What's Hot Vs. Undiscovered Gems

269 10 3
                                    

Ano bang meron sa SPG stories? Pasensya na ha, hindi ko pa kasi nararanasan ang magsulat 'nun kaya hindi ko alam kung anong purpose ng author kung bakit siya nagsusulat nun. Hindi naman ito para pakialaman ang trip nila... kaya nga Share and Discover Unlimited Stories eh. Pero ang tanong, WALA KA NA BA TALAGANG IBANG MAISIP NA SCENES KUNDI BED SCENES?

Katulad ng mga stories, unlimited din ang age ng mga nagbabasa dito sa wattpad. Once naisulat mo na 'yun, it can't be erased forever. Nagtataka talaga ako kung bakit sandamakmak ang SPG stories dito sa Pinoy Wattpad. Yung tipong, pupunta ka ng What's Hot tapos wala ka ng mapili. Paano naman ang mga trese anyos na batang tulad ko? Forever na lang ba kaming magbabasa ng Sleeping Beauty? Syempre hindi noh.

Naisip ko, siguro yung mga author na'yun walang ibang ginawa sa buhay kundi you-know.. makipag-loving loving. O kaya naman, ginagawa nila yun kasi yun 'yung patok sa madla (it just shows that Filipinos..arg... nakakadiri talaga!!!!) Pero sa pagkakaalam ko kasi, may tatlong purpose lang ang author kung paano siya nakakakuha ng plot: imagination, experience and environment. Alin man sa tatlong yan ang pasukan ng rason ng mga SPG stories, masama pa rin yun.

Imagination? Ibig sabihin, yun lang yung iniimagine mo all the time? 

Experience? Like duh, so ibig sabihin, naranasan mo na yun? At kelangan mo pang ibroadcast sa iba!!!

Environment? Ibig sabihin? Wala ng ibang ginawa ang bansang Pilipinas kundi yun? Kaya hindi umuunlad e. 

Meron pa pala akong isang tanong, BAKIT YUN YUNG MGA STORIES NA SIKAT? Yung tipong million ang reads pero wala namang natutunan? Ineencourage lang nun ang mga bata na magbasa ng ganun. Well, katulad naman ng mga nasa author's note, BE OPEN-MINDED. Kahit na ano man ang gawin mong pagbukas sa mata mo,

Hinding hindi mababago ang nilalaman ng puso - lalong lalo na pag nakasanayan mo.

XXXXX

Gangster Story

Casanova Story

Nerd Turned to Princess

Panget

Bet

Diary

Best Friend

Textmates

High School

Heartthrob

Fangirl

Nagkabunguan si girl at boy

Fanfiction ng mga sikat na artista

Bad girl at bad boy

Paulit-ulit na lang ba ang mga plot na yan? Forever na lang bang si lapis at pambura ang magkakatuluyan? Bakit hindi si polbo at cellphone? O kaya naman si mouse at motherboard, tapos anak nila sa baby on board? Bakit palaging sila ang nakikita ko sa what's hot? WALA NA BANG IBA? WALA NA BANG KAKAIBA? DUN NA LANG BA UMIIKOT ANG STORYA NG MGA PINOY?

Ayokong maghugsa, pero sa pinapakita nilang 'yan, para silang FAMEWHORE. OO, there's NO same story. Lahat magkakaiba. Pero the style and the plot, naeenhance lang 'yan ng naeenhance. Nauupgrade kumbaga.

Hindi porke't sikat si author, SIYA NA ANG PINAKAMAGALING NA AUTHOR SA MUNDO. Hindi porke't nakapagpublish na siya ng story, siya na ang pinaka-respetadong tao sa mundo. Matuto kang lumagpas sa boundaries niya. Maraming bangketa sa tabi-tabi... maraming ukay-ukay. Mura, pero maganda. Hindi yung high-class nga, hindi naman karapat-dapat.

Ayoko talagang magpin-point eh. Pero yung ibang nasa what's hot kasi, kung ikukumpara mo talaga sa mga undiscovered gems, WALANG-WALA!!!! 

SO meron akong quiz dito sagutan mo sa utak mo.

1. Anong favorite mong story?

2. Kilala mo ba LAHAT ng characters ng storya?

3. Bakit mo ito nagustuhan?

4. Ano ang PINAGKAIBA nito sa IBANG storya?

5. May natutunan ka ba dito?

Example ng mga naging sagot mo siguro.

1. Nainlove si Bakekang kay Bakekong

2. Oo, sina Bakekang, Bakekong, Churiray, Pating, Isda, Kahoy, Puno, San Juanica Bridge

3. Kasi nakakakilig sobra!!! tapos nakakaiyak sa huli!!!

--- sub question, bakit ka kinilig? bakit ka naiyak?

--- answer sa sub question: Ang cute kasi kapag tinatarayan ni Bakekong si Bakekang. Tapos... nakakarelate pa ako. Tapos... favorite teen loveteam ko pa yung characters... Tapos namatay si Bakekang sa huli. :(((( huhuhuhu iyak talaga ako nun!

4. Ahm.. pinagkaiba???? Ano nga ba??? Ewan. Basta there's something dun sa story na mapapa-wow ka talaga. :D

5. Natutunan????.... *thinks for 1 minute* Huwag maging torpe.

KUNG MALAPIT LANG LAHAT NG MGA NAGING SAGOT MO SA SAGOT KO,

Sinasabi ko sayo,

WALANG KWENTA YANG NABASA MONG STORY. JOKE. Meron palang kwenta... kaso MARAMING PANG BETTER DUN. (oops, wag masasaktan)

Kung hindi ka nakakarelate dun sa story, hindi mo naman itutuloy hanggang huli. Ending lang ang naging highlight nung story na yun. Kung hindi namatay si bakekang, hindi ka naman kikiligin.  

Ang totoong high class na story, hindi kailangang nakakrelate ka. Hindi kailangang mamatay ng isang character para lang maging memorable at unique yung storya. Ang mahalaga, kung gaano mo natatandaan yung BUONG storya. Kung gaano ito nakaapekto sayo kahit hindi mo pa ito nararanasan. At kung paano ito naging KAKAIBA sa lahat.

Medyo tumataliwas na ata yung mga sinasabi ko sa title ng work na'to: WHAT's HOT vs UNDISCOVERED GEMS. 

Siguro maraming galit na galit sakin ngayon dahil sa mga opinyon ko, pero tatanggapin ko naman ang lahat ng iyon e. Opinyon ko to. Bahala na lang po kayo sa buhay niyo kung anong gagawin niyo. XD Life niyo yan.

Ang akin lang,

Ang stories parang pagkain. Food isn't about HOTNESS... it's about the TASTE.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang InternetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon