naglalaro, at mga tao'ng nagpapalipad ng kite. Tumingin ako sa kaliwa ko at may nakita akong bakanteng bench kaya lumapit ako at umupo. Tinignan ko lang ang paligid at isinara ang mga mata ko para maramdaman ang hangin.

Maine's POV

Sawakas, umabot narin ako sa park na naglakad lang. Ang init ng body ko, well at least ang coffee ko ay to the rescue! Plus... cold coffee to ha! Pumasok na ako sa park, pero bago muna ako nagpatuloy ay isinuot ko ang shades ko at nag earphones. Tumingin ako sa kaliwa ko habang kumakanta ng "New Soul" at akalain niyo naman! Nakita ko ang walang hiya'ng si Alden Faulkerson! Malapitan nga.

Lumapit ako at nagpapekeng hulog para matapunan ako ng coffee at tsaka mapagalitan ko. Yun ang revenge ko wahahah! Lumabay ako sakaniya at ginawa ko na ang plano ko.

Nagpepeking hulog ako at tinapon ang coffee ko sakaniya at sa akin... At tumayo naman ito, at tinulungan ako, abah ha! Hindi niya namalayan na ako pala 'to.. Tumayo ako at sabay tanggal narin ng shades ko na may dalang pekeng galit sa mukha ko.

Ano ba? Wala kabang konsensya? Hanggang dito ba naman? Ipapahiya mo ako?!? Pagalit na wika ko sakaniya at nakita ko na ang pag pula ng mukha niya

Pati dito susundan mo parin ako? My GOD! Napaka stalker mo anuh! Siguro, may report ka tungkol sa'kin noh? Kaya mo ako sinusundan? Sagot naman niya

Hoy! Para sabihin ko sa'yo! Hindi kita sinusundan! Napaka cheap mo naman, ikaw? Sinusundan ko? Wewz! Papekeng tawa kong wika

Cheap? Mas mukha ka ngan'g cheap kaysa sakin eh! Inis na sagot niya

Hoy! Baliw! Tignan mo nga kong ano ang ginawa mo sa dress ko! Bilhan mo ako ng bago nuh! Wika ko sakaniya sabay kusnot sa balikat niya

Ano ka, sineswerte? Ako pa talaga ang maygawa niyan ha? Na ikaw lang naman ang nahulog diyan! Sagot naman niya sabay sapak sa mga kamay ko XD

Akala ko ba mayaman ka! Ang sabihin mo, KURIPOT ka! Weheheh! Pinapainis ko na 'to guyz! CHILL lang

Diyan ka na nga! Malas ka sa buhay ko eh! At tumalikod ito

Hoy! Kinuha ko ang sapatos ko at tinapon sa ulo niya! HEADSHOT!!! AT tumingin ito

Ano ba! Ano bang problema mo? Nakakahiya ka! Sigaw nito

Ako pa talaga ha! At lumapit ako sakaniya, pero tumakbo ito habang dala dala ang sapatos ko. Apa Punyeta to ah! Hinabol ko naman

Naghabulan kami sa parke, malapit ko na siyang mahuli nang madapa ako sa sahig, at napalingon naman itong si Alden ah! Lumapit ito at nakita niya na hindi na ako nagbibiro. Umiyak naman ako, ewan ko kung bakit. Hindi lang siguro ako sanay sa mga dapa dapang iyan! At lumuhod siya para tignan ako.

Okay ka lang? Maalalahanin niya akong tinanong

Anong pake mo? Galit na wika ko habang tumutulo ang mga luha ko

Ikaw na nga 'tong tinutulungan! Ikaw pa ang nagsusungit! Wika nito at tinignan ko siya

Can't you see? Nadapa ako! Oh ano? Alam mo na! Galit na wika ko nanaman at pinunasan ang mga luha ko

Let me help you! offer niya at nahiya ako ha empernes!

'Wag na! Hindi na ako bata, na kailangan pang alalahanin pag nadapa! Sermon ko sakaniya at tumayo ito habang ako naman ay pilit na tumayo pero masakit eh (T-T)

Aray! Sigaw ko at tumingin nanaman siya sa'kin

OH! Sabi ko na nga diba? Tulungan na kita! Pa ayaw ayaw kapa! Kala mo kung sino ka! Bulong niya sa sarili at galit na tinignan ko siya

May sinasabi ka? Tanong ko

Wala! Sige tayo kana diyan! At inalalayan niya ako

Nakaholding hands kami... Ewan ko kung bakit ako kinikilig!!! EWAN KO!!!

Alden's POV

Bakit ako kinikilig? Hindi naman ako ganito ha! DI kaya't nahuhulog na ako sakaniya?

huwag muna! Baka ako nanaman ang madapa at masasaktan






>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

A/N: Oray't!!! Hanggang dito muna! Go read my other book JELSA Yun ah! "He's My Boy!!!" GOOOOO!

<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<


The Architect Marries The ReporterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon